PCADG Calabarzon - New Account
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PCADG Calabarzon - New Account, Government Official, Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna., .
10/12/2025
PNP-FDA JOINT RAID, BUMUWAG SA ILEGAL NA COOKING OIL OPERATION SA MINDORO
Nakasamsam ang Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng pamumuno ni Acting Chief PNP PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr. ng mahigit P1.8 milyon halaga ng umano’y ilegal na cooking oil sa isinagawang operasyon noong Disyembre 4, 2025 sa Barangay Sta. Rita, Pinamalayan, Oriental Mindoro.
Isinagawa ang pinagsanib na operasyon ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Oriental Mindoro Provincial Field Unit, Food and Drug Administration (FDA) Regional Office 4B, at Pinamalayan Municipal Police Station, alinsunod sa PNP Focused Agenda para paigtingin ang law enforcement operations at tiyakin ang kaligtasan ng publiko.
Arestado ang isang lalaking suspek na kinilalang si “Mike,” empleyado ng isang pribadong korporasyon, dahil sa umano’y pagbebenta at pakikipagkalakalan ng cooking oil na walang rehistro sa FDA—isang paglabag sa Food and Drug Administration Act of 2009.
Nasamsam mula sa lugar ang 43 pakete na naglalaman ng 2,615 bote ng unregistered cooking oil na tinatayang nagkakahalaga ng P1,842,478.07.
Ipinagbabawal ng Food and Drug Administration Act of 2009 ang paggawa, pag-angkat, pagbebenta, o pamamahagi ng anumang health at food product nang walang kaukulang permit mula sa FDA, dahil maaaring magdulot ng panganib ang mga produktong hindi dumaan sa wastong pagsusuri.
Pinuri ni Acting Chief PNP PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang mga yunit na nagsagawa ng operasyon at binigyang-diin ang matibay na paninindigan ng PNP para sa proteksyon ng mamimili:
“Hindi lang kriminalidad ang tinututukan ng PNP, kasama rito ang mga illegal activities that endanger public health. This operation is a clear example of our commitment to protect Filipino consumers.”
Binigyang-diin pa niya na ang tagumpay ng operasyon ay kaakibat ng prinsipyo ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.
“Ito ang uri ng serbisyong hinihingi ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. — a police service that is proactive, responsive, and people-centered. Asahan ninyong mas paiigtingin pa ng PNP ang ganitong operasyon,” dagdag pa ng Acting Chief PNP PLTGEN Nartatez.
Muling nananawagan ang PNP sa publiko na maging mapagmatyag at agad na i-report sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad na may kinalaman sa pamemeko o iligal na bentahan ng consumer products.