Mommy D
It always seems impossible until it's done.
18/08/2025
Kapag sinabi po ng magulang na bawal sa anak niya, irespeto po natin yun.
Mapa-candy man yan, laruan, o chichiria na para sayo ay “paminsan-minsan lang naman” o “bata yan, pagbigyan na.”
Hindi ito pagiging OA o masyadong praning ng isang nanay. Ito’y dahil mas kilala niya ang pangangatawan at ugali ng anak niya.
Malay natin dahil sa tsokolate, maya-maya hindi makatulog ang bata, maghahyper o kaya magka allergy..
Malay natin dahil sa sobrang chichiria magkaka UTI.
Sinong mas mahihirapan?
Yung nanay na nag-aalaga.
Sana’y maintindihan po na yung disiplina ang iniinstill ng magulang sa bata ay para sa mas ikakabuti niya.
Kung tunay po na nagnamalasakit tayo sa bata, igalang po natin ang desisyon ng kanyang magulang na mas nakakaalam ng ikakabuti ng kanyang anak🙂
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Apalit