BNHS-Infanta SSG

BNHS-Infanta SSG

Share

This is the official page of Supreme Student Government (SSG) of Bayambang National High School-Infa

06/07/2023

๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก | ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—˜๐—ฑ, ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ ๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ฑ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐˜€, ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ด๐˜‚๐—ฟ๐—ผ

PASIG CITY, Hulyo 6, 2023 - Bilang suporta sa MATATAG Basic Education Agenda at bilang sub-program sa ilalim ng National Learning Recovery Plan (NLRP) na naglalayon na tugunan ang learning loss, ilulunsad ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang National Learning Camp (NLC) sa End-of-School Year (EOSY) break.

May dalawang layunin na paunlarin ang learning outcomes at suportahan ang mga g**o upang mas gumaling sa pagtuturo, isasagawa ang NLC ng tatlo hanggang limang linggo mula Hulyo 24 hanggang Agosto 25, 2023, kasama rito ang tatlong araw para sa teacher-learner engagement at dalawang araw na nakalaan sa collaborative expertise sa pamamagitan ng Learning Action Cell (LAC) sessions para sa mga g**o.

Ang NLC ay isang boluntaryong programa na sisimulan ang implementasyon sa Grade 7 at 8 na may pokus sa English, Science, at Mathematics.

Maaari ding magsagawa ng iba pang EOSY break activities tulad ng Reading and Mathematics Program para sa Grades 1-3 at enrichment activities sa iba pang grade levels kasama ang phased implementation ng NLC upang suportahan ang learning recovery sa lahat ng grade level.

Ayon sa tiyak na pangangailangan ng mga mag-aaral, maaari silang mag-enroll sa isa sa tatlong mga camps: Enhancement Camp, Consolidation Camp, o Intervention Camp.

Layunin ng NLC na gumawa ng isang camp-like atmosphere sa pamamagitan ng pagsasama ng masaya at nakaeengganyong mga gawain upang mapaunlad ang mga interes, socio-emotional skills, personal growth, at character development ng mga mag-aaral.

Boluntaryo ang partisipasyon ng mga g**o sa NLC. Dahil kinakailangan sa NLC ang serbisyo ng mga g**o na lagpas sa regular school days, nararapat silang bigyan ng vacation service credits, certificate of recognition, at iba pang mga incentive ayon sa magagamit na pondo at itinakdang mga pamantayan.

Malugod na tinatanggap ng DepEd ang suporta ng mga internal at external stakeholders sa pagsig**o ng tagumpay ng National Learning Camp ngayong taon.

Para sa karagdagan pang impormasyon, bisitahin ang http://bit.ly/DO14S2023.

16/06/2023

Happy Anniversary, ka-DepEd! ๐Ÿฅณ

Makisaya sa pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Pagkatatag ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ngayong Hunyo 19-23, 2023.

Sa temang โ€œIsang Pamilya para sa MATATAG na Kagawaran,โ€ tuon ng selebrasyon ngayong taon na maipagdiwang ang pagkakaisa ng buong Kagawaran bilang isang pamilya sa pagtataguyod at pagtupad ng hangarin ng MATATAG Agenda.

Makiisa sa ating selebrasyon sa pagdalo sa Flag-Raising Ceremony at Thanksgiving Mass ngayong Lunes, Hunyo 19.

Abangan ang livestream ng mga programa sa opisyal na page, YouTube channel at website ng DepEd Philippines sa sumusunod na iskedyul:

Flag-Raising Ceremony | 8 AM
Thanksgiving Mass | 10 AM

Gamitin ang ating hashtag na sa inyong mga post sa social media.

11/06/2023

Ipagbunyi at ipagmalaki ang iyong pagka-Pilipino! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Ang buong Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ay kaisa ng sambayanan sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng proklamasyon ng kasarinlan ng Pilipinas.

Sa temang โ€œKalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan,โ€ ating patuloy na pangalagaan ang kalayaan na ipinaglaban ng mga Pilipino mula sa kasaysayan, tungo sa isang mas maunlad at nagkakaisang kinabukasan para sa bawat Pilipino.

Want your school to be the top-listed School/college in Infanta?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address

Infanta
2412