Calamba City Youth Development Office
Gagabay sa Pag Asa ng Bayan
14/06/2026
𝗞𝗮𝘁𝗶𝗽𝘂𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗔𝘀𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝘆 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝘂𝗻𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗺𝘀𝘁𝗿𝗲 𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝗻!
Anim na raan at apat (604) na aktibong kabataan ang nagkaisa at dumalo sa kauna-unahang Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly na pinamunuan ni SK Chairperson 𝗘𝗮𝗿𝗹 𝗥𝗼𝘂𝗲𝗻 𝗕𝗮𝗹𝗮𝗴𝘁𝗮𝘀 at buong Sangguniang Kabataan ng Barangay Sucol, na ginanap sa Sucol Covered Court nitong Hunyo 7, 2026. Dito'y opisyal na ibinahagi ng Sangguniang Kabataan ng Sucol ang mga Accomplishments,Financial Reports at pati na ang mga paparating na programa ng Sk para sa mga kabataan ng barangay. Bukod sa pag-uulat, namahagi rin ang SK ng Sucol ng mga "school supplies" para sa mga kabataang dumalo bilang suporta sa kanilang pag-aaral.
Binigyang diin din nina G. Kenneth John Capunitan at G. Kenneth Yuson mula sa Youth Development Section ng City Social Services Department (YDS-CSSD) ang kahalagahan ng pagkakaisa ng SK at KK, at gayundin ang mga inisyatibo ng pamahalaan para sa Out-of-School Youth (OSY). Samantala nag bigay din ng kanilang mensahe ang DILG sa pamamagitan ni Mr. Nolan Javier.
Ipakita ang lakas at boses ng kabataan! Makinig, makialam, at makilahok sa Katipunan ng Kabataan Assembly sa inyong barangay.
12/06/2026
𝗞𝗮𝘁𝗶𝗽𝘂𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗔𝘀𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝘆 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝘂𝗻𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗺𝘀𝘁𝗿𝗲 𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝗻 !
Pinangunahan ni SK Chairperson 𝗝𝗼𝗮𝗻𝗻𝗮 𝗠𝗮𝗲 𝗔𝘂𝘀𝘁𝗿𝗶𝗮 at ng bumubuo ng Sangguniang Kabataan (SK) ng barangay Sirang Lupa ang kauna-unahang Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly ngayong taong 2026! Ito ay ginanap nitong Abril 18, 2026 sa Sirang Lupa Elementary School na dinaluhan ng nasa isang daan at apatnapu't anim (164) na kabataan. Layunin ng KK assembly na magkaroon ng alam at involvement ang mga kabataan ukol sa mga plano at programang may kaugnayan sa kanilang sektor.
Dumalo sa nasabing pagtitipon ang kinatawan ng Youth Development Section (YDS) sa ilalim ng City Social Services Department (CSSD) na si Ms. Maritoni Yvette Malabanan (Youth Development Assitant II). Ipinaliwanag nya sa mga myembro ng KK ang kahalagahan ng pag titipon na ito upang maging bukas na espasyo para iparating ng mga SK ang kanilang mga plano at pondo. Gayundin, ang KK assembly ay isang venue kung saan matutulungan ang SK at KK na magkaroon ng makabuluhan at mapayapang diskusyon at maayos na relasyon. Ibinahagi din ni Ms. Yvette ang ilan sa mga programang pang kabataan ng opisina para sa sektor ng kabataan. Nagbigay din ng mensahe at suporta ang kinatawan ng DILG na si Mr. Nolan Javier at ang ama ng barangay na si Kapitan Ronaldo Contreras sa mga SK at KK na nasa pagtitipon.
Ang Kabataan ay mananatiling pag-asa ng bayan. Kung kaya hinihikayat namin kayong makinig, makialam at makilahok sa mga Katipunan ng Kabataan Assemblies sa inyong mga barangay!
09/06/2026
53/54:
📸 In Frame: SK Brgy. Mapagong
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
Calamba
4027
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |