Build with Rachelle

Build with Rachelle

Share

Build with Rachelle aims to inspire people. Quotes, Songs, Stories and advices shared here are being compiled to uplift your spirit.

09/03/2025

Sikapin makamtan ang Kapahingahan ng Diyos

04/03/2025

Proverbs 29:18 "Where there is no vision, the people dwell carelessly.
A progressive vision helps the believer live accurately and with purpose in life.

Don't let your vision just be a mission, goal or ministry.
Our vision is to know Christ more.
Who are You Lord?
It's a question that we should ask our lifetime.

~Rev. Linda Holmes
ZMI, Book of Philippians Class

09/02/2025

Ang Katotohanan ng Pag-ibig mula sa Diyos
Rev Arjun Pelias

Ang pag-ibig ay isang-uri ng pakikipag-ugnayan
Dahil sa pg-ibig kaya tayo naririto

Romans 12:10
Magmahalan kayo bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.

Ang pag-ibig, sa pangamgailangan - inuuna muna ang iba

Example ay mapagmahal na ama

Galacia 5:13
13 Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig.

Colosas 3:14
14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa.

Ang pag-ibig ay isang komunikasyon

Ngayong Febrero, ang pag-ibig ay nagagamit sa maling paraan ng sanlibutan

Mga uri ng pag-ibig:
Unconditional love
Brotherly love
Eros love

Unahin natin ang pag-ibig sa Diyos

Pag-ibig
1. Pag-ibig bilang pakikipag-ugnayan sa Diyos
Ang pag-ibig ay isang kabutihan ng ating Diyos, ito ay nagsasalarawan ng Lanyang pagka-Diyos

1Juan 4:16
16 Nalalaman nating tayo'y iniibig ng Diyos at lubos tayong nananalig sa katotohanang ito.
Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy sa pag-ibig ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili naman sa kanya.

Juan 3:16
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan

1 Juan 3:16
Dito natin nalalaman ang pag-ibig: inialay ni Cristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya't dapat din nating ialay ang ating buhay para sa mga kapatid.

Romans 13:8
Huwag kayong magkaroon ng sagutin kaninuman, maliban na kayo'y magmahalan sa isa't isa, sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay nakatupad na sa Kautusan.

Pag-ibig bilang pakikipag-ugnayan sa iba

Pag-ibig bilang paraan ng pakikipag ugnayan sa Diyos

Palakasin ang isa’t-isa

Roma 14:19
Kaya't lagi nating pagsikapang gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng kapayapaan at makakapagpalakas sa isa't isa.

Roma 15:7
Kung paanong kayo'y malugod na tinanggap ni Cristo, tanggapin ninyo ang isa't isa upang mapapurihan ang Diyos.

Pag-aalaga sa isa’t-isa

1Corinto 12:25
upang hindi magkaroon ng pagkakabaha-bahagi, sa halip ay magmalasakit ang bawat bahagi sa isa't isa.

Galacia 5:13
Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig.

Kawikaan 3:3-4
3 Pag-ibig at katapata'y huwag mong tatalikuran,
ikuwintas sa iyong leeg at itanim sa isipan.
4 Sa gayon, malulugod sa iyo ang Diyos,
at kikilalanin ka ng mga tao.

1Corinto 13

13 Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong kampanang umaalingawngaw o pompiyang na maingay. 2 Kung ako man ay may kakayahang magsalita ng mensahe mula sa Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung nasa akin man ang lahat ng kaalaman at lahat ng pananampalataya, anupa't nakakapagpalipat ako ng mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan. 3 At kung ipamigay ko man ang lahat ng aking mga ari-arian at ialay ang aking katawan upang sunugin,[a] ngunit wala naman akong pag-ibig, wala rin akong mapapala!

4 Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, 5 hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa. 6 Hindi ito natutuwa sa masama, sa halip ay nagagalak sa katotohanan. 7 Ang pag-ibig ay matiisin, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.

8 Matatapos ang kakayahang magsalita ng mensahe mula sa Diyos, titigil rin ang kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, at lilipas ang kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang katapusan. 9 Hindi pa ganap ang ating kaalaman at hindi rin ganap ang kakayahan nating magsalita ng mensahe mula sa Diyos, 10 ngunit pagdating ng ganap, maglalaho na ang di-ganap.

11 Noong ako'y bata pa, ako'y nagsasalita, nag-iisip at nangangatuwirang tulad ng bata. Ngayong ako'y mayroon nang sapat na gulang, iniwanan ko na ang mga asal ng bata. 12 Sa kasalukuyan ang ating nakikita ay tila malabong larawan sa salamin, subalit darating ang araw na ang lahat ay makikita natin nang harapan. Bahagya lamang ang nalalaman ko ngayon, ngunit darating ang araw na malulubos ang kaalamang ito, tulad ng lubos na pagkakilala niya sa akin.

13 Samantala, nananatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.

Ang pag-ibig ay tinatanggap ang:
Pasensya
Kabaitan
Katotohanan
Katatagan
Pananampalataya
Pag-asa
Nagtitiis
Nagtitiyaga

Ang pag-ibig nilalabanan ang:
Inggit
Kayabangan
Kahambuga
Kwalang-asal
Makasarili
-galit
-sama ng loob

1Corinto 13:13 Samantala, nananatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig

05/02/2025

Ang Diyos na nagmamalasakit at nagmamahal
Rev Arjun Pelias

1Pedro 5:6-11
Magandang Balita Biblia
Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang panahon. 7 Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.

8 Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo, ay parang leong umuungal at aali-aligid na naghahanap ng malalapa. 9 Labanan ninyo siya at magpakatatag kayo sa inyong pananampalataya sa Diyos. Tulad ng alam ninyo, hindi lamang kayo ang nagtitiis ng mga kahirapan, kundi gayundin ang inyong mga kapatid sa buong daigdig. 10 Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kagalingan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag. Siya ang tumawag sa inyo upang makibahagi kayo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Cristo. 11 Sa kanya ang kapangyarihan magpakailanman! Amen.

V6 Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang panahon.

1. Dapat ay magpasakop tayo sa ating mga pinuno
Tayo ay magpakumbaba

2.Kanino natin dapat ipagkatiwala ang ating mga alalahanin? Sa Diyos.
Dahil Siya ay nagmamahal at nagmamalasakit sa atin

Care - meron kang importanteng bagay na inaalagaan

Yung importanteng bagay ay ibinigay mo sa Panginoon

Sa English iba-iba ang meaning

1 Pet 5:7 Cast all your anxiety on him because he cares for you.

Cares, Worries, Anxiety

Gusto ng Diyos iaalay natin sa Kanya ang ating mga balisa

V8 Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo, ay parang leong umuungal at aali-aligid na naghahanap ng malalapa.

3. Gusto ng Diyos na magbantay tayo

V6 Magpakumbaba
V7 Ipagkatiwala ninyo sa Diyos
V8 Maging handa
V9 Labanan nyo ang kaaway

4. Paano lalabanan ang kaaway

Efeso 6:11-13
Magandang Balita Biblia
11 Isuot ninyo ang buong kasuotang pandigma na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo. 12 Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito, sa mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid. 13 Kaya't gamitin ninyo ang kasuotang pandigma na mula sa Diyos. Sa gayon, makakatagal kayo sa pakikipaglaban pagdating ng araw na sumalakay ang masama, upang pagkatapos ng labanan ay matatag pa rin kayong nakatayo.

Efeso 6
14 Kaya't maging handa kayo. Ibigkis sa inyong baywang ang sinturon ng katotohanan, at isuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran; 15 isuot ninyo ang sapatos ng pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita ng kapayapaan. 16 Lagi ninyong gawing panangga ang pananampalataya, na siyang papatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng diyablo. 17 Isuot ninyo ang helmet ng kaligtasan, at gamitin ang tabak ng Espiritu, na walang iba kundi ang Salita ng Diyos. 18 Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, humiling at sumamo sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos.

Paano labanan ang kaaway:
Paano makukuha ang katotohanan, magbasa tayo ng biblia
Makinig tayo sa Salita ng Diyos

-Ibigkis sa inyong baywang ang sinturon ng katotohanan,
-isuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran
-isuot ninyo ang sapatos ng pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita ng kapayapaan. -Lagi ninyong gawing panangga ang pananampalataya, na siyang papatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng diyablo.
-Isuot ninyo ang helmet ng kaligtasan,
-gamitin ang tabak ng Espiritu, na walang iba kundi ang Salita ng Diyos.

5. Magtiis ng loob ng maikling panahon

V10 Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kagalingan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag. Siya ang tumawag sa inyo upang makibahagi kayo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Cristo.

Mayroon pang 7 taong Dakilang Pagsubok, kailangang pagtiisan natin

Magbibigay ang Diyos ng kagalingan sa ating sitwasyon
Kagalingan sa karamdaman
Patatatagin tayo ng Diyos
Lakas ng loob
Bibigyan Niya tayo ng pundasting di matitinag
Siya ang tumawag sa atin upang makibahagi sa walang hanggang kaluwalhatian

Works cannot save us
Tinawag Niya tayo, God called us

6. Nagsimula tayo ay pagpapakumbaba, magtatapos tayo sa pagpapakumbaba

V11 Sa kanya ang kapangyarihan magpakailanman! Amen.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Antipolo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address

Antipolo