502nd Infantry - Liberator Brigade

502nd Infantry - Liberator Brigade

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from 502nd Infantry - Liberator Brigade, Government Organization, Brgy. Soyung, Echague, Isabela.

12/04/2026

ANG INYONG KAWAL feat. 502nd Infantry Liberator Brigade: Kaagapay sa Kapayapaan | 11 April 2026

PANOORIN || Halinat kilalanin ang 502nd Infantry ‘Liberator’ Brigade sa kanilang taos-pusong pagbibigay serbisyo, katuwang ang iba't ibang ahensya ng kanilang rehiyon at ang pakikiisa ng kanilang komunidad, upang makamtan ang kanilang inaasam na kapayapaan at kaunlaran.

Lahat ng yan sa Ang Inyong Kawal Sabado alas otso ng gabi sa UNTV your public service channel.

Photos from 502nd Infantry - Liberator Brigade's post 12/04/2026

“Serbisyo Caravan matagumpay na naihatid sa mga dating Rebelde”

Echague, Isabela — Matagumpay na nagsagawa ang 502nd Infantry (LIBERATOR) Brigade, sa pamumuno ni BGEN RHODERICK L PARALLAG PA katuwang ang Task Force Balik-Loob (TFBL) at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, ng isang one-stop Serbisyo Caravan noong Abril 10, 2026 sa Sitio Kasisiitan, Brgy. Minanga. Layunin ng aktibidad na maghatid ng mahahalagang serbisyong panlipunan, medikal, at pangkabuhayan sa 166 dating rebelde na tinutukoy bilang Former rebels (FRs) at 56 nilang kapamilya, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan sa pagsusulong ng kapayapaan, pagbangon, at reintegrasyon. Pinangunahan ang aktibidad ni Undersecretary for Defense Affairs at TFBL Chairperson, MGEN ANGELITO M. DE LEON (RET) AFP.

Nagkaloob ang mga ahensya ng komprehensibong tulong kabilang ang suportang pang-agrikultura na 2,000 punla ng puno mula sa DENR Region II at 350 pakete ng binhi handog ng Department of Agriculture, serbisyong pangkalusugan (medikal, dental, laboratoryo, at tuli) isinagawa ng mga Doktor galing 5ID Station Hospital at Rural Heath Unit – San Mariano, Isabela, at tulong pinansyal kaloob ng DSWD kung saan 60 benepisyaryo ang tumanggap ng tig-Php 5,000. Naitawid din ang mahahalagang serbisyo ng pamahalaan gaya ng pag-isyu ng 231 PhilHealth ID, 45 National ID galing sa PSA, at pagproseso ng mga dokumentong sibil. Bukod dito, nakatanggap din ang mga benepisyaryo ng gamot, food packs, damit, tsinelas mula sa NICA 2 at iba pang pangunahing pangangailangan mula sa mga katuwang na ahensya at lokal na pamahalaan ng San Mariano.

Sa kanyang mensahe, pinuri ni Usec. De Leon ang mga FRs sa kanilang pagpili sa landas ng kapayapaan at binigyang-diin ang kanilang mahalagang papel sa pagbuo ng bansa at komunidad sa pagtataguyod ng pangmatagalang kapayapaan at matagumpay na reintegrasyon ng mga Former Rebel (FR) tungo sa isang ligtas at maunlad na lipunan.
“Ang kapayapaan ay hindi lamang nakakamit sa pagtatapos ng labanan, kundi sa pagpapanumbalik ng buhay, muling pagbubuo ng tiwala, at pagtitiyak na ang bawat isa ay may kinabukasang karapat-dapat ipagtanggol.”

Sa pagtatapos, patuloy ang panawagan ng kasundaluhan sa mga natitira pang mga armado na bukas ng pintuan ng 502IBde upang sila ay tulungan at makapagbagong buhay katuwang ang kanilang pamilya.







Jaylord ManaligodDecrisy B Telan95IB Salaknib, 5ID, PA86th Infantry "Highlander" Battalion, 5ID, PA5th Infantry "Star" Division, Philippine ArmyNorthern Luzon Command, AFP

11/04/2026

Serbisyo Caravan at Sitio Kasisiitan, Barangay Minanga, San Mariano, Isabela

04/04/2026

Saturday MASS

Want your organization to be the top-listed Government Service in Isabela?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Culinary Team

Attire

Telephone

Website

Address

Brgy. Soyung, Echague
Isabela