Ang Talas
Tunay sa Pagseserbisyo
03/03/2026
RAFFLE PARA SA KAAYUSAN: Pagpapaganda ng Eskwelahan
Cordon, Isabela, Marso 3, 2026 โ Sa pamamagitan ng RAFFLE PARA SA KAAYUSAN, ang Cordon South Central School Annex ay nagiging sentro ng positibong pagbabago sa komunidad ng Sitio Bimmangon,Quirino,Cordon, Isabela.
Sa ilalim ng pamumuno ni Ginang Rosefedita R. Pastores, punong-g**o, ang paaralan ay nagkaroon ng mga aktibong inisyatibo tulad ng hardin rehabilitation at clean-up drives, na nagiging oportunidad para sa kolektibong aksyon ng mga magulang, g**o, at estudyante na nagtitipon upang maglinis ng bakod, at magrehabilitate ng mga classroom, na nagiging simbolismo ng bayanihan.
Isa sa naging aktibong inisyatibo na pinangunahan ni Ginang Rollie Grace Valdez ay ang RAFFLE FOR A CAUSE na naglalayong magpalakas ng pagkakaisa at pagtutulungan sa pagpapaganda ng eskwelahan, na nagpo-promote ng sustainable improvements para sa mas inspirasyonang kapaligiran ng mga mag-aaral at g**o. Marami ang nakiisa sa nagawang proyekto at nakalikom ng 14,000 pesos na pondo para sa Pagpapaganda ng Eskwelahan.
โ๏ธNMI
31/08/2025
Tuwing buwan ng Agosto, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wikang Pambansa bilang pagkilala at pagpapahalaga sa ating pambansang wikaโang Filipino. Ito ay pagkakataon upang ipakita ang kahalagahan ng ating sariling wika sa pagbubuo ng ating pagkakakilanlan, kultura, at pambansang pagkakaisa.
Kaya't ang mga kaguruan ng Cordon South Central School Annex sa pamumuno ni Ginang Rosefedita R. Pastores at suporta ng ating mga PTA officials na pinangungunahan ni Ginoong Kerwin M. Sabado,mga Barangay Officials sa liderato ni Kapitan Jaime P. Sumbad at mga magulang ay isinagawa ang Buwan ng Wikang Pambansa ngayong ika-29 ng Agosto 2025, na may temang "๐ฃ๐ฎ๐ด๐น๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐๐๐๐๐ฏ๐ผ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ: ๐ ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ" na naglalayong magbigay-diin sa papel ng wika bilang pundasyon ng edukasyon, pagkakaisa, at pagbabago.
Nagpakitang gilas ang mga mag-aaral sa ibaโt ibang aktibidad gaya ng sabayang pag-awit,pagsayaw at patimpalak sa pambansang kasuotan na talaga namang ipinakita ang mga naggagandahang kasuotan ng mga Pilipino.
Ating pakatatandaan na sa pamamagitan ng ating wikang Filipino, naipapahayag natin ang ating saloobin, naipapakita ang pagmamahal sa bayan, at naipagpapatuloy ang ating mayamang pamana at kultura.
โ๏ธN.M.I
09/08/2025
Muling nagpakitang gilas ang mga batang annex sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa" na ginanap sa Cagasat High School noong ika-8 ng Agosto 2025.
Sa pangunguna ng pinuno ng eskwelahan na si Gng. Rosefedita R. Pastores at sa tulong ng mga g**ong tagapagsanay sa pagpapamalas ng kahusayan sa ating paligsahang ginanap.Ang mga kalahok ay nagkamit ng karangalan sa iba't-ibang kategorya ng paligsahan.
5th Place-SANAYSAY
RAINA SHANE B. SUPNET,Grade 4
COACH: CATHYRINE D. VALDEZ
5th Place- POSTER MAKING
PRINCESS RHIAN ABAYA,Grade 5
COACH: ANTHONETTE M. ESPERANZATE
2nd Place-QUIZ SHOW
OLIVER LIQUIRAN,Grade 6
COACH: MARJORIE A. NICOLAS
โ๏ธN.M.I
๐ข๐ข๐ขThe School paper- ANG TALAS of Cordon South Central School Annex spearheaded by Ma'am Novelyn M. Ignacio,SPA Adviser, uphold a standard of respect and professionalism in this platform. Any form of harsh, offensive, or disrespectful comment will not be tolerated and will be subject to removal and automatically blocked in this page. Let us communicate with courtesy at all times.
Thank you!
โ๏ธN.M.I
23/06/2025
Mula sa buong kaguruan ng Cordon South Central School Annex,isang mainit at taos-pusong pagbati ng maligayang pagdating Ma'am Antonette!
Lubos na nagagalak sa iyong opisyal na pagdating sa ating paaralan. Ang iyong karanasan, kaalaman, at dedikasyon ay tiyak na magiging mahalagang ambag sa patuloy na paghubog ng mga isipan at pagkatao ng ating mga mag-aaral.
Nawa'y matagpuan mo sa ating paaralan hindi lamang isang lugar ng propesyonal na paglago, kundi isang tahanang puno ng pagkakaisa, respeto, at tunay na malasakit sa kapwa.
Muli, malugod ka namin na tinatanggap bilang kapwa g**o, at kami ay nasasabik na makatrabaho ka sa pagtupad ng ating layuning pang-edukasyon.
WELCOME TO CSCSAnnex
Ma'am Antonette M. Esperanzate
โ๏ธN.M.I
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Isabela
3312