Calamba Component City Police Station
We are your Philippine National Police. We serve and protect.
20/01/2026
“Huwag Manahimik, Huwag Matakot: Ireport sa Unified 911 Hotline ang mga pulis na sangkot sa ilegal na gawain.”
19/01/2026
FLAG RAISING CEREMONY
Maagang isinagawa ng Men and Women of Calamba Police ang Flag Raising Ceremony sa pamumuno ni PLTCOL DENNIS C DE GUZMAN, bilang patunay ng disiplina, pagkakaisa, at dedikasyon sa serbisyo publiko.
Sa aktibidad na ito, nagbigay ng Certificate of Commendation sa mga Personnel ng Calamba Police na nakapagsagawa ng mga kapuri-puring gawain na may malaking ambag sa kapayapaan at kaayusan ng Calamba City.
Pinarangalan din ang masisipag at matatapang na Barangay Tanod ng Brgy. Bucal, II, Parian, Palingon, Real, at San Juan bilang pagkilala sa kanilang aktibong partisipasyon at mahalagang papel sa pagsugpo ng krimen sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Maraming salamat at saludo kami sa inyo!
Ang tagumpay ng kapayapaan sa Calamba ay bunga ng matibay na ugnayan ng Barangay at Pulis.
Sama-sama, tuloy-tuloy ang serbisyo para sa ligtas na Calamba.
United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna
Oplan Galugad: Check!
Sama-samang kumilos ang Calamba City Police Station at mga BPSO ng Brgy. Mayapa para sa isang ligtas at maayos na komunidad.
Patuloy ang pagbabantay, pagpapatrolya, at pakikipag-ugnayan sa mamamayan para masigurong safe ang bawat kanto, bawat tahanan.
United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna
15/01/2026
Happy Birthday, PMSg Mariecris P Coloma!
Maraming salamat po sa inyong dedikasyon, sipag, at tapat na serbisyo bilang Supply Supervisor.
Nawa’y patuloy po kayong pagpalain ng magandang kalusugan, tagumpay, at good vibes palagi!
Warmest birthday greetings from the Men and Women of Calamba CCPS
Mabuhay po kayo!
OPLAN SITA AT GALUGAD SA CALAMBA CITY!
Walang ligtas sa kalsada ang pasaway!
Pinangunahan ni PLTCOL DENNIS C. DE GUZMAN, OIC ng Calamba Police, ang isinagawang Oplan Sita at Galugad sa Barangay Majada Out at iba pang barangay sa lungsod ng Calamba bilang bahagi ng pinaigting na kampanya kontra krimen at paglabag sa batas-trapiko.
Sa isinagawang Oplan Sita sa iba't ibang Barangay, ilang motorsiklo ang na-impound dahil sa iba’t ibang paglabag sa umiiral na batas at regulasyon sa kalsada.
Layunin ng operasyong ito na mapanatili ang disiplina sa lansangan, maiwasan ang krimen, at masigurong ligtas ang bawat Calambeño.
Paalala sa lahat ng motorista:
Ayusin ang papeles. Sumunod sa batas. Iwas abala, iwas huli.
United, we strive to make Calamba
Click here to claim your Sponsored Listing.
Calamba City Police Station
Help us build Calamba City a safer place to live, work and do business.
Category
Telephone
Website
Address
Calamba City Hall
Calamba