Ang Balintataw

Ang Balintataw

Share

Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan sa Filipino ng Talisay Senior High School

09/04/2026

๐‘จ๐’“๐’‚๐’˜ ๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’ˆ๐’Š๐’•๐’Š๐’๐’ˆ๐’‚๐’ 2026

Sa paggunita ng Araw ng Kagitingan ngayong ika-9 ng Abril, ating ginugunita at pinararangalan ang katapangan at sakripisyo ng ating mga bayani buong tapang na ipinaglaban ang ating kalayaan. Ang kanilang sakripisyo ay nagsisilbing matibay na pundasyon ng ating pagkakaisa at pag-asa bilang isang bansa.

Nawaโ€™y magsilbi silang inspirasyon sa bawat isa upang mamuno nang may dangal, kumilos nang may paninindigan, at maglingkod nang buong puso at may malasakit para sa kapwa at sa bansa.

Sama-sama nating ipagpatuloy ang kanilang ipinaglaban, isang maka-Diyos, makatao, at makabansang kinabukasan.

09/04/2026

๐—จ๐—ฃ๐——๐—”๐—ง๐—˜| Naitala ang isang minor phreatomagmatic eruption sa Taal Volcano ngayong araw, Abril 9, 2026, bandang 10:20 AM hanggang 10:22 AM, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Batay sa time-lapse footage, ang naturang pagsabog ay nagbunga ng maikling plume na umabot sa tinatayang 300 metro ang taas. Ang pangyayari ay naitala ng Main Crater (VTMC) at Daang Kastila (VTDK) Observation Stations na matatagpuan sa kanluran at hilagang bahagi ng bunganga ng bulkan.

Sa kabila ng aktibidad, nananatiling nasa Alert Level 1 ang estado ng Bulkang Taal.

Photos from Ang Balintataw's post 13/02/2026

๐“๐š๐ค๐ž ๐๐จ๐ญ๐ž: ๐‡๐ฎ๐ฆ๐š๐ง๐๐š ๐ง๐š๐ง๐  ๐Š๐ข๐ฅ๐ข๐ ๐ข๐ง ๐๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐๐ž๐›๐ซ๐ž๐ซ๐จ! โ€ผ๏ธโฃ๏ธ

๐™‰๐™–๐™ง๐™ž๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™œ ๐™ฃ๐™– ๐™—๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ฉ๐™ž๐™œ ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ฅ๐™ช๐™จ๐™ค? ๐Ÿ™‰๐Ÿ™ŠYung tipong parang lalabas na sa dibdib sa bawat pagkabog? Bumibida na ang pusong umiibig ngayong ๐’ท๐“Š๐“Œ๐’ถ๐“ƒ ๐“ƒ๐‘” ๐’ป๐‘’๐’ท-๐’พ๐’ท๐’พ๐‘” โค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ

Ihanda na ang inyong mata sa pagsilay ng nakatakdaโ€”o baka naman tadhana? ๐Ÿ‘€๐Ÿซถ๐ŸปBaliktarin ang mga baraha ng iyong kapalaran at tadhanang naghihintay sa ๐“•๐“ต๐“ฒ๐“น ๐“จ๐“ธ๐“พ๐“ป ๐““๐“ฎ๐“ผ๐“ฝ๐“ฒ๐“ท๐”‚!๐Ÿ”ฎ๐ŸŽดNag-aantay ang kapalarang para lang sa'yo. ๐Ÿ’Ÿ

O baka naman nais mong maririnig ang mga mensaheng binuo ng pagmamahal at nararamdamang nananatili sa puso ng isang nagmamahal? ๐ŸŽ™๏ธ๐Ÿ“ขIyong mga letrang kinukubli o nararamdamang nais isigaw ng puso, bakit hindi mo pa iparinig nang hindi naman laging kinikimkim lang sa loob? Ku-kwento pa namin ang love story niyo kung gusto mo. ๐Ÿ’Œ๐Ÿ“ฉMaari ring i-daan sa himig at tono, ipalista mo na ang mga kantang nais mong magpatibok muli ng puso o 'di kaya'y magpa-relapse saglit sa'yo. ๐ŸŽถ๐ŸŽผ๐ŸŽง๐Ÿ‘ฉโ€๐ŸŽคTamang isip na lang muna siguro sa kaniya habang pinapakinggan ang kantang nagpapaalala.. Dito, hindi na kailangang bigkasin ng iyong mga labi ang mga bagay na nais mong sabihin para sa kaniya, sa '๐“•๐“ช๐“ฝ๐“ฎ ๐“ธ๐“ท ๐“๐“ฒ๐“ป', ๐Ÿ’จ๐Ÿ’žDJ ang boses mo! ๐Ÿงž

Pero minsan din talaga, may mga pagkakataong mahirap hanapin ang salita para maipaliwanag ang nararamdaman. ๐Ÿ™ˆโ˜บ๏ธKaya kung hindi makuha sa salita, ipaguhit mo na. P'wedeng kasama si Crush, friend, o sarili lamang sa '๐“ข๐“ด๐“ฎ๐“ฝ๐“ฌ๐“ฑ๐“ฎ๐“ผ ๐“ธ๐“ฏ ๐“›๐“ธ๐“ฟ๐“ฎ'! โœ๏ธ๐Ÿ“‹Hindi naman laging may kaisntahan lamang ang nagmamahal, eh.. Ang buwan naman ng pag-ibig ay hindi limitado, basta laging galing sa puso. ๐Ÿฅฐ๐Ÿซฐ

Kuhanan ang magagandang ngiti, bumuo na ng larawan na sisintahin at ngi-ngitian sa tuwing makikita. ๐Ÿ–ผ๏ธ๐ŸŽ†Nakakahiya bang magpa-picture kay crush? Hind na bale, susunduin na namin 'yan para sa'yo sa '๐“’๐“ต๐“ฒ๐“ฌ๐“ด ๐“ฝ๐“ฑ๐“ฎ ๐“œ๐“ช๐“ฝ๐“ฌ๐“ฑ'! ๐Ÿ“ธ๐ŸคณKung gusto naman ng solo o couple pictures, kami na ang bahala sa bawat 'click' na siguradong match sa'yo. ๐Ÿ‘ฉโ€โค๏ธโ€๐Ÿ‘ฉ๐Ÿ‘จโ€โค๏ธโ€๐Ÿ‘จ๐Ÿง‘โ€โค๏ธโ€๐Ÿง‘

โŒš๏ธ: 9:30 AM - 1:15 PM
๐Ÿ“: Talisay Senior High School Ground, Stage
๐Ÿ“ฉ : Danica Celyn R. Landeza at Ioannie Claire L. Mendoza

Ngayong buwan ng pag-ibig, mag u-unahan at magpapalakasan ang bawat puso sa pagpintig. Siguradong sari-sari ang kilig na maghahari sa paligid! Dahil ngayong Pebrero, bida ang puso mo.

Isinulat ni: Danica Celyn R. Landeza
Inianyo ni: Bea A. Belale at Anika Shane Paala

Photos from Ang Balintataw's post 02/02/2026

๐œ๐’–๐’˜๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘บ๐’Š๐’๐’Š๐’๐’ˆโ ฐ ๐œฌ๐’‚๐’ˆ๐’ˆ๐’–๐’๐’Š๐’•๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐œ๐’–๐’˜๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐œฌ๐’‚๐’ˆ๐’๐’Š๐’Œ๐’‰๐’‚

Ipinagdiriwang tuwing buwan ng Pebrero ang tinaguriang Buwan ng Sining o National Arts Month (NAM) na kung saan iginugunita ang bawat uri ng paglikha ng obra at ang mga taong gumagawa nito sa Pilipinas, Pebrero 1, 2026.

Ang NAM ay itinatag ni dating Presidente Corazon C. Aquino sa Presidential Proclamation No. 683 na pinirmahan noong Enero 28, 1991 na nagdeklarang Pebrero ang NAM o Buwan ng Sining.

Ginaganap ang Buwan ng Sining upang isulong ang kahusayan sa paglikha ng mga Pilipino kasabay ng simbuyo ng damdamin na ipinamamalas ng bawat obrang gawa ng mga kababayan nating manlilika.

Ngayong taon, ang NAM ay binigyan ng tema ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na "Ani ng Sining: Katotohanan at Gitingโ€ na nangangahulugang ang sining ay hindi lamang produkto ng pagkamalikhain kundi ang kalabasan ng pagbabahagi ng karanasan at mithiin.

Namamahala ang NCCA sa mga kaganapan sa loob ng buwan tulad ng Sayaw, Musika, Teatro, Biswal na sining, Panitikan, Film at Arkitektura na siyang gaganapin sa ilang bahagi ng Pilipinas.

Ating bigyang ningning ang Buwan ng Sining bilang pagkilala sa likha ng mga manlilikhang Pilipino; bagamat โ€™di lantaran ay nagsisilbing tarangkahan ang mga obrang gawa tungo sa isang bansang makulay at kaaya-aya.

Isinulat ni: Hyden Lee V. Malabanan | Tagapagbalita ng Radyo
Iniwasto ni: Danica Celyn R. Landeza | Patnugot ng Lathalain
Inianyo ni: Bea A. Belale | Patnugot ng Tagaanyo ng Pahina

10/01/2026

๐‘ณ๐’‚๐’Œ๐’‚๐’… ๐’๐’ˆ ๐œฌ๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’Ž๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’•๐’‚๐’š๐’‚

๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—œ๐—ก | Hindi nananatiling taimtim para sa karamihan ang kanilang pananampalataya, pagtataas ng mga kahilingan at pasasalamat...

'Yung iba ay nakikiisa mismo sa naganap na paggunita sa Kapistahan ng Itim na Nazareno. Ngayong Sabado, 10:50 ng umaga ganap na ika-10 ng Enero, 2026 ay tuluyan nang nakabalik ang imahe ng Jesus Nazareno sa Quiapo Church. Ang traslacion ngayong taon ang naitalang pinakamahabang traslacion sa kasalukuyan, na inabot ng halos 31 oras pag-alis nito sa Quirino Granstand noong ika-9 ng Biyernesโ€”Enero 9, 2026.

Ayon sa talaan, ang pinakamahabang traslacion noong mga nakaraang taon ay inabot ng 22 oras, naganap ito noong 2018. Ngayong taon na lamang tumalon sa ganito kahabang oras ang paglipat ng imahe ng Jesus Nazareno. Pinaniniwalaan ng marami na kaya ito tumagal ng ganito kahaba ay dahil sa maraming deboto na nakiisa, na umabot ng mahigit pitong milyong mga deboto.

Pinaingay nila ang tahimik nilang pananampalataya at mga kahilingang itinataas ng lahat sa kaniya. Kaakibat ng bawat paghihirap ang mga lumalaging isyu sa paligid na nais maresulbahan, pananampalatayang itinataas, paggunita't pag-alala, at pasasalamat sa sakripisyong ginawa ng kaitaasan para sa sangkatauhan.

Ang paglilipat na ito ay nakasanayan na upang gunitahin ang paglilipat ng imahe ng itim na Nazareno noong 1787 mula Intramuros patungong Quiapo. Ang paglalakad nang nakapaa, pagsiksikan, at pag-akyat sa andas ay itinuturing na anyo ng penitensiya at pakikiisa sa paghihirap ni Kristoโ€”bagay na pinagtitiisan ng karamihan upang siya'y mas kilalanin at bigyang pag-alala.

Sa huli, ano man ang simbolismo at bagay na binibigyang patunay ng mga pangyayari sa paligid ay nangangahulugan lamang na hindi talaga masusukat ang pananampalataya ng sangkatauhan. Ang kanilang mga nararanasan ay nagsisilbing pagsilip sa mga naganap at sakripisyong para sa bawat isa. Sapagkat bukas ang isip ng mga nagmartsa at taimtim na nanalangin na ang kanilang mga naranasan ay higit na mas matinding sinalo ng tagapagligtas.

Isinulat ni: Danica Celyn R. Landeza | Patnugot ng Lathalain
Inianyo ni: Iyanna Lorraine D. Ibaรฑez | Patnugot ng Dibuhista
Pinangasiwaan ni: Anika Shane F. Paala | Punong Patnugot

31/12/2025

๐๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐š๐ง๐  ๐๐ฎ๐ค๐š๐ฌ

Simula.
Pagkakataon.
Kinabukasan.

Sari-saring prutas ang hanap at pinangunguna-ngunahan sa pamilihan. Kilo-kilo o piraso ng mansanas, dalandan, suha, chico, saging, peras, ubas, lanzones, at marami pang iba. Madalas ay sentro ang pinya at panay kendi pa! May mga nakasipit na pera, may mga barayti rin ng barya. Kung sa piyesta ay maraming makukulay na bandaritas, sa bagong taon ay bida ang makukulay na prutas. Maririnig na rin ang walang katigilang pagpupugay ng mga turotot kasabay ng mga paputok at sa langit ay makukulay na fireworks.

Media Noche pa lamang subalit lahat na ay nakahain. Puro pagkain ang sa hapag ay bumibida sa tingin. O, bawal muna bumawas o pumitas kahit pa sumapit na ang Media Noche! Dahil baka tainga ang mahagip ni Nanay sapagkat wala pang alas dose!

Natapos na naman ang isang taon. Isang balita na dapat ipagpugay, magpapalit na naman ng petsa sa talaan. Gayunpaman, ang pagtatapos na ito ay senyales din ng isang panimula. Panibagong pinto na naman ng pag-asa. Ang pagbubukas ng panahon para sa bagong taon at kasabik-sabik na pangyayaring nag-aantay para sa lahat. Lumipas na ang pagbasa sa pahina ng dalawang libo't dalawampu't limang pagsasama at nalampasang taong naghandog ng parehong galak, pag-asa, katotohanan at mga pagsubok na pinagtagumpayan ng bawat isa. Sumapit na ang Bagong Taon!

Oras at panahon na para sa bagong yugtong nangangahulugan ng pag-asa. Simula na ng sariwang pagbabago. Ang taon, mga gamit, talaan, bagong labing dalawang mga buwan na naman ang si-simulan, at kaakibat nito ang handog na namang pagkakataon at oportunidad. Hindi lamang para umunlad, kundi maging sa pagbabago. Hudyat ng panibagong hangaring tutuparin at mithiing makakamit. Nakaabang na naman ang pagkakataong maging matatag, dagdagan ang pagsisikap, at humakbang tungo sa pamumuhay na maunlad.

Kaugnay nito, pagkakataon din ang panibagong taon para matuto sa mga pagkakamali at iwasan ang maulit ito. Ang pagbubukas ng taong dalawang libo't dalawampu't anim ay ang bungang sumuloy mula sa buko ng nakaraang taon. Handog nito ang panibagong suloy na magtutuloy-tuloy patungo sa kinabukasan ng bagong henerasyon. Bagong pangarap. Bagong pagsusumikap para sa hinaharap.

Ito na naman ang pagbubukas ng mga bagong hangarin at positibong pangarap para sa bukas. Ang maingay na pagsalubong sa panibago na namang yugto ay hindi lamang tumatangan ng simpleng ingay. Ito ay kumakarga rin sa kakaibang ngiti at pagpupugay ng bawat isa para sa simula ng panibagong taong nagdadala ng pagkakataon sa bawat isang harapin ang ano mang badya ng panahon o suliranin para sa kinabukasan, at mga ninanais maasam. Wala muna ang negatibo para pumasok ang swerte at buong taon na puno ng positibo. Sapagkat ang ating mga mithiin ngayon ay sumasalamin sa bukas. Ay, ha... Huwag kalilimutang tumalon. Maligayang Bagong Taon!

Isinulat ni: Danica Celyn R. Landeza
Iniwasto ni: Johany Faye G. Marasigan

25/12/2025

๐‘ต๐’‚๐’Ž๐’‚๐’Ž๐’‚๐’”๐’Œ๐’ ๐œฌ๐’!

Sa bawat paglapit ng hatinggabi ng Disyembre 24, may kakaibang init na bumabalot sa bawat tahanan. Hindi lamang ito dulot ng mga ilaw na kumikislap o ng mga handang nakalatag sa mesa, kundi ng diwa ng Pasko na muling nabubuhay tuwing Christmas Eve, ang gabi ng Noche Buena.

Sa gabing ito, nagiging mas malinaw ang kahulugan ng salitang pagsasama. Sa kabila ng pagod mula sa trabaho o eskwela, nagsusumikap ang bawat isa na makauwi. May mga kusinang abala sa paghahanda ng hamon, keso de bola, spaghetti, at iba pang simpleng handa. May mga batang sabik na sabik, hindi lamang sa pagkain, kundi sa sandaling maririnig nila ang salitang, โ€œKain na tayo.โ€

Ngunit bago pa man magsimula ang salu-salo, maririnig muna ang mga tinig sa labas ng bahayโ€”mga batang may hawak na supot, may ngiti sa labi, at puno ng pag-asa sa mga mata. โ€œNamamasko po!โ€ Isang simpleng pagbati, ngunit puno ng kahulugan. Hindi ito simpleng paghingi, kundi paalala ng pagbabahagi. Paalala na ang Pasko ay hindi nasusukat sa laki ng handa, kundi sa bukas na puso.

Sa Christmas Eve, mas nagiging malinaw na ang diwa ng Pasko ay tungkol sa pagbibigay hindi lamang ng aguinaldo o regalo, kundi ng oras, pagmamahal, at pag-unawa. Sa mga pamilyang sama-samang nagdarasal bago kumain, sa mga kapitbahay na nagbubukas ng pinto para sa namamasko, at sa mga alaala ng mga mahal sa buhay na maaaring wala na ngunit patuloy na buhay sa puso.

Ang Noche Buena ay hindi kailangang maging magarbo. Minsan, sapat na ang simpleng pagkain at kumpletong pamilya. Sapat na ang tawanan sa hapag-kainan at ang katahimikan ng gabing puno ng pasasalamat. Sa gabing ito, natututuhan nating pahalagahan ang kung anong meron tayo at alalahanin ang mga wala.

Sa huli, ang Pasko ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo. Ito ay isang damdamin isang paanyaya na maging mas mapagbigay, mas mapagmahal, at mas makatao. At sa bawat batang kumakatok at nagsasabing, โ€œNamamasko po,โ€ tayo ay inaanyayahang muling buhayin ang tunay na diwa ng Pasko. Ang diwang nagbubuklod sa atin bilang isang pamilya at isang bayan.

Isinulat ni: Angel Rose Cotejo | Manunulat ng Lathalain
Iniwasto ni: Danica Celyn R. Landeza | Patnugot nf Lathalain
Inianyo ni: Bea A. Belale | Patnugot ng Tagaanyo ng Pahina

Photos from Ang Balintataw's post 14/12/2025

๐๐š๐  ๐๐š๐›๐š๐ฅ๐ข๐ค-๐“๐š๐ง๐š๐ฐ: ๐‹๐š๐ ๐๐š ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฌ๐ฎ๐ง๐๐ฎ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฐ๐š๐ฐ๐š๐ค๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐‡๐ข๐ฆ๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ค๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐ข๐š๐ค ๐ง๐š ๐๐š๐ญ๐จ

Alam niyo ba? Noon Disyembre 14, 1897, unang nilagdaan ang kasunduan sa Biak na Bato patungkol sa pagpapatigil ng himagsikan sa pagitan ng Gobyerno ng Eapanya at Rebolusyonaryong Pilipino, ang kasunduang ito ay nilagdaan nina Gobernador-Heneral Fernando Primo de Rivera ng Espanya at ni Emilio Aguinaldo ng rebolusyonaryong Pilipino.

Ang Biak na Bato ay isang opisyal na saligang batas bilang kauna-unahang republikang naitatag sa Pilipinas ng maghihimagsik na si Emilio Aguinaldo, pati na rin ang kaniyang mga kapwa kasapi sa katipunan.

Nilagdaan ni Emilio Aguinaldo at nang iba pang rebolusyunaryo ang konstitusyong propesyonal de republike de filipina na isinulat sa kabundukan ng Biak na Bato sa San Miguel sa lalawigan ng Bulacan. Nakapaloob sa kasulatan ang kasunduang patungkol sa pagbenta ni Emilio Aguinaldo ng biak na bato sa mga Espaรฑol sa halagang โ‚ฑ800, 000. 00.

Dagdag pa rito, ang konstitusyon ng Biak na Bato ay sinulat nina Felix Ferrer at Isabelo Artacho, ngunit ang republikang ito ay nagtagal lamang sa loob ng isang buwan sapagkat may kasunduan itong pangkapayapaan na nilagdaan ni Gov. Gen. Fernacho Primo De Rivero, isang Spanish Politician.

Ang republika ng Biak na Bato ay hindi kilalang nag-aalsa na umiral sa panahon ng Spanish East Indis. Ito ay nangyari matapos ang isang halalan sa " The Tejeros Convention" na ginanap sa General Trias sa Cavite noong Marso 22, 1897 at sunod-sunod din ang pagkatalo ng mga hukbo ni Aguinaldo laban sa mga kastila. Nang dahil sa pagkakatalo ng mga hukbo ay kinailangan nilang umatras papuntang Talisay, Batangas at papuntang hilaga ng San Miguel, Bulacan, kung saan sila nag kubli. Pinili nila ang lugar ng Bulacan sa kadahilanang ito ay hindi madaling matutunton ng kanilang mga kaaway.

Impormasyon mula sa Inquirer PH

Isinulat ni Nadine P. Tolentino | Tagapamalita ng Radyo
Inianyo ni Patricia Mae Tabelism | Taga-anyo ng Pahina
Pinangasiwaan ni Allaine Trisha C. Magsino | Tagapamahalang Patnugot

12/12/2025

TaliSHenyoS, ito na ang pagkakataong magtipon, magnilay, at magsimula ng mas makahulugang paglalakbay ngayong Kapaskuhan.

Inaanyayahan ang mga kabataan na dumalo sa Simbang Gabi โ€œ๐— ๐—ฎ๐˜€๐˜€ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ตโ€ mula December ๐Ÿญ๐Ÿฑ-๐Ÿฎ๐Ÿฏ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ, ๐Ÿณ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐—  sa ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ธ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ถ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—š๐˜‚๐—ถ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐—บ๐—ผ

Sa gitna ng ingay ng mundo, hayaan nating marinig ang tinig ng Diyos na gumagabay sa ating mga pangarap, laban, at pag-asa.

Tayong kabataan ang ilaw ng kinabukasan at nagsisimula ang liwanag na โ€˜yan sa pananampalataya.

Tara, kita-kits sa Simbang Gabi!

SIMBANG GABI 2025 | Kabataan ng San Guillermo Parish โœจ

Inaanyayahan namin ang lahat ng kabataan ng San Guillermo Parish, Talisay, Batangas sa pagdiriwang ng Simbang Gabi na gaganapin tuwing 7:00 PM sa ating parokya mula Disyembre 15โ€“23.

Bawat gabi ay mas magiging makulay at makahulugan dahil magkakaroon tayo ng ibaโ€™t ibang sponsors na makikibahagi sa ating paghahanda para sa kapanganakan ng ating Panginoon. ๐ŸŒŸ

Tara naโ€™t sabay-sabay tayong maghanda, magdasal, at magdiwang!

09/12/2025

๐œง๐’‚๐’๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’š๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’‚๐’“๐’‚๐’˜๐’‚๐’ ๐’”๐’‚ ๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’ˆ ๐œฌ๐’–๐’๐’๐’๐’ˆ ๐œฏ๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š๐’, ๐œง๐’‚'๐’‚๐’Ž ๐‘จ๐’๐’“๐’†๐’†๐’!

Isang biyaya sa ๐—”๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜„ ang inyong presensiya. Hangad namin ang maaliwalas at masayang araw para sa iyo, hindi lamag ngayong inyong kaarawan kundi maging sa araw-araw ninyong pamumuhay. Alam namin na maraming mga gawain at responsibilidad ang nakaatang sa inyo, subalit kaylanman ay hindi niyo binigo ang bawat isa!

Ang inyo pong ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป, ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป, ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ, ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป ay walang katulad! Mga salita ninyo'y walang tutumbas, mga payo't pangaral, paalala at suhestiyon. Lahat ng mga bagay na inyong ibinabahagi sa lahat ay ang nagsisilbing tulay para sa pag-usbong ng bagong talento at paggising sa mga natutulog na diwa ng nakapaligid sa inyo. Ang paggabay niyo sa bawat isa, paghasa at paglinang ng bawat angking galing ay hindi lamang basta gawain kundi handog na pag-unlad para sa lahat.

Hiling namin ang inyong maayos na kalusugan, masayang araw-araw, at panatag na kaisipan at kalooban. Ang pagiging ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ถ๐˜†๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ฑ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—บ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐˜€๐—ฎ sa bawat mag-aaral na lumakad patungo sa bahagdan ng kanilang mithiin.

Hindi lamang liwanag ang inyong handog bagkus maging malinaw na kinabukasang may malinis at tamang hangarin na kayang sumilip sa kahit anong pananaw upang maunawaan ang mga bagay sa kapaligiran.

Kami po ay patuloy na su-suporta at makikinig sa alok ninyong libreng pangangarap at maayos na bukas para sa hinaharap.

Muli, maligayang kaarawan po, Ma'am Al!

Isinulat ni: Danica Celyn R. Landeza | Tagapamahalang Patnugot
Inianyo ni: Anika Shane F. Paala | Punong Patnugot

07/12/2025

๐œง๐’‚๐’๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’š๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’‚๐’“๐’‚๐’˜๐’‚๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘จ๐’Ž๐’Š๐’๐’ˆ ๐œง๐’‚๐’๐’–๐’๐’–๐’๐’‚๐’• ๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’๐’๐’–๐’Ž, ๐‘ฎ๐’‚๐’ƒ๐’“๐’Š๐’†๐’!

Lubos kaming bumabati at naghahangad ng mapagpalang kaarawan para sa iyo. Lulan ng 'yong bawat sulat ang hangaring makatanaw sa ibang anggulo't perspektibo ang mga mambabasa, siyang patunay na kahanga-hanga ang iyong mga nakikita at tinatalima.

Kami ay nagagalak na ikaw ay parte ng Ang Ballintataw, ang 'yong talento ay nagpipinta ng katotohanan na nagwawaksi sa kasinungalingan. Sa pinagsamang abilidad at totoo ay lumilikha ka ng mga obra maestrong kumakatok sa diwa't pananaw ng mga nakakabasa ng gawa mo.

Patuloy mong lakbayin ang malinaw at malawak na kinabukasang nag-aantay sa iyo at kami'y a-antabay upang sumuporta sa bawat hakbang tungo sa tagumpay mo. Muli, maligayang kaarawan, Gab!

Isinulat ni: Danica Celyn R. Landeza | Patnugot ng Lathalain
Inianyo ni: Bea A. Belale | Patnugot ng Tagaanyo ng Pahina

Photos from Ang Balintataw's post 06/12/2025

๐๐š๐ ๐›๐š๐›๐š๐ฅ๐ข๐ค-๐“๐š๐ง๐š๐ฐ: ๐๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐๐š๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ง๐š '๐“๐ก๐ž ๐…๐ž๐š๐ฌ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ˆ๐ฆ๐ฆ๐š๐œ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ž ๐‚๐จ๐ง๐œ๐ž๐ฉ๐ญ๐ข๐จ๐ง'

Alam mo ba na ang Kapistahan ng Inmaculada Concepcion (Solemnity of the Immaculate Conception) ay isa sa pinakamahalagang pagdiriwang ng Simbahang Katolika?

Ang araw na ito ay ginugunita bilang paniniwala na ang Birheng Maria ay ipinaglihi nang walang bahid ng orihinal na kasalanan.

Ayon kay Pope Pius IX noong 1854, idineklara na si Maria ay, "mula sa unang sandali ng kanyang paglilihi, sa pamamagitan ng natatanging biyaya at pribilehiyo ng makapangyarihang Diyos... ay pinanatiling ligtas mula sa lahat ng mantsa ng orihinal na kasalanan." Ang pagiging natatangi niya ay dahil sa merito ni Hesu-Kristo.

Ipinagdiriwang ito tuwing ika-8 ng Disyembre. Ito ay isang "holy day of obligation" o araw ng obligasyon na magsimba, kung saan inaasahang dadalo sa Misa ang mga Katoliko.

Impormasyon mula kay Cate Von Dohlen ng Hollow

Isinulat ni Sarah Belarmino | Tagapamalita ng Radyo
Iniwasto ni Johany Faye G. Marasigan | Punong Tagawasto ng kopya
Inianyo ni Bea Belale | Punong Taga-anyo ng Pahina
Pinangasiwaan si Allaine Trisha C. Magsino | Tagapamahalang Patnugot

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Calatagan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address

Talisay Senior High School
Calatagan
4234