Ang Katig
Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Baybay City Senior High School.
08/04/2026
๐บ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
Ni: Reonn Cretch Lastimoso
โKung nakuratan mo, mas nakuratan ko hahaha.โ
Ito ang unang naibulalas ni Charise D. Segubre nang isinapubliko ang listahan ng mga honor students at siya ang inatasang magbahagi ng mensahe ng pasasalamat sa araw ng kanilang pagtatapos.
Mula sa tahimik na Brgy. Sabang at galing sa pamilyang may payak na pamumuhay, alam ni Charise na tanging pag-aaral lamang ang susi upang makaraos ang pamilya sa kahirapan. Simula noong musmos pa lamang ay nakatatak na sa kaniyang isipan na tanging pag-aaral lamang ang ang magbibigay-katuparan sa mga pangarap niya sa buhay.
Hindi man niya nasungkit ang pinakamataas na marka sa kaniyang pagtatapos sa junior high school, ninanais niyang makapasok sa STEM strand ng Baybay City Senior High School. Hindi naman siya nabigo at isa siya sa mga piling mag-enrol ng STEM sa Grade 11. Sa unang araw ng pasukan, naghahalo ang kaba at saya: saya na siya ay nagtagumpay sa ninanais na pag-eenrolan at kaba dahil sa posibleng mga pagsubok na kahaharapin sa mga darating na araw.
Ang STEM ay isang strand na kadalasang itinuturing na โmas angatโ sa paningin ng marami dahil bago ka makapasok dito ay kailangan mo munang mapagtagumpayan ang isang pagsusulit, interview o mapabilang sa top 5 na academic achievers sa junior high school. Nasa kaniya naman ang lahat ng iyon ngunit hindi pa rin niya naiwasang mangamba, magduda, at mawalan ng tiwala sa kaniyang sariling kakayahan lalo pa at siya ay nasa bagong paaralan, bagong mga g**o, at bagong mga kaklase. Dahil mahiyain at tahimik lamang siya sa klase ay hindi siya gaanong nakasabay sa kaniyang mga kamag-aral. Mayroon lamang siyang nag-iisang kaklase na naging close sa kaniya ngunit mas ninais din nitong lumipat sa ibang paaralan. Sa pag-alis ng kaibigan, naiwan siyang nag-iisa at hindi sigurado sa kung ano ang naghihintay sa kaniya sa dako pa roon.
Di nagtagal, mas pinili niyang isakripisyo ang pinangarap na STEM strand at humanap ng ibang strand na magbibigay sa kaniya ng panibagong lakas para lumaban sa mga alwan ng buhay. Masakit mang isipin na ang pangarap niya ay kaniyang isasantabi, nandoon na siya sa puntong walang urungan at walang ibang puwedeng gawin kundi ang magbago ng landas.
Masakit man sa loob at mabigat man ang mga paa, pilit niya itong inihakbang palayo sa gusaling unang kumalinga sa kaniya at pumunta sa kabilang gusali: ang HUMSS Bldg. Alam niyang panibagong mga pagsubok na naman ang kaniyang haharapin ngunit sa puntong iyon para sa kaniya, ito ang nararapat.
Hindi naging madali ang bawat hakbang na ginawa ni Charise. Sa bawat reporting, ramdam niya ang paninikip ng dibdib. Sa bawat oral quiz, kasabay ng kaniyang pagsagot ang kaba at pangamba. Bilang isang taong aminadong mahiyain, ang pagtayo sa harap ng maraming tao ay tila isang pagsubok na paulit-ulit niyang hinaharap at unti-unting nilalampasan.
Gayunpaman, hindi lamang takot ang bumuo sa kaniyang karanasan. Nariyan din ang halakhakan kasama ang mga kaklase, ang mga simpleng sandali ng pagkakaibigan, at ang mga alaala na nagbigay-kulay sa kaniyang paglalakbay sa senior high school.
Lingid sa kaalaman ng lahat, ang tanging ka-kompetensiya ni Charise ay ang kaniyang sarili lamang. Batid niya na may mga strand na mas mahirap pa sa HUMSS ngunit hindi niya ito pinagtutuonan ng pansin. Alam niya rin na may mga magagaling talaga sa ibang mga seksiyon at ibang strand ngunit ang iniisip na lamang niya ay pagbutihin ang pag-aaral at paghusayan ang bawat gagawin para sa kaniyang pangarap at sa kinabukasan.
Ngunit sa likod ng katahimikang iyon ay isang paglalakbay na hindi biro. Isang desisyong hindi madali, lalo na sa mundong mabilis humusga. May mga nagkibit-balikat at nagtaas ng kilay nang malaman na nakuha niya ang pinakamataas na karangalan.
โDili siya deserving kay taga HUMSS siya, dili siya taga STEM.โ โKung ABM lang unta siya, madala ra unta to!โ Ito ay iilan lamang sa mga naririnig niyang bulong-bulungan. Simple pero masakit. Pahapyaw pero tagos. Payak ngunit humati sa kaniyang puso at pakiwari niya ay isang mantsa sa kaniyang pagkatao.
Ito ang ilan sa mga hindi maikakailang bulong na umiikot at kayang sumugat, mga tingin na tila ba may kinukwestyon. Sa isang sistemang naglalagay ng marka sa kakayahan ng estudyante batay sa kanilang strand, hindi maiiwasan ang pangmamaliit. Ngunit sa halip na magpatinag, pinili ni Charise na manahimik at patunayan ang sarili sa paraang alam niya.
Nang dumating ang araw ng pagtatapos, at siya ay tumayo sa entablado bilang mag-aaral na may pinakamataas na karangalan, hindi maitatanggi ang bigat ng sandali. Isipin na lamang ang bawat hakbang papunta sa mikropono ay may kasamang kaba. Ang bawat salitang bibitawan ay maaaring husgahan. Alam niyang ang ilan sa mga nakikinig sa kaniya ay sumuporta, ngunit may iilan ding nagdududaโkinailangan niyang lakasan ang loob.
Sa sandaling iyon, hindi lamang siya nagsasalita bilang isang estudyante. Nagsasalita siya bilang patunay na ang talino ay hindi nasusukat sa strand. Patunay na ang tahimik ay may kakayahang manguna. Patunay na ang paglipat ng landas ay hindi pagtalikod, kundi paghahanap ng lugar kungsaan ka tunay na lalago.
Hindi naging madali ang pagtanggap sa mga inaasahan ng iba. Aminado si Charise na may mga panahong siyaโy napi-pressure. Natatakot na baka hindi niya matugunan ang imahe na ipinapataw sa kaniya. Ngunit sa tulong ng kaniyang pamilya, kaibigan, at pananalig sa Diyos, natutuhan niyang paniwalaan ang sarili kahit pa may mga taong hindi agad naniwala sa kaniya. Hindi man siya nagtagumpay sa STEM, alam niyang may mas malaking plano ang Diyos sa kaniya. Ang kaniyang tagumpay ay hindi lamang bunga ng talino, kundi ng tiyaga, paninindigan, at tapang na harapin ang pagdududa mula sa iba at maging sa sarili.
Ngayon, matapos ang lahat, pinipili ni Charise ang isang simpleng hangarin, ang magpahinga, makasama ang pamilya, at namnamin ang tagumpay na kaniyang pinaghirapan. Hindi lamang ang unang puwesto ang nakuha niya sa pagkakataong ito, pumasa rin siya sa entrance examination ng Southwestern University sa kursong BS Nursing.
Sa isang sistemang matagal nang naghahati-hati sa kakayahan ng mga estudyante batay sa kanilang strand, ang kuwento ni Charise ay nagsisilbing paalala: hindi dapat maliitin ang sinuman dahil lamang sa kanilang piniling landas. At sa pagdating ng mas pinagtibay na kurikulum, kung saan inaasahang mawawala ang ganitong uri ng paghahambingโnawaโy tuluyan nang mabuwag ang mga label na matagal nang humahadlang sa tunay na potensiyal ng bawat mag-aaral. Sa isang mundong puno ng ingay at paghusga, minsan, ang tunay na nagtatagumpay ay hindi ang pinakamalakas ang boses kundi ang may lakas ng loob na magpatuloy, kahit tahimik.
(grapiks ni Klarense B. Besas)
03/04/2026
Isang panibagong pagpupugay ang inihahandog ng Ang Katig para sa aming mga natatanging miyembroโang Ang Katig Seniorsโna may karagdagang espesyal na parangal.
Matapos maipost ang unang batch ng mga nagsipagtapos kasama ang kanilang mga academic honors, hiwalay naming binibigyang-pansin at kinikilala ang mga piling manunulat na pinarangalan dahil sa kanilang kahusayan at natatanging kontribusyon sa kani-kanilang larangan.
Ang mga parangal na kanilang nakamit ay patunay ng kanilang sipag, dedikasyon, at patuloy na pagsusumikapโmga katangiang tunay na sumasalamin sa diwa ng isang manunulat.
Nawaโy magsilbi kayong inspirasyon sa iba pang kabataang nagnanais magsikap, maglingkod, at maging boses ng katotohanan.
Mabuhay ang bawat manunulat ng Ang Katig. Padayon!
02/04/2026
Sa wakas ay nakamit na ng ating Katig Seniors ang dulo ng isang makabuluhang yugto. ๐โจ
Sa bawat hirap, pagod, at sakripisyong pinagdaanan ninyo, napatunayan ninyo ang tunay na bunga ng pagsusumikap at dedikasyon. Ngayon, ating ipagdiriwang ang tagumpay na inyong pinaghirapan. Mula sa pagiging mga mag-aaral hanggang sa bagong simula bilang alumni.
Patuloy lang, marami pang pangarap ang naghihintay sa inyo!
01/04/2026
Ginawaran ng unang gantimpala sa Digital Photo Story contest si Precious Edeltrude G. Aranas sa patimpalak na isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Womenโs Month 2026 ng DepEd at Baybay City LGU. Ang kompetisyon ay naglalayong itampok ang kababaihan sa komunidad, pati na rin ang kanilang ambag at papel sa pag-unlad ng lipunan.
Pagbati kay Precious sa kanyang tagumpay!
25/03/2026
๐๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ฎ๐ง๐ข๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐ญ๐ซ๐๐๐๐ก๐จ, ๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐๐ฉ๐ข๐ญ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐
BAYBAY CITY, LEYTE โ Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair 2026 sa Baybay City Senior High School (BCSHS) nitong Marso 25, na naglalayong tulungan ang mga magtatapos na mag-aaral sa paghahanap ng trabahong naaayon sa kanilang kakayahan at interes.
Sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Public Employment Service Office (PESO) ng lungsod, isinagawa ang isang "one-stop shop" para sa mga mag-aaralโlalo na ang mga mula sa Technical-Vocational-Livelihood (TVL) trackโupang mas mapadali ang kanilang pag-aaplay.
โAng inisyatibong ito ay sumasalamin sa aming patuloy na hangarin na mailapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa ating mamamayan, lalo na sa ating mga kabataan na naghahandang pumasok sa mundo ng pagtatrabaho,โ ayon kay Atty. Dax B. Villaruel, Regional Director ng DOLE RO8.
Dagdag pa ni Villaruel, hindi lamang pagbibigay ng trabaho ang layunin ng job fair kundi ang paggabay sa mga mag-aaral sa kanilang mga potensyal na karera habang sila ay lumilipat mula sa pagiging estudyante patungo sa pagiging propesyonal.
Nagpahayag din ng pasasalamat si Dr. Josemilo P. Ruiz, Assistant Schools Division Superintendent (ASDS) ng Dibisyon ng Baybay, sa mga pribadong kumpanyang nakiisa sa naturang gawain.
Nagbahagi naman ng mga mensahe sina Dr. Emani Fernandez Jr. ng Deped Rehiyon VIII at PESO Manager Marianito F. Gorgonio tungkol sa kahalagahan ng pagtuklas sa ibaโt ibang opsyon sa karera at ang matibay na pagsuporta ng pamahalaan ng lungsod sa mga programa ng DOLE. Samantala, pinaunlakan naman ni G. Rosilito T. Yรฑaga, Labor and Employment Officer, ang paggabay sa mga aplikante sa mga aktibidad ng programa.
Ang Serbisyo Fair ay dumaan sa tatlong pangunahing proseso: pagsumite ng resume, on-the-spot interviews, at ang makabuluhang interaksyon sa pagitan ng mga aplikante at employer.
May kabuuang 12 lokal na kumpanya ang lumahok sa job fair gaya ng Jollibee, BDO UniBank Inc., Savemore, at Megaship Builders Inc. Kasabay nito, naghatid din ng serbisyo ang mga ahensya ng gobyerno tulad ng PNP, PhilHealth, Pag-IBIG, SSS, at TESDA.
Sa buong araw na programa, naging kapansin-pansin ang kahandaan ng mga kabataang Baybayon na tuklasin ang mga oportunidad na naghihintay sa kanila matapos ang kanilang pag-aaral.
(Sulat ni Junice Paraiso)
(Kuhang larawan nina Precious Aranas, Jiah Floresca, at Krishien Suco)
21/03/2026
Sa pakikiisa ng Ang Katig sa pagdiriwang ng World Poetry Day, katuwang ang Handuraw at The Luminescence, ay muli naming inihahandog ang Handumananโisang literary folio na naglalaman ng mga akda ng mga mag-aaral at alumni ng Baybay City Senior High School na may puso para sa pagsusulat.
Sa temang โBalay,โ inilalarawan ng koleksyong ito ang paaralan bilang isang tahananโisang lugar kung saan nabuo ang mga alaala, nahubog ang pagkatao, at natagpuan ang pakiramdam ng pagiging kabilang. Sa bawat tula, sanaysay, at kuwento, mababasa ang mga karanasang patuloy na bumabalik sa isipan at puso ng bawat manunulat.
Higit pa sa isang kalipunan ng panitikan, ang edisyong ito ay nagsisilbing pagpupugay sa nalalapit na ika-10 anibersaryo ng Baybay City Senior High Schoolโisang pagdiriwang ng isang dekada ng mga kwento, pangarap, at paglalakbay na sama-samang binuo.
Sa pamamagitan ng Handumanan, nawaโy muli nating matagpuan ang tahanang hindi lamang isang lugar, kundi isang damdaming mananatili sa atin saan man tayo dalhin ng panahon.
Balay | PDF to Flipbook Created with the Heyzine flipbook maker
12/03/2026
The games may have officially closed last Friday, the medals have been awarded, and the delegations have headed homeโbut the EVRAA 2026 energy is still pulsing through Baybay City.
If you miss the adrenaline, our Special Issue is officially OUT NOW to take you straight back to the center of the action. Do not let the memories fade. Relive the grit, the passion, and the glory that defined this historic homecoming.
READ THE FULL SPECIAL ISSUE HERE: https://heyzine.com/flip-book/0d4755708c.html
(layout by Jelliana Cagande and Uzziah Bongoc)
09/03/2026
Isang maligayang pagbati sa kaarawan ng ating Tagapayo ng Pahayagang Pampaaralan, Gng. Arcelie D. Garcia!๐๐
Ang buong mamamahayag ng Ang Katig ay lubos na nagpapasalamat sa iyong walang sawang suporta at gabay. Nawaโy patuloy kang pagpalain at gabayan sa iyong pagtuturo at pamumuno.โจ
The excitement is in the air as EVRAA 2026 brings together skilled athletes and dedicated coaches from different divisions across Eastern Visayas!
Join us as we ask them about their preparations, expectations, and first impressions of Baybay City. Tara bai!
(via LumiKatig broadcasters)
(Caption by: Franz Cueto | Ang Katig)
(Edited by: Gellwin Lao | The Luminescence)
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | Dumating ang Leyte Roaring Lions sa Baybay City Senior High School para sa EVRAA 2026, at sinalubong ng cheers, colors, at unity!
Noong February 26, 2026, dumating ang Leyte Roaring Lions sa Baybay City Senior High School para sa EVRAA Meet 2026. Pagpasok pa lang nila, may lively performance na agad na nagdala ng excitement sa buong campus. Todo-suporta at proud na nag-cheer ang community, na nag-set ng positive energy para sa mga games na paparating.
Samantala, noong February 27, 2026, ginanap ang Pag-urusa, ang Welcome Night, na nagdala ng smiles at friendship sa school. Ramdam ng mga delegates ang warm welcome mula sa BCSHS community. Isa itong memorable na simula na nagpakita ng unity at nagmarka ng start ng kanilang EVRAA journey.
(via LumiKatig Radio broadcasters)
05/03/2026
๐๐๐ฅ๐๐ฌ๐ค๐ข ๐๐ซ๐๐ ๐จ๐ง๐ฌ ๐๐ฎ๐จ, ๐๐ง๐ ๐ฉ๐ฅ๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐จ๐ฎ๐๐ฅ๐๐ฌ ๐๐จ๐ฒ๐ฌ
Muling nagbigay ng karangalan ang Palaski Dragons ng Baybay City matapos masungkit nina James Dane Stankee M. Cajandab at Xian Wynn A. Calagos ang 2nd Place sa Secondary Doubles Boys Tennis sa Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA), na ginanap sa Baybay National High school Tennis court, noong Marso 4, 2026.
Bilang kinatawan ng Palaski Dragons, ipinamalas ng mag-duo ang kahanga-hangang teamwork, disiplina, at determinasyon sa bawat laban. Hindi man naging madali ang kanilang dinaanan, napanatili nila ang matatag na samahan at kumpiyansa hanggang sa makarating sa finals ng kompetisyon.
Ang kanilang tagumpay ay patunay ng sipag at dedikasyon sa ensayo, at nagdulot ng malaking pagmamalaki sa komunidad ng Baybay. Patuloy na nagsisilbing inspirasyon sina Cajandab at Calagos sa mga kabataang atleta na nangangarap makilala sa larangan ng tennis.
(Sulat ni Lexie Alcosero)
(Kuhang Larawan ni Precious Aranas)
04/03/2026
๐๐๐ง๐ฎ๐๐ฅ ๐. ๐๐จ๐๐ฌ๐จ๐ง ๐๐๐, ๐ง๐๐ ๐ง๐ข๐ง๐ ๐ง๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ญ๐๐ง๐ง๐ข๐ฌ; ๐ ๐ข๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐๐๐๐ฅ๐ฒ๐ ๐ง๐๐ฌ๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฌ๐ค๐ข ๐๐ซ๐๐ ๐จ๐ง๐ฌ
Nagpakitang-gilas si Manuel B. Jocson III matapos pangunahan ang Palaski Dragons ng Baybay sa isang makapigil-hiningang tagumpay laban sa Siglaro Elites ng Ormoc, 8-5, sa Single Secondary Boys tennis event na ginanap sa Baybay National High School Tennis Court noong Marso 3.
Sa lakas ng kanyang serbisyo at husay sa depensa, walang inurungan si Jocson upang tiyakin ang panalo ng koponan at maiuwi ang gintong medalya para sa Baybay upang masecure ang tiket sa palaro. Ipinamalas niya ang disiplina at determinasyon sa bawat set, dahilan upang tuluyang matumba ang koponan ng Ormoc.
Hindi lamang sa laban kontra Ormoc umangat ang pangalan ni Jocson. Narito ang iba pang resulta ng kanyang mga laban sa torneo:
Baybay vs. Borongan โ 8-0
Baybay vs. Southern Leyte โ 8-2
Baybay vs. Leyte โ 8-4
Sunod-sunod na panalo ang naitala ng Baybay sa pangunguna ni Jocson, patunay ng kanyang kahandaan at dedikasyon sa larangan ng tennis. Ang kanyang impresibong performance ay nagbigay inspirasyon hindi lamang sa kanyang koponan kundi pati na rin sa buong komunidad ng Baybay.
Si Jocson ay kasalukuyang estudyante ng Baybay City Senior High School na patuloy na pinapakita ang husay sa palakasan.
(Sulat ni Lexie Alcosero)
(Kuhang Larawan ni Precious Aranas)
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Baybay
6521