Coach Jaf

Coach Jaf

Share

Let’s grow together. If you find value here, follow my FB page for more daily motivation. Thanks!😊

27/05/2026

Yung hindi sumusuko, sila yung madalas nananalo.

Hindi lahat ng nagsisimula,
umaabot hanggang dulo.

Maraming tao ang ganado sa umpisa,
pero habang tumatagal at humihirap ang proseso, unti-unti na ring nawawalan ng lakas at gana.

Pero mapapansin mo,
kadalasan yung mga nagtatagumpay sa buhay hindi naman sila yung pinaka magaling o pinaka mabilis.

Sila yung mga taong kahit ilang beses nadapa,
pinili pa ring bumangon at magpatuloy.

Kasi sa totoong buhay,
hindi naman laging talent ang labanan.

Minsan,
tibay ng loob at consistency talaga ang mas lamang.

Yung kakayahang lumaban kahit walang kasiguraduhan at magtiwala sa proseso kahit mabagal ang progress.

Darating din yung araw na lahat ng pagod,
puyat,
at sakripisyo mo magkakaroon ng magandang bunga.

Kaya kung napapagod ka man ngayon, pahinga lang pero huwag susuko.

24/05/2026

Discipline ang ginagawa ng motivation kapag pagod ka na.

Masarap maging motivated sa simula.

Ganado ka,
inspired ka,
at parang kayang-kaya mong gawin lahat para sa goals mo.

Pero ang totoo,
hindi araw-araw mataas ang motivation.

May mga araw na pagod ka,
nawawalan ng gana,
at gusto mo munang huminto.

Doon pumapasok ang discipline.

Siya yung dahilan kung bakit kumikilos ka pa rin kahit hindi ka motivated.

Siya yung nagtutulak sa’yo na bumangon,
gawin yung kailangan gawin,
at ipagpatuloy yung pangarap mo kahit mahirap na.

Kasi hindi naman puro excitement ang success.

Madalas,
nabubuo ito sa mga araw na ayaw mo nang kumilos pero pinipili mo pa ring magpatuloy.

Motivation can start the journey,
pero discipline ang tumutulong para matapos mo yung laban.

Want your business to be the top-listed Grocery Store in Cavite?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Cavite