Clueless Shots
Random Photography and Random Sh*ts
11/02/2023
Minsan mahirap langhapin amuyin ang hangin dala ng mga kaibigan nating malapit ng maabot ang bituin
Minsan mahirap lumangoy sa daloy ng tubig ng karunungan dala ng taong madalas sa atin magpayo
Minsan hirap na rin akong paapuyin ang pusong nagniningas
parang nanigas sa lamig nawalan ng gana para ipagpatuloy ang laban abutin ang pangarap na kalayaan at ipagpatuloy ang laban
Pero heto pa rin ako patuloy na naglalakbay natututo sa buhay
pa isa-isang hakbang papalayo sa dating pinagmulang kalungkutan, inaayos ang ang sarili para sa sarili at di para sa iba
minahal ko na rin ang pag iisa dahil sa huli ako lang din naman magsasalba sa sarili ko mula sa hukay
At sa paglingon ko napansin ko na di pa man malayo ang nararating ko ang importante ay nakausad ako mula sa lungkot, takot at pangangamba na baka hanggang dito na lang ako .
kaya ikaw kung pakiramdam mo nahuhuli ka o wala ng pag-asa, isang tanong lang ang kailangan mong tandaan
"Bakit ka nga ba nagsimula? ".
Click here to claim your Sponsored Listing.
Website
Address
1930