Candy Caranto Andres
This is the official page of Candy May Caranto Andres
Parang nabibingi na konsi 🤣💜
Nagenjoy ba kayo kagabi Cuyapeños?
30/10/2025
Tuloy-tuloy ang kasiyahan sa ginanap na Senior Citizens Night na dinaluhan ni Konsehala Candy May C. Andres, sa pangunguna ng ating butihing alkalde Gen. Jose S. Hidalgo Jr., kasama ang mga Sangguniang Bayan Officials.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-166th Araw ng Cuyapo, hindi lamang ang mga kabataan ang magsasaya kundi maging ang ating mga nakakatanda, na ipinamalas ang kanilang sigla at saya sa nasabing programa.
Damang-dama ang kasiyahan ng ating mga Senior Citizens na buong pusong nakiisa sa mga inihandang aktibidad. Higit pa rito, makikita rin ang kagalakan ng ating mga Sangguniang Bayan Officials, lalo na ang ating Konsehala Candy May, na lubos na nakibahagi sa masayang pagtitipon.
~{Admin💜}
Parang enjoy na enjoy ka sa mga tropa mo konsi ah 🥰
30/10/2025
Masayang nakibahagi si Konsehala Candy May C. Andres sa isinagawang Palaro sa Nayon kahapon ng umaga sa Auditorium.
Sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Gen. Jose S. Hidalgo Jr., kasama ang mga Sangguniang Bayan Members, matagumpay na naisakatuparan ang nasabing programa na naglalayong palakasin ang samahan at diwa ng pagkakaisa ng mga Cuyapeño.
~{Admin💜}
30/10/2025
Nakibahagi si Konsehala Candy May C. Andres sa makulay at masiglang Street Dance Competition 2025 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-166 na Araw ng Cuyapo.
Sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Gen. Jose S. Hidalgo Jr., at ng Sangguniang Bayan Members, ipinamalas ng mga kalahok mula sa iba’t ibang paaralan ang kanilang kreatibidad, dedikasyon, at pagmamalaki sa pamamagitan makabagbag-damdaming pagtatanghal.
Ipinakita ng mga kabataang Cuyapeño na tunay na buhay na buhay ang diwa ng Kultura ng Cuyapo sa bawat indak, sigla at ngiti na naipamalas ng mga mag-aaral ng ating bayan.
~{Admin💜}
29/10/2025
Nakibahagi sa ginanap na Civic Parade 2025 ang ating Konsehala Candy May C. Andres bilang bahagi ng ikalawang araw ng pagdiriwang ng ika-166th Araw ng Cuyapo.
Sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Gen. Jose S. Hidalgo Jr., kasama ang buong lokal na pamahalaan ng Cuyapo, matagumpay na naisagawa ang makulay na parada na nagpakita ng pagkakaisa, sigla, at pagmamahal ng mga Cuyapeño sa ating bayan. ~{Admin💜}
29/10/2025
Bilang Committee Chair, dinaluhan ni Konsehala Candy May C. Andres ang isinagawang Cuyapo Interschool Quiz Bee sa New Evacuation Center bilang bahagi ng paggunita ng mga aktibidad sa pagdiriwang ng Ika-166th Araw ng Cuyapo.
Layunin ng naturang patimpalak na higit pang paigtingin ang kaalaman, disiplina, at aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral sa mga programa at adhikain ng Pamahalaang Bayan ng Cuyapo. {~Admin💜}
29/10/2025
Ginanap ang Grand Finals ng Pancit Ablaw Competition sa Municipal Auditorium bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-166th Araw ng Cuyapo, na dinaluhan ni Konsehala Candy May C. Andres na syang Committee on Tourism.
Ang Pancit Ablaw ay gawa sa kalabasa noodles na isa sa mga ipinagmamalaking lokal ng mga Cuyapeño at nagsisilbing bahagi ng pagkakakilanlan ng ating bayan. Sa naturang kompetisyon, ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang husay at pagkamalikhain sa ibat-ibang diskarte sa kanilang pagluluto.
~{Admin💜}
28/10/2025
Sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Mayor Jose S. Hidalgo Jr., nakibahagi ang ating Konsehala Candy May C. Andres sa isinagawang Agri-Techno Roadshow katuwang ang Central Luzon State University (CLSU) at ng Department of Agriculture, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-166th Araw ng Cuyapo.
Layunin ng naturang programa na maisulong ang makabagong pamamaraan sa pagsasaka at higit pang mapaunlad ang kabuhayan ng mga magsasakang Cuyapeño sa pamamagitan ng mga presentasyong tulad ng Mushroom Production, Duck Raising, at Special Rice Farming Seminar.
Isang hakbang tungo sa mas maunlad, moderno, at maipagmamalaking agrikultura ng bayan ng Cuyapo. ~{Admin💜}
28/10/2025
Sa paggunita ng ika-166th Araw ng Cuyapo, nakibahagi ang ating Konsehala Candy May C. Andres sa opisyal na pagbubukas ng Local Trade Fair na pinangunahan ng ating Punong Bayan General Jose S. Hidalgo Jr. kasama ang Department of Tourism at mga konsehal ng bayan sa Glorietta Park kaninang umaga
Layunin ng nasabing aktibidad na maipakilala at maisulong ang mga produktong lokal ng Cuyapo upang higit pang mapaunlad ang kabuhayan ng mga mamamayan. Ang naturang programa ay patunay ng patuloy na pagsuporta ng Pamahalaang Bayan sa mga lokal na negosyante at produktong Cuyapeño.~{Admin💜}
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
3117