Poetic Rhapsodies

Poetic Rhapsodies

Share

dont follow your dreams, follow my page

03/03/2024

naalala ko pa noong nahawakan ko ang kamay nya,
malambot, maliit at medyo basa.
sabi nya kinakabahan sya kaya sya pinapasma,
sabi ko naman "bat ka naman nahihiya?"
sabay titig sa dalawa nyang mata.
pero aaminin ko, nandidiri talaga ako sa mga medyo basa-basa,
kaya nga di ko kayang humawak ng basahan at sariwang isda.
pero kahit na ganon,
wala akong naramdaman na kahit konting pandidiri.
hinawakan ko parin ang kamay nya at lumapit sa kanya nang konti.
ansarap lang sa pakiramdam na mahawakan ang kamay nya,
wala lang, ansarap lang talaga

29/04/2023

buhay nasasawi,
sinusubok parang gusali.
umulan, bumagyo,
mananatiling nakatayo.
patuloy kang poprotektahan
sa mga sakunang ibibigay ng mundo.

pero sana parehas ang trato mo,
ang bawat kongkreto ng buhay ko
ay inspirasyon sa lakas mo.
kaya kung wala ka sa buhay ko,
marahil ang nararamdaman ay gumuho.

Want your establishment to be the top-listed Arts & Entertainment in Dasmariñas?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

Dasmariñas