Southern Tagalog Exposure
People's Center for Progressive Media | Independent Multimedia Collective
MAYO UNO 2026: Military drill ng mga manggagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-123 na Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa sa Calamba Crossing, kung saan ipinakita ang tindig, disiplina, at tapang ng hanay sa gitna ng mga panawagan para sa sahod, trabaho, at karapatan ngayong Mayo Uno 2026.
01/05/2026
MAYO UNO 2026: Kasalukuyang nagsasagawa ng motorcade patungo sa iba't-bang parte ng Calamba, Laguna, ang mga manggagawa, sa pangunguna ng Lakas ng Nagkakaisang Manggagawa ng Fuji Electric Philippines (LNMFEP) at Ebara Pumps Inc. Employess Union (EPIEU), bilang pagdaraos ng ika-123 Pandaigdigang Araw ng Paggawa, ngayong umaga ng Mayo Uno.
Ipinatambol ng nagkakaisang pormasyon ng mga manggagawa ang kanilang mga batayang karapatan gaya ng patuloy na pagsulong sa Php 1200 family living wage, at patuloy na pagkondena sa mataas na presyo ng produktong petrolyo, at paggiit sa patuloy na paglabag sa mga karapatang pantao ng mga manggagawa.
Dumaan ang motorcade ng mga manggagawa sa mga pagawaaan at kumpanya sa Calamba Premiere International Park (CPIP), Brgy. Batino upang mas paigtingin ang kanilang mga panawagan at kalampagin ang mga kapitalistang korporasyong ganid sa tubo.
Tumungo naman ang motorcade sa regional office ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Brgy. Mayapa, upang singilin at iparamdam ang galit ng mga mamamayan sa sistematikong korapsyon ng pamahalaan, partikular na ang patungkol sa flood control projects. Dumako rin ang mga manggagawa sa interseksyon sa Brgy. Paciano upang ipagpatuloy ang paggiit sa kanilang mga kagyat na panawagan.
Upang makiisa sa rehiyunal na programa para sa araw ng mga manggagawa, sesentro ang mga manggagawa sa Crossing, Calamba mamayang hapon, 2 p.m., upang patuloy na patambulin ang kanilang mga ang mga panawagan para sa ligtas at nakakabuhay na sahod kasama ang iba pang batayang sektor.
Click here to claim your Sponsored Listing.