Dong Padilla
Matapat na serbisyo, hindi posisyong pangnegosyo—ito ang aking pangako bilang Gobernador.
31/05/2026
Kasabay po ng ating pagbisita sa Camarines Norte Provincial Hospital, namahagi rin po ng simpleng pananghalian ang aking anak na si Anica sa ilan sa ating mga kababayang nasa pagamutan.
Personal po silang nagtungo sa mga ospital sa Jose Panganiban, Capalonga, at Sta. Elena upang makadaupang-palad at makipagkamustahan sa ating mga kababayan. Ang mga ngiti na inyo pong ipinakita at mga ipinarating na pasasalamat ay nagsisilbing paalala na ang simpleng kabutihan po ay may kakayahang magbigay ng lakas sa iba.
Dalangin po namin ang patuloy ninyong paggaling at ang paggabay ng Panginoon sa ating lahat.
Click here to claim your Sponsored Listing.