Santa Maria Magdalena de Banlic
๐ ๐๐ช๐ฐ๐ญ๐ช๐ต๐ฎ๐ท๐ช๐ท๐ฐ ๐๐ช๐น๐ช๐ฐ๐ถ๐ช๐ฑ๐ช๐ต, ๐๐น๐ช๐ท๐ช๐ต๐ช๐ท๐ฐ๐ฒ๐ท ๐ด๐ช๐ถ๐ฒ ๐ผ๐ช ๐๐ช๐๐ด๐ช๐น๐ช๐ต
28/06/2026
๐๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐๐ | ๐๐๐ค๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐๐ง ๐๐๐๐ซ๐จ ๐๐ญ ๐๐๐ง ๐๐๐๐ฅ๐จ
Panalangin kay San Pedro at San Pablo
Ama naming makapangyarihan, bigyan kami ng pag-asa sa tulong ng mga panalangin nina Apostol San Pedro at San Pablo. Ang mga apostol nawang nagpatatag sa pananampalataya ng bagong silang na Simbahan ang gumabay sa amin sa daan ng kaligtasan, sa pamamagitan ni Jesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.
San Pedro at San Pablo, Ipanalangin n'yo kami.
23/06/2026
๐๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐๐ | ๐๐๐ค๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ง๐๐ค๐๐ง ๐ง๐ข ๐๐๐ง ๐๐ฎ๐๐ง ๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ฌ๐ญ๐
Ama naming makapangyarihan, hinirang mo si San Juan Bautista na isang propeta na naghanda sa daraanan ng lyong Anak, ang aming Panginoong Jesu-Kristo. Sa pamamagitan ni San Juan Bautista na dumating bilang isang โTinig sa Ilang,โ maraming mga tao na nakarinig sa kanyang pangangaral ang tumatanggap ng binyag ng pagbabalik-loob at pagdating ng kaharian ng Diyos.
Katulad ni San Juan Bautista, ipagkaloob mo sa amin ang biyaya na makilala ang aming Panginoong Jesu-Kristo, ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, at buong kababaang-loob na tanggapin na kami ay tagasunod lamang at ang Panginoon Jesu-Kristo ang aming itanghal. Nawa ang lahat ng kabutihang ginagawa namin ay magbigay ng kaluwalhatian, pagpupuri at pasasalamat sa Iyo.
Hinihiling naming ito sa pamamagitan ng Iyong Anak na si Jesu-Kristo, na nabubuhay at naghahari, kasama Mo at ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.
San Juan Bautista, ipanalangin mo kami.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Calamba