Cho
👑 Singer / Song Writer / Voice Over Artist / Voice Acting / Voice Switching / Traveler
24/03/2025
Ang pagginhawa ng Ating kaluluwa.
AWIT 142:7 (ADB)
Ilabas mo ang aking kaluluwa sa bilangguan, Upang ako’y makapagpasalamat sa iyong pangalan: Kubkubin ako ng matuwid; Sapagka’t ikaw ay gagawang may kagandahang-loob sa akin.
AWIT 41:4 (ADB)
Aking sinabi, Oh Panginoon, maawa ka sa akin: Pagalingin mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y nagkasala laban sa iyo.
JEREMIAS 5:25 (ADB)
Ang inyong mga kasamaan ang nangaghiwalay ng mga bagay na ito, at ang inyong mga kasalanan ang nagsipigil sa inyo ng kabutihan.
- Ang kasalanan ay ang sakit ng kaluluwa at ito rin ang nag aalis satin sa pag gawa ng kabutihan, para guminhawa ang kaluluwa dapat gumaling, dapat ikaw tayo ay mahango sa kasalanan, para mahango tayo sa kabilangguan ng kasalanan dapat tayoy gumagawa ng katwiran. ikaw ay matakot sa Dios at sundin mo ang kanyang mga utos
ECLESIASTES 12:13 (ADB)
Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao.
AWIT 25:12-13 (ADB)
12. Anong tao siya na natatakot sa Panginoon? Siya ang tuturuan niya ng daan na kaniyang pipiliin.
13. Ang kaniyang kaluluwa ay tatahan sa kaginhawahan; At mamanahin ng kaniyang binhi ang lupain.
KAWIKAAN 15:32 (ADB)
Siyang tumatanggi sa saway ay humahamak sa kaniyang sariling kaluluwa: Nguni’t siyang nakikinig sa saway ay nagtatamo ng kaawaan.
KAWIKAAN 19:16 (ADB)
Ang nagiingat ng utos ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa: Nguni’t ang walang babala sa kaniyang mga lakad ay mamamatay.
- Ingatan mo ang utos kung gusto mong guminhawa ang iyong kaluluwa, sundin mo ang kaniyang utos sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao.
SANTIAGO 1:21-22 (ADB)
21. Kaya’t ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang pagapaw ng kasamaan, at tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim, na makapangyarihang makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa.
22. Datapuwa’t maging tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili.
- Sa Pagtalima sa katotohanan ay malilinis ang ating mga kaluluwa
III JUAN 1:2 (ADB)
Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan, na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa.
ECLESIASTES 11:10 (ADB)
Kaya’t ilayo mo ang kapanglawan sa iyong puso, at alisin mo ang kasamaan sa iyong katawan: sapagka’t ang kabataan at ang kasariwaan ng buhay ay walang kabuluhan.
ROMA 6:6 (ADB)
Na nalalaman natin, na ang ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo’y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan;
ROMA 6:12 (ADB)
Huwag ngang maghari ang kasalanan sa inyong katawang may kamatayan, upang kayo’y magsisunod sa kaniyang mga pita:
katawang may kamatayan ( laman)
ROMA 6:13 (ADB)
At huwag din naman ninyong ihandog ang inyong mga sangkap sa kasalanan na pinaka kasangkapan ng kalikuan; kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Dios, na tulad sa nangabuhay sa mga patay, at ang inyong mga sangkap na pinaka kasangkapan ng katuwiran sa Dios.
ROMA 6:16 (ADB)
Hindi baga ninyo nalalaman, na kung kanino ninyo inihahandog ang inyong mga sarili na pinaka alipin upang tumalima ay kayo’y mga alipin niyaong inyong tinatalima; maging ng kasalanan sa ikamamatay, maging ng pagtalima sa ikapagiging matuwid?
ROMA 6:17-19 (ADB)
Datapuwa't salamat sa Dios, na, bagama't kayo'y naging mga alipin ng kasalanan, kayo'y naging mga matalimahin sa puso doon sa uri ng aral na pinagbigyan sa inyo;
At yamang pinalaya kayo sa kasalanan ay naging mga alipin kayo ng katuwiran.
Nagsasalita ako ayon sa kaugalian ng mga tao dahil sa karupukan ng inyong laman: sapagka’t kung paanong inyong inihandog ang inyong mga sangkap ng katawan na pinaka alipin ng karumihan at ng lalo’t lalong kasamaan, gayon din ihandog ninyo ngayon ang inyong mga sangkap na pinaka alipin ng katuwiran sa ikababanal.
ROMA 12:1 (ADB)
Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang paglilingkod espirituwal.
-Ihaharap mo ang katawan ming isang haing buhay / katawang hiwalay na sa kasamaan (bumuti)
II CORINTO 4:16 (ADB)
Kaya nga hindi kami nanghihimagod; bagama't ang aming pagkataong labas ay pahina, nguni't ang aming pagkataong loob ay lumalakas sa araw-araw.
ang katawang labas ay pahina ( laman)
ECLESIASTES 12:1 (ADB)
Alalahanin mo rin naman ang Maylalang sa iyo sa mga kaarawan ng iyong kabataan, bago dumating ang mga masamang araw, at ang mga taon ay lumapit, pagka iyong sasabihin, Wala akong kaluguran sa mga yaon;
ECLESIASTES 12:3 (ADB)
Sa kaarawan na ang mga tagapagingat ng bahay ay manganginginig, at ang mga malakas na lalake ay mapapayukod, at ang mga manggigiling ay mangaglilikat sapagka’t sila’y kaunti, at yaong nagsisidungaw sa mga dungawan ay mangasisilaw,
ECLESIASTES 12:4-5 (ADB)
At ang mga pintuan ay sasarhan sa mga lansangan; pagka ang tunog ng giling ay humina, at ang isa’y babangon sa tinig ng ibon, at lahat ng mga anak na babae ng tugtugin ay mabababa;
Oo, sila’y mangatatakot sa mataas, at ang mga kakilabutan ay mapapasa daan; at ang puno ng almendro ay mamumulaklak; at ang balang ay magiging pasan, at ang pita ay manglulupaypay: sapagka’t ang tao ay pumapanaw sa kaniyang tahanang walang hanggan, at ang mga tagapanangis ay nagsisigala sa mga lansangan:
I TIMOTEO 1:8 (ADB)
Datapuwa’t nalalaman natin na ang kautusan ay mabuti, kung ginagamit ng tao sa matuwid,
- Ang kautusan ay mabuti kung itoy ginagamit ng tao sa matuwid
I TESALONICA 4:4 (ADB)
Na ang bawa’t isa sa inyo’y makaalam na maging mapagpigil sa kaniyang sariling katawan sa pagpapakabanal at kapurihan,
I TESALONICA 5:23 (ADB)
At pakabanalin kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo.
III JUAN 1:2 (ADB)
Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan, na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa.
AWIT 1:1 (ADB)
Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, Ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, Ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak.
AWIT 1:2-3 (ADB)
Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; At sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.
At siya’y magiging parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig, Na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan, Ang kaniyang dahon nama’y hindi malalanta; At anomang kaniyang gawin ay giginhawa.
- Salamat sa Dios sa mga karunungang patuloy na saatiy pinapaunawa.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Website
Address
4103