Kapelusugan

Kapelusugan

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kapelusugan, Medical and health, West Avenue corner EDSA, Beirut.

30/10/2020

KILALANIN ANG MGA INTERNATIONAL CELEBRITIES NA MAHILIG SA KAPE, KASAMA KAYA ANG INIIDOLO MO?

Alam na natin mga ka-Jimm's na minsan ay naging endorser ng Jimm's Coffee Mix ang mga artista nating sina Gladys Reyes-Roxas, kanyang asawa na si Christopher Roxas, at si Kapitana Angelika Dela Cruz.

Pero kilala mo ba ang mga international celebrities na bukod sa kanilang kasikatan ay "certified coffee lover" din?

Para malaman mo kung sinu-sino ang mga bigating personalidad na 'yan, samahan sina Doc Hilda Ong at Jerry Epac sa "Health Bulletin" segment ng KAPELUSUGAN mamayang alas-8:00 hanggang alas-9:00 ng umaga sa Radio Veritas 846 kHz na mayronn ding live streaming sa Veritas846.ph.

Sa mga photos na nasa ibaba, mahuhulaan mo ba kung sinu-sino ang mga celebrities na mahilig sa kape. Subukan mo.

Bukod diyan, may iba pang balitang pangkalusugan kung paanong sa pag-inom ng kape ay makakaiwas sa pagkakaroon ng Parkinson's Disease at mga balita buhat sa Visayas region na ihahatid ni councilor Vincent Robles mula sa Iloilo City.

Kaya samahan sina Doc Hilda at Sir Jerry sa masarap na pagkakape at kuwentuhan sa KAPELUSUGAN na mapapanood din sa pages ng Jimm's Coffee Mix, sa TV Radio Hilda Ong at sa personal FB ni Doc Hilda na "Hilda Ong".

21/10/2020

HEALTH BULLETIN:
PAG-INOM NG KAPE, IWAS SA PAGKAKAROON NG MGA BATO SA APDO AYON SA PAG-AARAL

Batay sa isang pag-aaral na nalathala sa Journal of Internal Medicine, ang madalas na pag-inom ng kape ay nakababawas sa tsansa sa pagkakaroon ng gallstones o mga bato sa apdo.

Sa sinuring 104,493 na mga indibidwal na kapwa umiinom at hindi ng kape, nakita na ang mga taong hanggang anim na tasa sa bawat araw ay nabawasan ng 23 lower risk na magkaroon ng symptomatic gallstones kumpara sa mga hindi talaga umiinom ng kape.

Habang ang nakaka-isang tasa lamang ng kape bawat araw ay mayroon lamang lower risk level na three percent (3%).

Ang pagkakaroon ng mga bato sa apdo ay isang “common digestive diseases”, bagamat madali itong tanggalin sa pamamagitan ng operasyon, maaari itong maging life-threatening kapag pinabayaan dulot ng infection sa apdo o sa atay.

Tinatayang, nasa 16 katao lamang ang nakararanas ng sintomas sa bawat isangdaang tao. Bagamat wala pang eksaktong bilang, dumarami ang nagkakaroon ng gallstones sa mga Pilipino dala ng lifestyle ayon sa Department of Health.

Want your practice to be the top-listed Clinic in Beirut?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address

West Avenue Corner EDSA
Beirut
1104