ProWell Wellness Center

ProWell Wellness Center

Share

INCH Wellness offers practical tips, evidence-based advice, and inspiring content to help you cultivate a balanced lifestyle.

15/12/2025

Hi, ako ang kidney mo 🫘

Ako ang tahimik na kasama mo araw-araw.
Hindi mo ako palaging nararamdaman, pero araw-araw kitang pinaglilingkuran.

Ako ang nagsasala ng dugo mo—
inaalis ko ang mga dumi, lason, at sobrang tubig sa katawan mo.
Inaayos ko ang balanse ng electrolytes mo,
tumutulong akong kontrolin ang blood pressure mo,
at sinisigurado kong maayos ang takbo ng buong katawan mo.

Kapag maayos ako,
malakas ka.
Malinaw ang isip mo.
May gana ka sa buhay.

Pero kapag napabayaan ako,
unti-unti akong napapagod…
hanggang isang araw, hindi na kita kayang saluhin mag-isa.

Paano mo ako pahahalagahan?
✅️ Uminom ng sapat na tubig
✅️ Iwasan ang sobrang alat, matatamis, at processed food
✅️ Huwag abusuhin ang gamot at pain relievers
✅️ Kontrolin ang blood pressure at asukal
✅️ Magpa check-up kahit wala pang nararamdaman

Hindi ako napapalitan basta-basta.
Kapag nasira ako, buong buhay mo ang maaapektuhan.

Kaya habang tahimik pa akong nagtatrabaho para sayo,
pahalagahan mo ako.

Alagaan mo ako…
dahil ako ang isa sa mga dahilan kung bakit buhay ka ngayon 🫶

07/12/2025
Want your business to be the top-listed Advertising & Marketing Company in Daet?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Calle Trece Street
Daet
4600