Bulacan Provincial Library

Bulacan Provincial Library

Share

Provincial Government of Bulacan
Bulacan Provincial Library

Photos from Bulacan Provincial Library's post 07/07/2026

BULACANIANA PROGRAM-MOHON: Mga Bulakenyong Biyaya ng Kasaysayan Online Tampok

R

Reyes, Paz G.

Tampok sa araw na ito si Paz G. Reyes. Lider kababaihan. Isinilang noong ika-24 ng Enero 1903 sa Pulilan, Bulacan. Anak nina Luis Garcia at Geronima Cruz. Ulirang tumulong sa kanyang asawa na si Teofilo Reyes upang mapaunlad ang kanilang negosyo na Triple-A Battery Company, Inc., ang pangunahing kumpanya na gumagawa ng baterya sa Pilipinas noon. Walang sinayang na araw na paglilingkod sa kanyang kapwa. Naging opisyal at kasapi ng iba't ibang samahang pansibiko gaya ng Bulacan Ladies Club (vice president), Inner Wheel Club of Manila (director), Club de Damas de Filipinas, Pan Pacific and Southeast Asia Women's Association of the Philippines, League of Women Voter's of the Philippines at ang Catholic Women's League. Tinanghal na "Women Executive of 1950" ng Business Writers Association of the Philippines.

Ang MOHON: MGA BULAKENYONG BIYAYA NG KASAYSAYAN na isinulat ni Jaime Salvador Corpuz ay naglalaman ng tala ng mga tubo ng Bulacan o di-kaya mga β€œangking anak o adopted son” tulad ni Heneral Emilio Aguinaldo. Kasama rin sa aklat ang mga indibidwal kung saan ang mga magulang ay tubo ng Bulacan at mga indibidwal na lumaki at nanirahan ng matagal sa Bulacan tulad ng Haponesang asawa ni Mariano Ponce na si Kiyo San o Okiyo Udangawa. Ang aklat ay isang magandang halimbawa ng tinatawag na biographical dictionary sa Ingles.
Ito ay mayroong mga apendiks, mga indeks at bibliograpiya at binubuo ng 207 na pahina.

Ang MOHON: MGA BULAKENYONG BIYAYA NG KASAYSAYAN ONLINE TAMPOK isa sa mahalagang bahagi ng inobatibong programa ng Bulacan Provincial Library (BPL) na Bulacaniana Program sa pamamagitan ng Panlalawigang Tanggapan ng Kasaysayan, Sining, Kultura at Turismo (PHACTO). Layunin nito na magmulat at magbigay kaalaman sa mga dakilang anak ng Bulacan bawat araw na nakapaloob sa aklat na ito sa pamamagitan ng online na pagtatampok.

06/07/2026

𝐁𝐏𝐋 π…π‹π€π•πŽπ‘ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 πŒπŽππ“π‡: 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐑π₯𝐲 π‘πžπœπ¨π π§π’π­π’π¨π§

BPL Philosophical Collection Donor of the Month Award
3 July 2026

David Floyd M. Roxas
Founder and President, FiliPhiNous, Inc.

Pagkakaloob ng Katibayan ng Pagkilala bilang BPL Philosophical Collection Donor of the Month Award kay G. David Floyd M. Roxas, Founder and President ng FiliPhiNous, Inc. sa Buwan ng Hulyo 2026 bilang pagkilala sa kaniyang tulong at suporta sa Bulacan Provincial Library sa pagkakaloob ng pilosopikal na mga aklat na nagbibigay ng kaalaman sa mga kliyente nito lalo na sa mga mag-aaral.

Ang BPL Monthly/Yearly Recognition ay mahalagang bahagi ng BPL FLAVOR OF THE MONTH PROGRAM ng Bulacan Provincial Library upang bigyang pagpahalaga at pagkilala ang mga indibidwal o organisation na naging katuwang ng BPL sa mga serbisyo at programa nito na may layuning mailapit ang BPL sa komunidad lalo na sa mga kabataan.

Muli, ang aming taos pusong pasasalamat.

Photos from Bulacan Provincial Library's post 06/07/2026

BULACANIANA PROGRAM-MOHON: Mga Bulakenyong Biyaya ng Kasaysayan Online Tampok

R

Reyes, Olympia S.

Tampok sa araw na ito si Olympia S. Reyes. Isa sa 20 kababaihan ng Malolos na sinulatan ni Dr. Jose Rizal. Isinilang noong ika-12 ng Hunyo 1876 sa Pariancillo, Malolos, Bulacan. Anak nina Espiridion Tengco de los Reyes at Feliciana Tiongson San Agustin (pangatlong asawa), at kapatid sa ama ni Leoncia Santos Reyes, isa sa 20 kababaihan ng Malolos. Bininyagan noong ika-14 ng Hunyo 1876 ni Padre Juan Gatmaytan ng Malolos. Sa gulang na 12, isa siya sa 20 kababaihan ng Malolos na lumagda sa liham na humihiling sa Gobernador Heneral ng isang paaralang panggabi na magtuturo sa kanila ng wikang Kastila noong 1888. Ikinasal kay Vicente Tantoco Reyes noong ika-28 ng Nobyembre 1895 ni Padre Moises Santos ng Malolos at tumayong saksi sina Felipe Tantoco at Aurea Clemente. Pumanaw noong ika-13 ng Marso 1910, 17 araw matapos isilang ang kanyang kambal na anak.

Ang MOHON: MGA BULAKENYONG BIYAYA NG KASAYSAYAN na isinulat ni Jaime Salvador Corpuz ay naglalaman ng tala ng mga tubo ng Bulacan o di-kaya mga β€œangking anak o adopted son” tulad ni Heneral Emilio Aguinaldo. Kasama rin sa aklat ang mga indibidwal kung saan ang mga magulang ay tubo ng Bulacan at mga indibidwal na lumaki at nanirahan ng matagal sa Bulacan tulad ng Haponesang asawa ni Mariano Ponce na si Kiyo San o Okiyo Udangawa. Ang aklat ay isang magandang halimbawa ng tinatawag na biographical dictionary sa Ingles.
Ito ay mayroong mga apendiks, mga indeks at bibliograpiya at binubuo ng 207 na pahina.

Ang MOHON: MGA BULAKENYONG BIYAYA NG KASAYSAYAN ONLINE TAMPOK isa sa mahalagang bahagi ng inobatibong programa ng Bulacan Provincial Library (BPL) na Bulacaniana Program sa pamamagitan ng Panlalawigang Tanggapan ng Kasaysayan, Sining, Kultura at Turismo (PHACTO). Layunin nito na magmulat at magbigay kaalaman sa mga dakilang anak ng Bulacan bawat araw na nakapaloob sa aklat na ito sa pamamagitan ng online na pagtatampok.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Bulacan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address

Provincial Capitol Compound Malolos
Bulacan
3000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm