Ang Talaghay
ANG TALAGHAY ay ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Bataan National High School - Senior High School.
28/02/2026
๐๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐๐ต๐ถ๐ฝ ๐๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด, ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ป๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐๐ถ๐น
Binigyang-diin sa isinagawang leadership training ng Kaisa sa Wikang Filipino (KaWikaFil) ang pamumunong nakaugat sa wika at malasakit, noong ika-27 ng Pebrero, sa Bataan National High SchoolโSenior High School, Diosdado Building Room #2.
Nakatuon ang programa sa pagpapalakas ng kakayahan ng kabataan sa pamumuno, komunikasyon, at epektibong pamamahala ng mga proyekto, sa ilalim ng temang โKAWIKAMP: Kaisa sa Wikang Filipino Tungo sa Kaalamang Makapagpapayaman sa Bawat Pilipino.โ
Sumailalim ang mga kalahok sa pagsasanay sa public relations, paggawa ng publication materials, at wastong pagpaplano at pagpapatupad ng mga proyekto sa pangunguna ng mga tagapagsanay mula sa Sovereign Youth Alliance.
Ibinahagi ng isa sa mga pangunahing tagapagsalita na si Miyore Kyle Morales, DFSSLG Bataan President, ang kanyang mga karanasan sa liderato at nagbigay ng payo sa mga mag-aaral na naghahangad maging lider.
โLeadership is not about title, itโs about showing up,โ ani Morales.
Naging sentro ng kanyang talakay ang mga paksang โHow I Said Yes: And Leadership Took Me Placesโ at โFrom Proposal to Project: How Ideas Said โI Doโ to Action,โ na tumalakay sa kahalagahan ng inisyatiba at pagsasakatuparan ng mga ideya.
Kasunod nito, nagbahagi rin ng kaniyang karanasan at mga aral sa pamumuno si Noreen Joy Zulueta, Kalihim ng KaWikaFil sa Taong Pampanuruan 2024โ2025.
Samantala, nagsilbing paghahanda ang KAWIKAMP para sa mga mag-aaral na magsisilbing opisyales sa susunod na taong pampanuruan.
Balitang Pampaaralan ni: Juluah Vargas
Sinuri at Winasto ni: Mhar Raven Mallari
Larawang Kuha ni: Juliah Vargas
28/02/2026
๐๐๐๐-๐๐๐๐
๐๐ก๐๐ฆ-๐ฆ๐๐ฆ, ๐ป๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ต๐๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐๐ถ๐๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ ๐ฎ๐๐ต ๐๐ฎ๐ถ๐ฟ; ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐ต๐ฎ๐น ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฒ๐ผ๐ป
Umani ng karangalan ang mga kalahok ng Bataan National High SchoolโSenior High School (BNHS-SHS) sa nagdaang 2026 Division Mathematics Fair at pangalanan bilang Pangkalahatang Kampeon ng kompetisyon na ginanap sa Balanga Elementary School, noong ika-26 ng Pebrero.
Sa ilalim ng temang โMathematics and Hope: Inspiring Learners to Dream, Solve, and Succeedโ pinatunayan ng mga Senior Arellanista ang kanilang taglay na husay at talas ng isip sa asignaturang Matematika.
Dagdag pa rito, ang aktibidad na ito ay nagpapatunay na ang Matematika ay hindi lamang numero sa pisara bagkus isang larangan ng estratehiya, bilis, at malikhaing pag-iisip.
Samantala, itinanghal naman bilang pangkalahatang kampeon ang BNHS-SHS matapos nitong kumubra ng mga karangalan sa iba't ibang kategoryang kanilang nilahukan.
Nasa ilalim ang mga pangalan ng mga mag-aaral na naging kinatawan ng paaralan at binigyang parangal:
๐ฆ๐จ๐๐ข๐๐จ
๐ฅ1st Place โ Karlyn Keith Meneses
Coach: Sir Arvic Paraso
๐ฅ๐จ๐๐๐โ๐ฆ ๐๐จ๐๐
๐ฅ1st Place โ John Daniel Meija
Coach: Sir Elvin Fernandez
๐ ๐๐ง๐๐๐ ๐๐ง๐๐๐ฆ ๐ค๐จ๐๐ญ ๐๐๐ (๐๐ฅ๐๐๐ ๐ญ๐ญ)
๐ฅ1st Place โ Aviegail Moirah Lim
Coach: Maโam Andrea Jessa Reyes-Gracio
๐ ๐๐ง๐๐๐ ๐๐ง๐๐๐ฆ ๐ค๐จ๐๐ญ ๐๐๐ (๐๐ฅ๐๐๐ ๐ญ๐ฎ)
๐ฅ1st Place โ Marthina Aleign Suverano
Coach: Maโam Rochelle Gomez
๐ฆ๐๐ข๐จ๐ง-๐ข๐จ๐ง ๐ฉ๐๐๐๐ข ๐ ๐๐๐๐ก๐ ๐๐ข๐ ๐ฃ๐๐ง๐๐ง๐๐ข๐ก
๐ฅ1st Place
Director: Dhensel Ferrer
Assistant Director: Juliah Elthea Vargas
Editor: Zakia Sydelle Tamargo
Cinematographers:
Gabrielle Santi Gomez
Noah S. Rea
Music Composed and Performed:
Leigh Jafayrah Malibiran
Aldrin Rey Javier
Dancers:
Lourin Sabina Santos
Rowelle Jared Vicedo
Tricksy Mae Vequizo
Angelica Saldi
Coach: Maโam Kyyie Trinidad
๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ก๐๐๐
Participants
Alvien R. Salvador
Ericka L. Isip
Stacy Raรฑada
Michaella L. Garcia
Kaylee G. Nallares
John Aldrin R. Sombilla
Alyssa Vernice S. Ramos
Perrie Reyver Roman
Carl Braily Sanchez
Elysha Iysh Peralta
Coach: Marcelino Arnal
Ayon sa pamunuan ng BNHS-SHS, ang tagumpay na ito ay bunga ng masusing paghahanda, pagtutulungan ng mga g**o at mag-aaral, at walang sawang suporta ng paaralan.
Muling ipinamalas ng BNHS-SHS na sa tamang paggabay at pagsisikap, ang mga numero ay nagiging tulay patungo sa tagumpay.
Balitang Pampaaralan ni: Dhensel Ferrer
Sinuri at iniwasto ni: Emma Pantaleon
Larawan ni: Gabrielle Santi Gomez, Radha Quiro, Dustin Cayabyab
28/02/2026
๐ข๐๐ฅ๐, ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด; ๐ฃ๐ฎ๐ด๐น๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฝ๐ผ๐ธ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐๐๐น๐ฎ๐ ๐๐๐น๐บ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฐ๐๐ถ๐๐ถ๐๐
Bilang selebrasyon ng National Arts Month, sa pangunguna ng Organisasyon ng Buhay, Ritmo, at Anyo (OBRA) ang pagdaraos ng โGalaw at Kulay: Isang Malikhaing Paglalakbayโ upang maipakita ang husay at kakayahan ng mga mag-aaral sa ibaโt ibang larangan ng sining, nitong ika-28 ng Pebrero.
Dakong alas-8 ng umaga pinasinayaan ang pagbubukas ng Live Painting Competition sa ika-11 at ika-12 baitang, tampok din sa unang bahagi ng programa ang pagbebenta ng mga obrang likha mismo ng mga miyembro ng organisasyon.
Bukod dito, hain din ng programa ang iba't ibang booths tulad ng Caricature, Doodle, at Face Painting bilang bahagi ng interaktibong aktibidad.
Samantala, pagsapit ng ala-1 ng hapon isinagawa naman ang pangunahing programa na nagtatampok ng pagtatanghal ng iba't ibang uri ng sining tulad ng sayaw, sabayang pagbigkas, at pagtugtog.
Tumayo sina Gng. Marijuane Santos-Roman at G. Joseph Sicat bilang ulong tagapagdaloy ng programaโdinaluhan ito ng mga g**o, mag-aaral, at mga personalidad na nasa likod ng katagumpayan ng aktibidad na ito.
Ayon kay Charlotte Grefaldeo, Pangulo ng OBRA, bukod sa pagtatanghal layunin ng aktibidad na ito na linangin ang sining sa mga Pilipino dahil ito ang mukha ng ating bansa at kultura.
โPara mas ma-spread natin โyung culture, โyung mga dating nakagawian sa art dahil dito rin tayo tumutuklas lalo na sa Pilipinas, dahil nakakapag-contribute ito sa pagkakakilanlan natin, not just being as Filipinosโbut also sa uniqueness ng bansa natin at ng mga artista na galing sa atin,โ ani Grefaldeo.
Balitang Pampaaralan ni: Dhensel Ferrer
Sinuri at Winasto ni: Emma Pantaleon
Larawang Kuha ni: Leigh Jafayrah Malibiran, Lorrain Kaye
26/02/2026
๐ฆ๐ง๐๐ , ๐๐จ๐ ๐ฆ๐ฆ, ๐ฃ๐๐ ๐ฆ๐๐๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐ ๐บ๐๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ด๐ป๐ถ๐ป๐ด๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ฃ๐๐ฅ ๐๐๐น๐บ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฐ๐๐ถ๐๐ถ๐๐
Muling nangibabaw sa entablado ang husay ng mga mag-aaral sa larangan ng sining matapos ang matagumpay na pagsasagawa ng iba't ibang uri ng pagtatanghal sa ikalawang araw ng Contemporary Philippine Arts from the Region (CPAR) Culminating Activity, nitong ika-26 ng Pebrero.
Tampok sa ikalawang araw ng paggunita sa kahalagahan ng sining ang 11 mga pangkat mula sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM), Humanities and Social Sciences (HUMSS), at Pre-Baccalaureate Maritime (PBM) strand.
Nagsimula ang kaganapan dakong ika-8 ng umaga at nagtapos ng alas-2 ng hapon.
Balitang Pampaaralan ni: Dhensel Ferrer
Sinuri at Winasto ni: Emma Pantaleon
Mga Larawang Kuha ni: Carlene Baldomero, Reann Aicel Basilio, Gabrielle Santi Gomez
Para sa karagdagang larawan, bisitahin lamang ang link : https://t.me/angtalaghayy
25/02/2026
๐ฃ๐ฎ๐ด๐น๐๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐ฟ๐ฎ๐๐ผ๐น๐ฎ
Noong musmos pa ang ating isipan, tinuruan tayo kung ano ang pagkakaiba ng bawat kulay sa kahon ng krayola. Batid kong bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang paboritong kulay. Sa kahon na โyon, madalas kuhanin ang p**a at dilawโyaong mga kulay na upod na.
Subalit, sa paglipas ng panahon unti-unting nauubos ang kulayโhindi dahil pinili ng iba bagkus dahil pinili ng tao na tumayo at magsalita.
Ngayong araw, kinokomemora ng bansa ang ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolutionโisang malawakang kilos-protesta na nagpapatunay na ang kolektibong boses ay may kakayahang magbago ng naratibo ng anumang klaseng kasalukuyan.
Hindi ito tungkol sa kulay ng partido. Hindi ito tungkol sa sino ang nanaig. Ito ay tungkol sa tapang at pagkakaisa ng taoโang kilos na nagbago ng landas ng bayan. Dahil ang lakas ng tao ay hindi nasusukat sa posisyon o titulo, bagkus sa tapang na magsalita at kumilos nang sama-sama.
Ngayon, tumingin tayo sa paligid. Marami pa ring patibong ng katiwalian. Marami pa ring tinig ang hindi naririnig. Ngunit kung nagawa natin noon, maaari rin nating gawing muli. Maaari nating gamitin ang ating tinig upang muling magbigay-kulay sa bansaโkulay para sa kalayaan, katotohanan, at katarungan.
Handa na ba tayong muling tumayo, magsalita, at ipinta ang kinabukasan na karapat-dapat sa bawat Pilipino?
Paglusaw sa krayola.
Paglusaw ng takot.
Paglusaw ng pagkakawatak-watak.
At muling pagsilang ng tinig na nagtatakda ng kulay ng ating bayan. Ito ang tunay na EDSA.
Panulat ni: Juliah Vargas
Sinuri at Winasto ni: Emma Pantaleon
Larawan ni: Gabrielle Santi Gomez
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: Idinaos ngayong ika-24 ng Pebrero sa BNHS SHS AVR ang Blood Donation Drive na may temang โGive Blood, Spread Love,โ katuwang ang Bataan General Hospital and Medical Center. Layunin ng aktibidad na palalimin ang kamalayan ng komunidad hinggil sa kahalagahan ng boluntaryong pagdo-donate ng dugo at makapagbigay ng tulong sa mga pasyenteng nangangailangan nito.
Balita ni: Mhark Andres
Teknikal na Disenyo ni: Drake Lacuata
24/02/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐
๐ฆ๐ง๐๐ ๐ฆ๐๐๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐, ๐ฏ๐๐บ๐ถ๐ฑ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฃ๐๐ฅ ๐๐๐น๐บ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฐ๐๐ถ๐๐ถ๐๐
Masining na umaga ang pinasinayaan ng mga mag-aaral mula sa ika-12 baitang ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) sa unang araw ng Contemporary Philippine Arts from the Region (CPAR) Culminating Activity na ginanap sa covered court ng paaralan, nitong ika-24 ng Pebrero.
Bilang parte ng selebrasyon ng National Arts Month, walong mga pangkat mula sa STEM strand ang nagtanghal upang ipamalas ang kanilang natatanging husay at dedikasyon sa paglinang ng sining sa kabataan sa unang araw ng aktibidad.
Tampok sa unang araw ang mga sumusunod na pangkatโ12 STEM Hippocrates, Rutherford, Copernicus, Slate, Marble, Amphibolite, Anthracite, at Limestone.
Samantala, batay sa memorandum na ibinaba para rito, ang proyektong ito ay integrasyon ng tatlong asignatura sa ika-12 baitang na naglalayong ipakita ang pagiging malikhain, kritikal, at kasanayan sa paggalaw: CPAR, Media Information and Literacy (MIL), at Physical Education (P.E.).
Sa Biyernes, ika-26 ng Pebrero, inaasahang gaganapin ang ikalawang araw ng selebrasyon tampok ang 11 mga pangkat mula sa ika-12 baitang ng STEM at Humanities and Social Sciences (HUMSS) strand.
Balitang Pampaaralan ni: Dhensel Ferrer
Sinuri at Winasto ni: Emma Pantaleon
Mga Larawang Kuha ni: Carlene Baldomero, Rhihanna Royo, Santi Gomez, Emmanuel Duyag
24/02/2026
๐ก๐๐ฆ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ช๐๐ก | Sinimulan kaninang alas-8 ng umaga, sa Bataan National High School-Senior High School (BNHS-SHS) Audio-Visual Room (AVR), ang Blood Donation Drive na may temang "Give Blood, Spread Loveโ na may layuning palawakin ang kamalayan sa kahalagahan ng donasyon ng dugo at makatulong sa pagsagip ng buhay ng mga nangangailangan.
Sa pakikipagtulungan sa Bataan General Hospital and Medical Center (BGHMC), idinaos ang proyekto bilang bahagi ng adbokasiya sa pampublikong kalusugan.
Bukas sa lahat ng mga nais na magbigay donasyon ng dugo ang proyektong ito at inaasahang tatagal hanggang alas-4 ng hapon sa parehong lugar.
Balitang Pampaaralan ni: Khate Calimbas
Sinuri at Winasto ni: Mhar Raven Mallari
Larawan ni: Ann Calimbas
21/02/2026
ITโS THE LIT-ERA
English Gala '26: G11 Arellanistas, Umalingawngaw Sa Speech Choir
Idinaos ng The Litera ang English Gala 2026 na may temang โVoices of Dissent: Power, People, and Political Literature,โ bilang isang programa na naglalayong itampok ang papel ng wika, panitikan, at sining sa pagtalakay ng mga isyung panlipunan. Nilahukan ito ng mga mag-aaral sa ika-11 baitang, na nagpakita ng interes at partisipasyon sa buong programa.
Bilang pangunahing aktibidad, isinagawa ng mga seksyon ng Grade 11 ang isang speech choir performance, na nagsilbing kolektibong presentasyon hinggil sa mga temang kapangyarihan, mamamayan, at panlipunang isyu. Ginamitan ang pagtatanghal ng piyesang โThey Donโt Really Care About Usโ ni Michael Jackson, na tumatalakay sa diskriminasyon, inhustisya, at karapatang pantao. Sa pamamagitan ng sabayang pagbigkas at interpretasyon, naipahayag ng mga mag-aaral ang mensahe ng piyesa sa paraan na angkop sa layunin ng programa.
Ipinakita ng speech choir kung paano magagamit ang sining bilang paraan ng pagpapahayag ng mga pananaw hinggil sa mga isyung panlipunan at pampolitika. Kabilang sa mga lumahok ang 11 Magnesite, Selenite, and Gypsum; 11 Zircon and Agate; 11 Jacinth, Opal, and Apatite; 11 Chalcedony and Epidote; at 11 Coral and Chromite, na sama-samang bumuo ng presentasyon sa pamamagitan ng organisadong koordinasyon at kolektibong pagganap.
Matapos ang pagtatanghal, inihayag ang mga nanalo kung saan ang STEM Zircon at Agate ang hinirang na kampyeonato, sinundan ng STEM Jacinth at Opal kasama ang A&D Apatite sa ikalawang pwesto, at ang ABM Magnesite, Selenite, at Gypsum sa ikatlong pwesto.
Sa kabuuan, ang English Gala 2026 ay nagsilbing plataporma para sa pagpapakita ng kakayahan ng mga mag-aaral sa panitikan at sining, pati na rin sa pagbibigay-pansin sa mga isyung panlipunan at pampolitika.
Balitang Pampaaralan ni: Leigh Jafayrah Malibiran
Winasto at Sinuri nina: Edrie Ann Morales, Mhar Raven Mallari
Larawan mo: Carlene Baldomero, Noah Rea
20/02/2026
"๐ง๐๐๐ฌ ๐๐ข๐ก'๐ง ๐ฅ๐๐๐๐๐ฌ ๐๐๐ฅ๐ ๐๐๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ฆ"
G11 Senior Arellanistas bumida sa English Gala '26, boses ng kabataan umalingawngaw sa Speech Choir Competition
Idinaos ng The Litera ang English Gala 2026 na may temang โVoices of Dissent: Power, People, and Political Literature,โ bilang isang programa na naglalayong itampok ang papel ng wika, panitikan, at sining sa pagtalakay ng mga isyung panlipunan. Nilahukan ito ng mga mag-aaral sa ika-11 baitang, na nagpakita ng interes at partisipasyon sa buong programa.
Bilang pangunahing aktibidad, isinagawa ng mga seksyon ng Grade 11 ang isang speech choir performance, na nagsilbing kolektibong presentasyon hinggil sa mga temang kapangyarihan, mamamayan, at panlipunang isyu. Ginamitan ang pagtatanghal ng piyesang โThey Donโt Really Care About Usโ ni Michael Jackson, na tumatalakay sa diskriminasyon, inhustisya, at karapatang pantao. Sa pamamagitan ng sabayang pagbigkas at interpretasyon, naipahayag ng mga mag-aaral ang mensahe ng piyesa sa paraan na angkop sa layunin ng programa.
Ipinakita ng speech choir kung paano magagamit ang sining bilang paraan ng pagpapahayag ng mga pananaw hinggil sa mga isyung panlipunan at pampolitika. Kabilang sa mga lumahok ang 11 Magnesite, Selenite, and Gypsum; 11 Zircon and Agate; 11 Jacinth, Opal, and Apatite; 11 Chalcedony and Epidote; at 11 Coral and Chromite, na sama-samang bumuo ng presentasyon sa pamamagitan ng organisadong koordinasyon at kolektibong pagganap.
Matapos ang pagtatanghal, inihayag ang mga nanalo kung saan ang STEM Zircon at Agate ang hinirang na kampyeonato, sinundan ng STEM Jacinth at Opal kasama ang A&D Apatite sa ikalawang pwesto, at ang ABM Magnesite, Selenite, at Gypsum sa ikatlong pwesto.
Sa kabuuan, ang English Gala 2026 ay nagsilbing plataporma para sa pagpapakita ng kakayahan ng mga mag-aaral sa panitikan at sining, pati na rin sa pagbibigay-pansin sa mga isyung panlipunan at pampolitika.
Balitang Pampaaralan ni: Leigh Jafayrah Malibiran
Winasto at Sinuri nina: Edrie Ann Morales, Mhar Raven Mallari
Larawan nina: Carlene Baldomero, Noah Rea, Gabrielle Santi Gomez
18/02/2026
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ด๐๐ป๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ ๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐ธ๐๐น๐ฒ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฏ๐ผ, ๐๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ผ๐ ๐๐ฎ ๐๐ก๐๐ฆ-๐ฆ๐๐ฆ
Idinaos ng Bataan National High SchoolโSenior High School (BNHS-SHS) ang paggunita sa Miyerkules ng Abo sa pamamagitan ng banal na Misa na ginanap nitong ika-18 ng Pebrero sa BNHS-SHS Covered Court bilang pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma.
Pinangunahan ni Rev. Fr. Silvester Ma. Bay, MMHC ang pagdiriwang kung saan binigyang-diin niya sa kanyang homiliya ang kahalagahan ng pagbabagong-buhay at pakikinig sa tawag ng Diyos ngayong Kuwaresma.
โNawa sa araw na ito, sa tawag ng Kuwaresma at sa tawag ng pagbabagong-buhay, huwag tayong magbingi-bingihan sa tawag ng Diyos,โ ani Bay.
Katuwang ang Diocesan Youth Ministry in Campus (DYMC) sa pagpapanatili ng kaayusan ng pagdiriwang na dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa ika-11 at ika-12 baitang.
Sa kabuuan, pinaalalahanan ng pagdiriwang ang lahat na ang Kuwaresma ay panahon ng pagbabalik-loob at pagpapalalim ng ugnayan sa Diyos.
Balitang Pampaaralan ni: Jelomar Villanueva
Iwinasto at Sinuro ni: Jane Maika Vicente
Larawan ni: Rhiane Leido
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: Ngayong Araw ng mga Puso, ramdam ang iba't ibang kwento ng pagmamahal. May nagdiriwang kasama ang minamahal, may nagmumuni-muni sa sariling puso, at may nagpapakita ng pagmamahal sa kaibigan at pamilya.
Sa gitna ng mga tsokolate, bulaklak, at simpleng mensahe, masarap alalahanin na ang araw ng mga puso ay hindi lamang para sa mga "in a relationship" kundi para sa lahat ng pusong marunong magpahalaga.
Ikaw, kamusta ang puso mo?
Balita nina: Jalen Lakandili at Tyris Lejarde
Teknikal na Disenyo ni: Angelica Saldi
Click here to claim your Sponsored Listing.