CN Secret Files
samahan nyo kaming labanan ang disinformation at historical revisionism. say NO to Fake News.
15/05/2026
Mga kapwa mamamayan ng Camarines Norte,
Kami ay nananawagan sa lahat ng sektor ng ating lalawigan na makiisa sa panawagang ideklara ng LGU ng Camarines Norte bilang persona non grata si Robinhood Padilla dahil sa ipinakitang asal at pag-uugali sa loob mismo ng Senado na hindi karapat-dapat tularan ng isang lingkod-bayan.
Hindi natin dapat gawing normal ang pagbabanta ng pananakit laban sa kapwa opisyal ng pamahalaan at ang mga kilos na sumisira sa dignidad, respeto, at integridad ng mga institusyon ng bansa. Bilang mga mamamayan ng Camarines Norte, may karapatan tayong ipahayag ang ating paninindigan laban sa anumang asal na nagpapakita ng kawalan ng respeto sa batas at sa maayos na proseso ng pamahalaan.
Ang panawagang ito ay hindi tungkol sa politika o personal na galit.
Ito ay paninindigan para sa respeto, disiplina, at wastong asal na inaasahan natin sa mga taong may mataas na tungkulin sa gobyerno.
Inaanyayahan namin ang mga kababayan nating taga-Camarines Norte, mga kabataan, organisasyon, barangay leaders, at iba pang sektor na makiisa at magpahayag ng suporta sa panawagang ito upang ipakita na ang ating lalawigan ay naninindigan para sa dangal, respeto, at pananagutan ng mga opisyal ng bayan.
Para sa Camarines Norte.
Para sa respeto sa institusyon.
Para sa kapakanan ng mamamayan.
22/04/2026
📢 PANAWAGAN SA BUONG BAYAN NG PARACALE AT MGA KARATIG-BAYAN
May nakatakdang proyektong pagmimina na nagkakahalaga ng bilyon na sasakop sa mga barangay Tawig, Tugas, at Casalugan. Bagamat tila limitado sa ilang lugar, ang magiging epekto nito ay hindi lamang doon magtatapos.
Ang pagmimina ay may potensyal na magdulot ng:
• Pagkakalbo ng kagubatan at bundok
• Pagkasira ng watershed at pinagkukunan ng malinis na tubig
• Polusyon sa ilog at dagat na apektado ang pangingisda at kalusugan
• Pangmatagalang pinsala sa kalikasan na mararamdaman ng buong bayan
❗ Hindi lang ito laban ng iilang barangay — laban ito ng buong Paracale.
Kami ay nananawagan:
👉 Sa lahat ng residente ng Paracale, kahit hindi direktang apektado ang inyong lugar, makibahagi, makialam, at magmonitor.
👉 Dumalo sa mga public hearing, magtanong, at ipahayag ang inyong saloobin.
👉 Bantayan ang mga desisyon na makakaapekto sa kinabukasan ng ating bayan.
🤝 Sa mga karatig-bayan, hinihikayat din namin ang inyong pakikiisa at pakiki-simpatiya. Ang kalikasan ay walang hangganan—ang epekto nito ay maaaring umabot sa inyo.
🌱 Ang kalikasan ang ating yaman at pamana sa susunod na henerasyon. Kung hindi tayo kikilos ngayon, kailan pa?
Makialam. Makibahagi. Ipaglaban ang kalikasan.
iisa pa lang yung politiko sa cam Norte na nagpakita ng initiative na mag comply sa ANTI-EPAL policy ng DILG, gusto nyo ba magkaroon tayo ng EPAL serye kung saan highlited ang mga matigas na ayaw pabura ng kanilang pangalan sa mga proyektong pinondohan gamit ang buwis ng taumbayan?
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Daet
4600