Word Life Writers
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Word Life Writers, Daet.
05/06/2024
“Kapag huli na ang lahat, manalangin tayo sa panibagong simula.”
PANAGHOY PARA SA BAYAN
MAIKLING KWENTO AT MGA TULA NA INIHAHANDOG SA INYO NI Cenon Tumala
Intro | HULI NA
Hunyo,
bakit parang pinas-an mo sa'kin ang mundo?
Wari ko'y dumaan ka bilang trahedya sa pagkitil ng mga tao.
Habang walang malay ang mga kapwa ko kristyano,
namumuhay sa kompromiso na tila'y nahuhumaling na'rin sa mundo,
mga matang nakatuon sa mga bagong uso,
walang tigil ang pagsasaya paroo't parito.
Asan na kayo?
Kayong mga itinalagang manangis sa simbahan, upang mga kaluluwa'y masilayang magkamit ng kaligtasan?
upang mamagitan sa mga sakunang paparating pa lamang?
Asan na kayo?
Mga itinalagang mangangaral ko?
akala ko ba'y minsan na kayong nangakong susunod at sumalaysay na naririto hanggang sa dulo?
Asan na kayo?
Mga apostol at propeta?
Kayong mga itinalagang tagapagtayo ng simbahan at iglesya?
upang ang pundasyon ay maging maayos,walang dungis at maihanda,
bilang isang babaeng ikakasal na malinis at maganda?
Asan na kayo?
Kayong mga ebanghelista?
Patuloy nga kayong nananawagan sa kalsada ngunit ang iyong sarili ay namumuhay sa pagkakasala!
Sigaw ninyo'y pagsisisi ngunit hindi ninyo magawa!?
Anong saysay ng mga hiyaw at paglalakad na napaka haba?
Paglalakbay patungo sa lugar na kung saan naroroon sila?
Itong tinatawag ninyong makasalana'y tila nawaglit ang inyong sarili sa inyong mga mata.
Asan na kayo?
Mga pastol na itinalagang mangalaga ng mga tupa?
Bakit tila'y makulong sa harang ang buong kawan at hindi magkasumpungan ang mga magkakapatid sa pag-asang magkaroon ng pagkakaisa?
Ang iba sa kanila'y napabayaan na matapos minsang pawalan ng halaga?
Saan at paano kaya sila maisasalba kung mistulang ang tahanang sinilangan ay masisilayang hinahayaan silang lumisan?
Asan na kayo?
Mga g**o.
Ang inyong mga tinig ay tila'y nabusal na sa pagkatakot?
walang kibo't lakas na lumaban sa batas ng mga nasa pamunuan,
mga panuntunan na pawang likha lamang ng isipan,
mga tradisyon na kailangan nang wasakin at iwanan.
Mangaral ka!
Walang mali sa pag papahayag ng propesiya!
Walang mali sa pagsasalita ng ibat-ibang wika!
Walang mali sa pagpapalayas ng mga demonyo!
Walang mali sa pagpapa galing ng may sakit sa araw ng pamamahinga!
Walang mali kung hindi ka muna nag paalam bago ka gumawa sa ubasan ng Iyong AMA!
Iyong AMA'ng ang nag uutos na humayo ka at gawin mong alagad ang lahat ng bansa,
Hindi ang iyong Ama lang sa pananampalataya,
hindi sa ibinababa ang pag galang sa mga Ama kundi sa mas nakatataas na pangunguna ang dapat na mauna.
Gumising kayo!
Wala nang panahon sa pag papahinga,
dahil hinog na ang mga bunga at kung hindi ay mauuna ang pag gapas ng kaaway sa mga walang malay na kaluluwa.
Gumising kayo!
Mula sa bulag at binging espiritu na hindi marunong makinig sa mga pagpapalo sa inyo, mga salitang pilit ninyong layuan ay pawang hahabol sa inyo. Hindi kayo makakatakas mula sa hagupit ng kaniyang tungkod. Mga salita niya ay uugong patungo sa buong sansinukob mula sa mga nagpapakumbababang naghihintay ng saklolo at sasagip sa mga nalulunod.
Gumising kayo!
Ilang araw pa lamang ang natapos ngunit andami nang natapos na kaluluwa sa hindi tinakdang panahon ay nabura at nag laho na parang bula dala ng walang habas na pagpuksa ni kamatayan sa mga naghahanap ng kapahingahan ay nagka mali nang napuntahan silang mga walang kamalayan sa katotohanan.
Mapalad ka!
Mula sa iyong kalagayan na may nalalaman na sa katotohanan ngunit ipinagkakait ito sa mga nangangailangan.
Sumisigaw ang mga dugong natigmak sa lupa na naghahanap ng hustisya.
"SINONG NAKAKA ALAM NA TOTOO ANG IMPYERNO!???"
( June 2023 )
Click here to claim your Sponsored Listing.