Immaculate Conception Sulsugin Chapel
The Immaculate Conception is a dogma of the Catholic Church which states that the Virgin Mary was free of original sin from the moment of her conception.
27/05/2026
Mula sa samahan ng Immaculate Conception Youth Circle (ICYC), kami po ay labis na nagpapahalaga at nagpapasalamat sa lahat ng nagbigay ng tulong, nakilahok, at dumalo sa ating Flores De Mayo 2026. Una sa lahat, kami po ay nagpapasalamat sa ating Mahal na Birhen de las Florez at sa ating Panginoon para sa kanilang gabay at sa magandang panahon na ipinagkaloob sa ating Flores De Mayo. Salamat din sa ating kuraparoko Fr. Henry Tagalog mula sa San Juan Nepomuceno Parish Alfonso sa kanyang pamimisa para sa ating Flores De Mayo. Kami ay nagpapahayag ng pasasalamat sa ating Hermana Mayor Gng. Fe Camarce at kanyang pamilya dahil sa kanilang pagtutulungan, pagkakaisa, at pagtanggap sa ating Mahal na Birhen De Las Flores. Salamat po sa lahat ng pag-aasikaso na nagbigay-daan sa tagumpay ng ating Flores. Maraming salamat din sa ating Kapitan Delfin, Tanod, Sangguniang Barangay, at Sangguniang Kabataan sa kanilang suporta. Hindi po maisasagawa ito kung hindi dahil din po sa inyo. Nawa po sa mga dadaan pa na Flores De Mayo ay muli po tayong magkaisa. Muli po tayong magsama-sama at magtulong-tulong para sa ating Flores De Mayo 2027 na ang ating Hermana Mayor ay sina Gng. Josefina Crus at pamilya.
Muli po, maraming salamat po sa inyong lahat. Pagpalain nawa po kayo ng may kapal.
29/04/2026
Pagluluklok—isang sagradong sandali ng pag-aalay ng korona at pusong puno ng pananampalataya sa Mahal na Birhen. Sa bawat bulaklak at dasal, ipinapakita ang kababaang-loob, kagandahang-asal, at debosyon ng bawat kabataan. Inaanyayahan po namin kayo na makiisa sa ating pagluluklok para sa ating Mahal na Birhen ng de las Flores. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang araw na ito upang patuloy nating isabuhay ang kabutihan at pag-ibig sa kapwa. 💐💗
DATE: APRIL 30, 2026
TIME: 2:00 PM | Immaculate Conception Sulsugin Chapel
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the place of worship
Telephone
Website
Address
Alfonso
4123