KamFil

KamFil

Share

Opisyal na pahina ng KamFil

Photos from KamFil's post 12/05/2026

Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng mga pumasa sa March 2026 Licensure Examination for Teachers (LET)!

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang simpleng pagpasa sa isang pagsusulit ito ay bunga ng walang sawang pagpupursige, mahabang oras ng pag-aaral, mga gabing kulang sa tulog, sakripisyo, at matinding pananampalataya sa sariling kakayahan. Sa bawat pagod at pagsubok na inyong hinarap, napatunayan ninyo na ang determinasyon at dedikasyon ay tunay na susi sa tagumpay.

Ngayon ay isa na kayong ganap na Licensed Professional Teachers na handang humubog ng kaalaman, pangarap, at kinabukasan ng susunod na henerasyon. Dalhin ninyo ang inyong puso sa pagtuturo at magsilbing inspirasyon sa bawat batang inyong maaabot.

Hindi man naging madali ang journey, lahat ng hirap ay naging sulit dahil narito na kayo sa pinapangarap ninyong tagumpay.

"Congratulations, future builders of the nation!"

Pagbati mula sa KamFil & Departamento ng Filipino.

10/05/2026

Isang pagpupugay para sa mga ilaw ng tahanan na walang sawang nagmamahal, nagsasakripisyo, at gumagabay sa kanilang pamilya.

Sa bawat yakap, pag-aaruga, at pagmamahal na walang kapalit, tunay kayong inspirasyon ng bawat tahanan.

Maligayang Araw ng mga Ina sa lahat ng dakilang nanay!

01/05/2026

Saludo sa bawat manggagawang Pilipino!

Ngayong Araw ng mga Manggagawa, kinikilala natin ang walang sawang sipag, tiyaga, at dedikasyon ng bawat isa mula sa mga nasa bukid, kalsada, ospital, paaralan, at iba pang sektor ng lipunan. Sa kabila ng pagod at sakripisyo, patuloy kayong lumalaban at nagsisilbing haligi ng ating bayan.

Kayo ang tunay na lakas at inspirasyon ng pag-unlad. Nawa’y patuloy kayong mabigyan ng pagkilala, respeto, at mas maayos na kalagayan sa paggawa.

09/04/2026

Sa bawat pahina ng kasaysayan, dugo at tapang ang puhunan ng kalayaan.

Ngayong Araw ng Kagitingan, alalahanin natin ang kabayanihan ng mga Pilipinong lumaban para sa ating bayan. Mabuhay ang diwa ng kagitingan! 🇵🇭

07/04/2026

Goodness gracious, ikaw yung nasa dagat nong holy week pero cramming na ngayon?

Laban mga QECIANS! Kahit pagod sa activities, bawat effort nyo, may reward yan. Smile lang, enjoy, at push hanggang dulo!

01/04/2026

Happy birthday, Kianna R. Agnes!🥳

Sa iyong espesyal na araw, nawa’y mapuno ito ng kagalakan, pagmamahal, at makabuluhang mga sandali kasama ang iyong mga mahal sa buhay. Nais naming ipabatid ang aming taos-pusong pagbati at pasasalamat sa iyong kabutihan at positibong impluwensya sa mga taong nasa iyong paligid.

Nawa’y patuloy kang pagpalain ng kalusugan, tagumpay, at lakas sa pagharap sa bawat hamon ng buhay. Hangad namin ang katuparan ng iyong mga mithiin at ang patuloy mong pag-abot sa iyong mga pangarap.

Pagbati mula sa: KamFil

01/04/2026

Happy birthday, Jhunel Pasia!🥳

Sa bawat pagsisikap, sipag, at dedikasyon na ipinapakita mo, isa kang inspirasyon sa amin. Nakita namin kung paano mo hinaharap ang mga pagsubok at kung paano ka patuloy na nagsusumikap para maabot ang iyong mga pangarap. Hindi man madali ang lahat, pinapatunayan mo na kaya mong lumaban at magpatuloy.

Bilang bahagi ng KamFil family, nagpapasalamat kami sa pagiging mabuting halimbawa mo sa iyong ugali, determinasyon, at pakikisama sa iba. Ipagpatuloy mo lang ang iyong nasimulan dahil sigurado kaming marami ka pang mararating sa buhay.

Pagbati mula sa: KamFil

28/03/2026

Sa paggunita ng Mahal na Araw, inaanyayahan tayong huminto sandali at pagnilayan ang ating buhay at mga pagkukulang, pagpapatawad, at mga biyayang natatanggap araw-araw. Nawa’y magsilbi itong paalala na sa bawat pagsubok ay may pag-asa, at sa bawat sakit ay may paghilom sa tulong ng pananampalataya.

Sama-sama nating tahakin ang linggong ito nang may kababaang-loob, kapayapaan sa puso, at taos-pusong pagmamahal sa kapwa.

20/03/2026

Sa pagdiriwang ng Eid al-Fitr, ang KamFil ay nakikiisa at nagbibigay pugay sa ating mga Muslim na kapatid. Nawa’y maging masaya, mapayapa, at puno ng biyaya ang inyong selebrasyon!

Mobile uploads 06/03/2026
Want your school to be the top-listed School/college in Atimonan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

Atimonan