AURA Secret Files

AURA Secret Files

Share

For submission of ur stories:
1.Send it using the link: http://goo.gl/forms/uM7hZygDHa
2.You may sen You may submit your stories in the link below!

15/08/2016

Ugh, alright, guys and gals... if you have a friend, don't use them as piggy bank, if he or she want to treat you and buy you some food, let them, but don't abuse that. Just because he or she got a lot of money, you'll abuse their kindness, you're not a real friend at all, you're a parasite to that person. Stop taking advantage to that poor person's kindness... I feel sorry to that person... it supposed to be his/her allowance, not your allowance, Damn... how could you...

Candy-Dandy
AURA College
BS-Psych

15/08/2016

Heto ako, isang gabi, naghihintay makatulog, nagpapaantok, habang lumalalim ang gabi, Ilang oras nalang lilisanin ko na ang paaralan na aking pinag aralan ng ilang taon. Ang aking istorya ay aking sisimulan tungkol sa pagpap**ilala ko sa isang babaeng aking hinahangaan, hindi ko na babanggitin ang ngalan nya, Magsasabe nalang ako ng ibang detalye tungkol sa kanya, sya ay baguhan sa Paaralan, kasapi sya ng departamento ng Sikolohiya, Maganda, makinis, matatawag ko syang dyosa at pantasya ng lahat. At ako naman eto, sawing palad, umaasa sa malayo, nakamasid. Nung una ko syang makita, mala diwata sya tumingin bilugan ang mata na gasuklay ang hugis, ang amo, sobrang ganda. Hindi ko sya pinansin at pinagtuunan ng pansin, dahil hindi kame pwepwede sa kadahilanang alam naman ng lahat, na may mga bagay na sadyang komplikado at hindi kayang ipaliwanag. Paikliin na naten, na meron syang inspirasyon. Ako man ay meron, at kaya hindi talaga kame maari. Lumipas ang panahon na palagi kame nagkikita sa isang lugar, tila nakatadhana na mangyayare at magtatagpo kame ng ganitong oras at araw sa ganitong lugar. Buwan ng diseymbre, Malapit na ang araw ng pasko, lumabas kame kasama ang aking pamilya, Hindi ko sinasadyang magkita kame ron, sa lugar na yon. Nagkatinginan kame, matagal, malalim, parang nagkahiyaan magbatian, dahil siguro nagkikita kame sa paaralan, Tumagal ng ilang segundo ang tinginang akala mo saken ay isang dekada, pag alis nya tumibok ang puso ko, Hindi ko mapigilan, sobrang bilis, parang agos ng ilog. tuloy tuloy. Araw ang lumipas. Palagi kameng nagkikita sa institusyong aming pinasukan. Sa twing nakakasalubong ko sya, naguusap ang aming mga mata, hindi naman ako gwapo, ayoko ren isipin na nagdadampi ang aming mga paningin. Pero hindi ko alam ang dapat ko maramdaman, naguguluhan ako kung tama ba ang iniisip ko. Kung tama naman, bakit ako? Nagpatuloy ang panahon na ganito, puro tamaan lang ng mata, matang nangungusap ngunit hindi ko maintindihan. Matang nakikipag usap. Nakakapagsalita ren pala ang mata. Gustong gusto kita kausapin ngunit hindi talaga pwede. Siguro nahuli ako, o nauna ako, nahuli ka, o nauna ka. Hindi ko alam, wala akong kasagutan, malabo ang aking nararamdaman. Hindi ako masaya. hindi ko alam ang kasagutan sa mga tanong ko. Pero para saken, sa isip at puso ko, meron sating dalawang espesyal, walang bibig na nagamit, Mata lang ang gamit sa pag sasalita. Puno ng tanong, napaka misteryoso. Kaya heto ako, isang gabi, naghihintay makatulog, nagpapaantok, habang lumalalim ang gabi, Ilang oras nalang lilisanin ko na ang paaralan na aking pinag aralan ng ilang taon. Hindi ko alam kung makikita pa kita, Pero sana pag dating ng panahon, na magkita tayo muli, makatitigan sa mata, kakausapin kita sa mga tingin. Bumalik at mangusap ka sa iyong mga mata, at sana sa panahon na yon pwede na tayong dalawa. Saka ko ikwekwento sayo lahat ng gusto kong sabihin at itinago sa kaloobloban ng aking damdamin. O kung hindi man dumating ang panahon na yon, magkita man tayo sa ibang panahon. Pag nagkasalubong ulet tayong dalawa, at nagtugma ang ating mga mata, Ibubulong ko sa hangin at aking sasabihing, maalala mo sana. :)

Gamo-Gamo
Departamento ng Malulupet at Mapanganib
Kick out

Want your school to be the top-listed School/college in Area?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address

Bldg. H-8931 Former Subcom Area
Area
2200