DepEd Tayo -Ulango Elementary School -Calamba City
It is the official page of Ulango Elem. School-Calamba City. Where you can see the latest activities, programs and other related activities of the school.
19/06/2026
PAGHAHAYAG SA BANTAYOG AT PAGGUNITA SA IKA-165 KAARAWAN NI DR. JOSE P. RIZAL
Matagumpay na naisakatuparan ang Paghahayag sa Bantayog at Paggunita sa Ika-165 Kaarawan ni Dr. Jose P. Rizal, isang makasaysayang pagdiriwang na nagbigay-pugay sa buhay, mga adhikain, at kabayanihan ng ating pambansang bayani.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakilahok at nakiisa upang maging matagumpay ang programang ito. Lubos naming kinikilala ang suporta at pakikipagtulungan ng mga g**o ng Ulango Elementary School sa pangunguna ng aming Punong G**o, Jose Leo P. Pamplona; ng Pamahalaang Barangay Ulango sa pangunguna ni Kapitan Andro Evangelista kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay; at ng ating mga panauhing pandangal mula sa Kababaihang Rizalista, Inc. sa pangunguna ni Dr. Imelda De La Cruz at ng Knights of Rizal sa pangunguna ni Sir Christopher R. Sanji.
Kami rin ay nagpapasalamat sa SELG at Yes- O sa pangunguna ni Shane Lopez, Kay Bro. Apolonio Torres sa pag babasbas ng bantayog ni Rizal, gayundin sa masigla at mahusay na pagdaloy ng programa sa pangunguna ng ating Taga Pagdaloy ng Palatuntunan, Ma'am Kristal Mhay P. Panganiban.
Hindi rin magiging ganap ang tagumpay ng gawaing ito kung wala ang pakikiisa at suporta ng iba't ibang samahan at organisasyon sa Barangay Ulango: Barangay Public Safety Officers (BPSO), Samahan ng STK Upland, Barangay Quick Response Team (BQRT), ADHIKA, Kasandigan ng Masa – Ulango Chapter, General Parents-Teachers Association (GPTA), Kasandigan ng Kabataan – Ulango Chapter, Barangay Health Workers (BHW), Lupon Tagapamayapa, at BAWC.
Ang tagumpay ng programang ito ay bunga ng pagkakaisa, pagtutulungan, at iisang adhikain na mapanatiling buhay ang mga aral at pagpapahalagang iniwan ni Dr. Jose P. Rizal para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon.
Muli, maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at pakikibahagi. Nawa’y patuloy nating isabuhay ang diwa ng pagmamahal sa bayan, pagkakaisa, at paglilingkod na ipinamalas ng ating pambansang bayani.
"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan."
07/06/2026
Isang taos-pusong pasasalamat po kay Mayor Ross Rizal sa learners’ kits na ipinamahagi para sa mga mag-aaral ng Ulango Elementary School.
Ang inyong suporta ay malaking tulong upang mas maging handa ang ating mga mag-aaral sa kanilang paglalakbay tungo sa kaalaman. Maraming salamat po sa inyong patuloy na malasakit sa edukasyon at sa kabataang Calambeño.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
Calamba City
Calamba