JPH DEF VLOG
Digital Creator | News Commentary & Updates.
09/04/2026
MARTIN ROMUALDEZ MAY MENSAHE SA ARAW NG KAGITINGAN
(๐ฆ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ด๐ถ๐๐ถ๐ป๐ด๐ฎ๐ป, ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ถ.)
Ipinapaabot ni Speaker Martin Romualdez ang mensahe para sa ika-84 na anibersaryo ng Araw ng Kagitingan ngayong Abril 9, 2026. Ang pagdiriwang ay may temang โGiting ng Bayan, Pamana sa Salinlahi.โ Binibigyang-diin sa pahayag ang pagkilala sa mga beterano ng Bataan at Corregidor, kasabay ng pagkilala sa mga modernong bayani tulad ng mga Overseas Filipino Workers (OFW). Binanggit din ang mga hamong kinakaharap ng bansa, kabilang ang krisis sa presyo ng bilihin at ang sitwasyon sa Middle East na nakaaapekto sa maraming pamilyang Pilipino sa kasalukuyan.
09/04/2026
Muling naghain ng petisyon si Bise Presidente Sara Duterte sa Supreme Court (SC) upang hilingin ang pagpapatigil sa impeachment proceedings laban sa kaniya sa Kamara. Sa kaniyang 58-pahinang petisyon, iginiit ng kampo ni Duterte na ang ginagawang "mini-trial" ng House Committee on Justice ay labag sa Saligang Batas. Sa kabila nito, hindi naglabas ng Temporary Restraining Order ang SC nitong Abril 8, kayaโt tuloy ang mga nakatakdang pagdinig.
08/04/2026
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga haka-haka tungkol sa kanyang kalusugan ngayong Abril 8, 2026. Sa isang pahayag, sinabi ng Pangulo na, โWALA TAYONG PROBLEMA. I AM BACK TO MY REGULAR EXERCISE, I'VE BEEN BACK TO MY REGULAR ROUTINE... I AM WATCHING MY HEALTH, MAKING SURE THAT I'M ALWAYS READY TO DO THE WORK.โ
08/04/2026
KORTE, INUTUSAN SI MADRIAGA NA DUMALO SA IMPEACHMENT HEARING NI VP SARA
Naglabas na ng kautusan ang Manila Regional Trial Court Branch 21 para pahintulutan si Ramil Madriaga na dalo sa pagpapatuloy ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. Sa kabila ng pagiging detainee, binigyan ng court order si Madriaga upang magsilbing saksi sa House of Representatives. Inaasahang magbibigay siya ng testimonya kaugnay sa mga alegasyon ng iregularidad sa paggamit ng confidential funds ng Bise Presidente.
08/04/2026
Naging emosyonal ang Mindanao-based content creator at political vlogger na si Lovely Granada matapos tuluyang mawala at maging inaccessible ang kanyang social media account kamakailan.
Ayon sa ulat, ang pagkawala ng account ay isinisisi sa serye ng mass reporting mula sa mga kritiko. Labis ang panghihinayang ni Granada dahil ang nasabing account ay monetized na at nagsisilbi na sanang pangunahing mapagkukunan ng kanyang kabuhayan.
"Stop reporting, monetized na ako sayang!" ang naging pakiusap ng vlogger sa gitna ng kanyang hinagpis. Nanawagan din siya ng respeto at konsiderasyon mula sa online community, habang sinusubukang mabawi ang account sa tulong ng mga eksperto.
Sa kasalukuyan, patuloy ang diskusyon sa social media ukol sa isyu ng mass reporting at ang epekto nito sa mga online creators.
08/04/2026
Nagphayag si Kap. Niรฑo Barzaga sa mga negatibong komentong ibinabato sa kanya sa social media. Sa isang diretsahang pahayag, binigyang-diin ng opisyal na mas prayoridad niya ang pagpapasalamat sa kanyang mga tagasuporta kaysa ubusin ang oras sa mga kritiko. Mensahe niya sa mga bashers: wala siyang panahon para patulan ang anumang ingay online.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Address
Cebu City