Konsi. Jun Cabailo
Calapan City Councilor Jun Cabailo Official page
Committee Chairperson on Health
Committee Chairperson on Tourism
WOW SA SERBISYO
04/06/2026
๐๐ ๐๐ฅ๐๐๐ฉ๐ | ๐๐๐ญ๐ก ๐๐๐ ๐ฎ๐ฅ๐๐ซ ๐๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง
Patuloy ang dedikasyon at pagtutulungan ng Sangguniang Panlungsod sa pagsasagawa ng ika-48 Regular Session upang talakayin at pag-usapan ang mga programa, ordinansa, at mga hakbang na makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng lungsod at kapakanan ng bawat mamamayan.
Sa bawat sesyon, nananatiling prayoridad ang pagsusulong ng mga programang nakatuon sa serbisyo publiko, kaunlaran, at mas maayos na kinabukasan para sa lahat.
Kasama ninyo sa patuloy na paglilingkod, ang inyong lingkod, Konsehal Jun Cabailo
25/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Sa isinagawang flag ceremony ng Pamahalaang Panlungsod, kinilala bilang Model Employee of the Month para sa buwan ng Abril si Ms. Diane Fatima Castillo ng City Social Welfare and Development Department bilang pagkilala sa kanyang dedikasyon, sipag, at mahusay na paglilingkod sa mamamayan.
Kinilala rin bilang nominee si Mr. Nikie Abac ng City Assessorโs Department para sa kanyang patuloy na maayos at tapat na serbisyo publiko.
Kaisa ang inyong lingkod, Konsehal Jun Cabailo, sa pagpupugay sa ating mga kawani na nagsisilbing inspirasyon sa patuloy na pagbibigay ng mahusay at makataong serbisyo para sa bawat Calapeรฑo. ๐๐ค
#
21/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ร๐๐ ๐
Bilang Committee on Health Chairperson, aktibong nakiisa ang inyong lingkod Hon. Jun Cabailo sa isinagawang 2nd Quarter Joint Council Meeting ng City Health Board at City Nutrition Committee sa pangunguna ni City Mayor Doy Leachon. Layunin ng pagpupulong na higit pang mapalakas ang mga programang pangkalusugan at nutrisyon para sa kapakanan ng bawat mamamayan ng Calapan.
Kasama ang ibaโt ibang tanggapan ng pamahalaang panlungsod, patuloy ang pagtutulungan upang masiguro na maayos, abot-kaya, at dekalidad ang serbisyong pangkalusugan para sa lahat. Dahil para kay Konsehal Jun Cabailo, ang isang malusog na komunidad ay pundasyon ng mas maunlad na lungsod. ๐ค
20/05/2026
๐๐๐ญ๐ก ๐๐๐ ๐ฎ๐ฅ๐๐ซ ๐๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง []๐๐๐ญ๐ก ๐๐๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐ง
Muling pinatunayan ng 10th Sangguniang Panlungsod ng Calapan ang kanilang layunin na makapaghatid ng mga programang may direktang pakinabang sa mamamayan sa isinagawang 46th Regular Session sa pangunguna ni Vice Mayor Bim Ignacio.
Kabilang sa mga naging hakbang ng konseho ang pag-apruba ng mga pondong nakalaan para sa mga barangay at kabataan upang higit pang mapalakas ang mga programang pangkaunlaran at pangkomunidad.
Bukod dito, nagkaloob din ang buong Sangguniang Panlungsod ng mga materyales para sa elementary school sa Barangay B**a bilang suporta sa edukasyon at patuloy na pagpapabuti ng pasilidad para sa mga mag-aaral. Isang hakbang na nagpapakita ng malasakit at pagpapahalaga sa kinabukasan ng kabataan.
Naipasa rin ang pag-aamyenda sa City Traffic Ordinance of 2011 na layuning mapabuti ang daloy ng trapiko, mapanatili ang kaayusan sa lansangan, at masiguro ang kaligtasan ng bawat motorista at mamamayan.
Kasama ang inyong lingkod, Konsehal Jun Cabailo, patuloy na isinusulong ang mga programang may konkretong aksyon at serbisyong tunay na nararamdaman ng mga Calapeรฑo.
19/05/2026
๐๐๐ฌ ๐๐ง๐ค๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ข๐๐จ๐ง๐ ๐๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐๐, ๐๐๐ฌ ๐๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐๏ธ
Patuloy na pinag-aaralan at tinatalakay ng 10th Sangguniang Panlungsod ang mga panukalang may layuning magbigay ng mas maayos na kinabukasan para sa bawat mamamayan. Isa rito ang Fair Chance Employment Ordinance na naglalayong magbigay ng patas na oportunidad sa trabaho para sa mga dating Persons Deprived of Liberty (PDL).
Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa ibaโt ibang tanggapan tulad ng BJMP, ALS, at City Health Office, layunin ng panukalang ito na makapaglatag ng mga programang susuporta sa rehabilitasyon, kasanayan, edukasyon, at paghahanapbuhay ng mga dating PDL upang mas maging handa silang muling makibahagi sa komunidad.
Naniniwala ang inyong lingkod, Konsehal Jun Cabailo, na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa pagbibigay ng pagkakataon. Sa halip na husgahan ang nakaraan, mas mahalagang bigyang-daan ang pag-unlad at pagbabagong makatutulong hindi lamang sa isang tao kundi maging sa buong komunidad.
Sa tulong ng mga programang may malasakit at suporta ng pamahalaan, mas marami ang mabibigyan ng pag-asa at pagkakataong maging responsable at produktibong bahagi ng lipunan. ๐
18/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ค
Isang makabuluhang araw ang ating nasaksihan sa pagtatapos ng mga mag-aaral ng Early Childhood Care and Development Services NC III mula sa ibaโt ibang barangay. Sa tulong ng Absolute Health Care Institute at sa pakikiisa ni Maโam Juvy Bahia, City Social Welfare and Development Officer, ay matagumpay nilang natapos ang isang mahalagang hakbang tungo sa mas maayos na pag-aaruga at paggabay sa ating mga kabataan.
Bilang inyong lingkod, lubos ang aking pagbati sa bawat nagsipagtapos. Ang inyong dedikasyon at pagsusumikap ay magsisilbing inspirasyon upang higit pang mapalakas ang pangangalaga at edukasyon para sa mga bata sa ating komunidad.
Nawaโy magsilbi itong simula ng mas marami pang oportunidad at tagumpay para sa inyong lahat. Padayon sa paglilingkod at paghubog ng kinabukasan ng ating kabataan! ๐ค
14/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ โ โด๏ธ๐
Sa pangunguna ng Sangguniang Panlungsod at pakikiisa ng inyong lingkod na si Konsehal Jun Cabailo, nagsagawa ng dayalogo kasama ang MARINA, PPA, at mga kinatawan ng shipping lines upang matugunan ang hinaing ng ating mga kababayan kaugnay ng mataas na pamasahe at kalagayan ng biyahe sa RORO vessels. ๐ค
Nagbigay naman ng positibong balita ang MARINA dahil kasunod ng rollback sa presyo ng langis ay unti-unti na ring ibinababa ang dagdag-singil sa pamasaheโisang hakbang na malaking tulong para sa mga manggagawa, estudyante, negosyante, at pamilyang bumibiyahe araw-araw. โ
Bukod dito, tinalakay rin ang mga paraan upang mabawasan ang delay sa pag-alis ng mga barko at mas mapabuti pa ang kalidad ng serbisyo para sa mas ligtas, maayos, at komportableng paglalakbay ng publiko.
Patuloy na magsisilbi ang Sangguniang Panlungsod at ang inyong lingkod upang masigurong naririnig ang boses ng mamamayan at naipaglalaban ang kapakanan ng bawat Calapeรฑo. ๐
14/05/2026
๐๏ธ ๐๐๐-๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ญ๐ก ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Muling nagsagawa ng regular na sesyon ang 10th Sangguniang Panlungsod ng Lungsod ng Calapan upang talakayin at pag-usapan ang mga panukala, programa, at usaping makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng ating lungsod at kapakanan ng bawat Calapeรฑo. ๐๏ธ
Sa pangunguna nina City Vice Mayor Bim Ignacio kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, patuloy na isinusulong ang mga hakbangin at serbisyong naglalayong makapaghatid ng maayos, tapat, at makataong pamamahala para sa mamamayan.
Kasama rin sa sesyon ang inyong lingkod, Konsehal Jun Cabailo, na patuloy na nakikiisa sa pagsusulong ng mga programang makapagbibigay ng positibong pagbabago at karagdagang serbisyo para sa ating lungsod. ๐
13/05/2026
๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง ๐ฉ๐จ ๐ค๐๐ฒ ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐๐๐๐! ๐
Nawaโy patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, lakas, at tagumpay sa inyong walang sawang paglilingkod sa mamamayan ng Lungsod ng Calapan. Maraming salamat po sa inyong dedikasyon at malasakit para sa ikauunlad ng ating lungsod.
Mula sa inyong lingkod, Konsehal Jun Cabailo, maligayang kaarawan po at mabuhay kayo! ๐
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Address
5200