MAFAR-Datu Abdullah Sangki

MAFAR-Datu Abdullah Sangki

Share

Agriculture, Fisheries and Agrarian Sector

15/06/2026

Assalamu Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuh!

Inaanyayahan ang lahat ng mga magsasaka, mangingisda, at Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) na dumalo at mag-avail ng serbisyo ng LEGAL AID CLINIC.

Kung kayo ay may mga katanungan o suliranin tungkol sa:
✅ Usaping agraryo at lupa
✅ Karapatan ng ARBs
✅ Mga kontrata at kasunduan
✅ Mana at pagmamay-ari ng lupa
✅ Iba pang legal na usapin

Maaari kayong lumapit upang mabigyan ng libreng legal na konsultasyon at tamang gabay.

Layunin ng programang ito na mailapit ang serbisyong legal sa ating mga magsasaka, mangingisda, at mga benepisyaryo ng repormang agraryo upang mapangalagaan ang kanilang mga karapatan at kapakanan.

Maraming salamat at inaasahan ang inyong pagdalo.

Photos from MAFAR-Datu Abdullah Sangki's post 01/06/2026

🌾🐟 Buwan ng Magsasaka at Mangingisda Mayo 2026 🐟🌾

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Magsasaka at Mangingisda, kinikilala natin ang mahalagang ambag ng ating mga magsasaka at mangingisda sa pagtiyak ng sapat na pagkain at pag-unlad ng ating komunidad.

Sa bayan ng Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur sa pamumuno ni Mayor Hon. Suharto Al Wali Sangki Mangudadatu, ipinapaabot natin ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga magsasaka at mangingisda na patuloy na nagsisikap sa kabila ng mga hamon at krisis. Ang inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon ang nagsisilbing pundasyon ng ating kabuhayan at seguridad sa pagkain.

Ang tema ngayong taon, “Pagbibigay-pugay para sa Magsasaka’t Mangingisda sa gitna ng hamon at krisis,” ay paalala ng ating tungkulin na suportahan at pahalagahan ang kanilang mga sakripisyo at kontribusyon sa lipunan.

Mabuhay ang ating mga magsasaka at mangingisda! Sama-sama nating isulong ang mas matatag, masagana, at maunlad na Datu Abdullah Sangki. 💚🌱🎣

Photos from MAFAR-Datu Abdullah Sangki's post 18/02/2026

On February 16, 2026, the MAFAR-DAS team witnessed the ongoing construction of the Sugadol Matabanga Agriculture Cooperative office, a potential Agrarian Reform Organization (ARBO).
During the visit at Sitio Damalasak, Barangay Sugadol, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur. The team also conducted a comprehensive orientation for the members of the cooperative on the various programs and services under the Agriculture, Agrarian Reform and Fisheries programs . The activity aimed to strengthen the capacity of the cooperative, enhance their understanding of government-supported agricultural and fisheries programs, and promote sustainable community development.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Del Sur?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address

Barangay Talisawa, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao Del Sur
Del Sur
9621

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm