Ms. J LTO assistant calamba laguna
100% legit LTO assistant!
18/02/2025
Kunting kaalaman..
ALAMIN: Rules and Regulations concerning motorcycle lights (Memorandum - March 15, 2016)
a. Dapat may sariling wire at switches ang auxiliary o supplementary lights/lamps.
b. Dapat na nakatuon paibaba ngunit hindi patungo sa kaliwang parte ng sasakyan.
c. Dapat puti o may halintulad sa dilaw ang kulay.
d. Nakalagay kung saan hindi maaapektuhan ng vibration o taginting.
e. Hindi dapat ginagamit sa maliwanag na lugar o kapag mayroong kasalubong na motorista.
f. Hanggang dalawa (2) lamang na auxiliary o supplementary lights/lamps ang pinahihintulutang gamitin.
g. Hanggang anim (6) na bombilya lamang kada auxiliary o supplementary lights/lamps ang maaaring gamitin.
h. Ang direksyon ng liwanag mula sa auxiliary o supplementary lights/lamps ay dapat 20cm pababa at 10 meters pasulong.
i. Ang posisyon ng auxiliary o supplementary lights/lamps ay hindi maaaring lumagpas sa handle bar ng motorsiklo o scooter.
j. Hindi maaaring ipalit sa headlamp ang auxiliary o supplementary lights/lamps.
Click here to claim your Sponsored Listing.