GTYM
It's GTYM (God Time) with GTYM (God's Team). Come and join us and bring Good News to the world!
25/01/2021
A great question to ponder!
Why do you read the Bible?
14/12/2020
At habang nakataas ang kamay ni Moises, nananalo ang mga Israelita, pero kapag ibinababa niya ang kanyang kamay nananalo naman ang mga Amalekita...
..Gumawa si Moises ng altar at tinawag niya itong, “Ang Panginoon ang aking Bandila ng Tagumpay.”
Exodus 17:11, 15 ASND
Ano/Sino ang itinataas at ibinabandera natin sa buhay?
Nakakapagod ang mga labanan sa isip, sa damdamin at sa praktikal na buhay. Ano o sino ang magpapalakas ng loob mo para mapagtagumpayan ang mga laban na ito?
Si LORD mismo ang magpapaalala sa atin na Siya lang at wala nang iba ang pinanggagalingan ng tagumpay dahil Siya mismo ay "bandila" ng tagumpay, Siya mismo ang "simbolo" ng panalo.
Pagod ka na ba? Tingin lang sa taas, iwagayway ang "Watawat ng tagumpay" kapag ika'y nanlulupaypay.
Magandang araw, pagpalain tayo ng Maykapal!
07/12/2020
At sa pamumuno niya, ang lahat ng bahagi ng katawan, na walang iba kundi ang mga mananampalataya, ay pinag-uugnay-ugnay, at ang bawat isaʼy nagtutulungan. At sa pagganap ng bawat isa sa kani-kanilang tungkulin nang may pag-ibig, ang buong katawan ay lalago at lalakas.
Efeso 4:16 ASND
May bilang ka kapatid! Hindi ka man kabilang sa music ministry, humahalili kay Pastor sa preaching o isang youth leader, kabahagi ka ng Body of Christ.
Sa simpleng panalangin para sa church, malaki ang naiaambag natin para sa guidance at unity ng ating iglesia. Bukod doon, marami pang ibang options. Just pray to God na i-reveal Niya kung ano ang pwede mong maging part sa ikalalago ng iyong church.
Blessed Monday and week ahead!
04/12/2020
Madalas hinahanap natin ang Diyos at natutuksong huwag nang maniwala kapag di natin nararanasan ang mga himala Niya at gawa sa buhay natin.
Ang totoo, malapit lang talaga Siya. Minsan ang sukatan ng pagiging malapit ng Diyos ay hindi sa visible na nagagawa Niya kundi sa willingness natin makinig at sumunod sa mga aral Niya.
Willingness to hear, read and obey His Word are the keys to His nearness.
Be aware of His presence through His Word.
Happy weekend kapatid.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Balanga
2110