Light To My Path

Light To My Path

Share

I share content that's inspired by the wisdom of the Bible. Together, let's spread hope and encouragement through the power of God's word!

22/05/2026
25/04/2026

My God Hears Me
2 Samuel 22:7

“In my distress I called to the Lord; I called out to my God. From His temple He heard my voice; my cry came to His ears.”

Sa verse na ito, makikita natin ang response ni David sa gitna ng distress—tumawag siya sa Panginoon. Maraming pinagdaanan si David sa buhay: mga kaaway, pagtataksil, at mga sitwasyong nagbabanta sa kanyang buhay. Pero imbes na umasa sa sariling lakas o matakot at tumakas, lumapit siya sa Diyos sa panalangin. Ang una niyang reaction ay hindi panic, kundi dependence sa Panginoon. Ipinapakita nito ang pusong tunay na nagtitiwala sa Diyos sa bawat sitwasyon.

Pinapaalala rin nito na ang Diyos ay hindi malayo o walang pakialam sa ating pinagdadaanan. Malinaw na sinasabi na “narinig” (He heard) ng Diyos ang kanyang tinig at ang kanyang daing ay umabot sa Kanyang pandinig. Ibig sabihin, bawat panalangin, bawat iyak, at bawat dinadala natin sa Diyos ay napapansin Niya. Minsan pakiramdam natin tahimik ang Diyos o malayo Siya, lalo na sa panahon ng hirap, pero pinapatunayan ng passage na ito na nakikinig Siya. Attentive ang Diyos sa panalangin ng Kanyang mga anak.

Ipinapakita rin na ang distress ay nagre-reveal kung saan talaga nakalagay ang tiwala natin. Kapag may problema, saan tayo tumatakbo? Marami ang umaasa sa sariling paraan, sa ibang tao, o sa distractions para takasan ang problema. Pero itinuturo ni David na ang tamang response ay tumawag sa Diyos.

Ipinapakita rin ng verse ang personal na relasyon ni David sa Diyos. Sinabi niya, “my God,” na nagpapakita ng closeness at confidence. Hindi nagduda si David kung maririnig siya ng Diyos; sigurado siya dahil sa relasyon niya sa Kanya. Bilang believers, inaanyayahan din tayo na magkaroon ng ganitong confidence—na ang Diyos ay nagmamalasakit at nakikinig kapag tayo ay tumatawag.

Bilang mga tagasunod ng Diyos, kailangan nating matutong umasa sa Kanya lalo na sa panahon ng problema. Sa halip na ma-overwhelm sa distress, hayaan natin itong maglapit sa atin sa Diyos. Kapag tayo ay tumawag sa Kanya, makakatiyak tayo na naririnig Niya tayo at kikilos Siya ayon sa Kanyang perpektong kalooban.

Let’s Pray

Panginoon, sa gitna ng aming mga pinagdadaanan, tulungan Mo kaming laging lumapit sa Iyo. Kapag kami ay natatakot o nanghihina, ipaalala Mo sa amin na naririnig Mo ang bawat daing namin. Bigyan Mo kami ng pusong nagtitiwala at hindi madaling madala ng takot. Turuan Mo kaming umasa sa Iyo sa lahat ng oras. In Jesus name we pray, Amen!

15/04/2026

When You Could, But You Shouldn’t
Text: 1 Samuel 26:13–16 (read the passage)

Tumayo si David sa malayo matapos niyang iligtas muli ang buhay ni Saul sa pangalawang pagkakataon. Habang natutulog si Saul at ang kanyang mga tauhan, may perfect opportunity si David na patayin ang hari na matagal nang humahabol sa kanya. Pero pinili niya ang magpakita ng awa at pagpipigil. Kinuha lang niya ang spear at water jug ni Saul, pagkatapos pumunta siya sa ligtas na lugar at tinawag si Abner, at kinompronta ito dahil sa kabiguang bantayan ang hari.

Ipinapakita ng actions ni David ang pusong nagbibigay-honor sa Diyos higit sa personal revenge. Hindi niya inilagay ang sitwasyon sa sarili niyang kamay, kahit nasa harapan na niya ang pagkakataon. Sa pananaw ng tao, madaling i-justify ang pagpatay kay Saul. Pero naintindihan ni David na si Saul pa din ay “the Lord’s anointed,” at nagtiwala siya na ang Diyos ang kikilos sa tamang panahon tungkol sa kanyang kamalian.

Ang desisyon ni David ay nagpapakita ng tunay na lakas, hindi kahinaan. Ang hindi niya pananakit kay Saul ay hindi dahil hindi niya kaya, kundi dahil ayaw niyang magkasala laban sa Diyos.

Para sa atin ngayon, hamon ito kung paano tayo tutugon kapag nasasaktan o inaapi. Kapag may taong nakakasakit sa atin, natural na gusto nating gumanti o maghanap ng sariling justice. Pero tulad ni David, tinatawag tayong magtiwala sa Diyos, mamuhay nang may integrity, at ipaubaya sa Kanya ang paghahatol (Deuteronomy 32:35, Romans 12:19, Hebrews 10:30).

Pwede sanang tapusin ni David ang problema niya sa isang iglap, pero pinili niyang i-honor ang Diyos. Nawa magkaroon tayo ng ganitong klaseng puso—isang pusong sumusunod, nagtitiwala, at gumagawa ng tama, kahit may pagkakataon tayong gawin ang kabaligtaran.

10/04/2026

Obedience is Better than Sacrifice
1 Samuel 15:22

22 Pero sumagot si Samuel, “Mas nalulugod ba ang Panginoon sa mga handog ninyo kaysa sa pagsunod sa kanya? Ang pagsunod sa Panginoon ay mas mabuti kaysa sa mga handog. Ang pakikinig sa kanya ay mas mabuti kaysa sa paghahandog ng mga taba ng tupa.

Sa passage na ito, muling nag-fail si King Saul sa Panginoon. Inutusan siya ng Diyos na lubusang lipulin ang mga Amalekites, pero pinili niyang iligtas si King Agag at itira ang pinakamagagandang hayop. Nang siya ay kinompronta, jinustify ni Saul ang kanyang ginawa sa pagsasabing para raw ito sa sacrifice sa Panginoon. Sa panlabas, mukhang spiritual—pero sa totoo, disobedience ito.

Malinaw at diretso ang sagot ni Samuel: mas mahalaga sa Diyos ang obedience kaysa sacrifice. Walang religious act, offering, o service ang pwedeng pumalit sa simple at buong pagsunod sa Salita ng Diyos. Akala ni Saul pwede niyang i-compensate ang kanyang disobedience sa pamamagitan ng sacrifice, pero nireject ito ng Diyos dahil mali ang puso niya.

Ipinapakita nito ang isang danger na present pa rin hanggang ngayon. Posible na maging active sa ministry, nagbibigay ng offerings, at gumagawa ng religious duties, pero namumuhay pa rin sa disobedience. Minsan, tinatakpan ng tao ang maling choices sa pamamagitan ng paggawa ng “good” para sa Diyos. Pero hindi naloloko ang Diyos. Hindi lang Siya tumitingin sa actions—tinitingnan Niya ang puso.

Ang obedience ang nagpapakita ng tunay na pag-ibig at submission sa Diyos. Kailangan nito ng humility, dahil isinasantabi natin ang sariling plano para sundin ang kalooban Niya nang buo. Ang sacrifice naman minsan mas madali—pwedeng gawin sa panlabas nang hindi binabago ang puso. Kaya nga binibigyang-diin ng Diyos ang obedience higit sa lahat.

Hinahamon tayo ng verse na ito na suriin ang ating buhay. Sumusunod ba tayo sa Diyos nang buo, o gumagawa tayo ng excuses tulad ni Saul? Pinapalitan ba natin ang obedience ng activity? Hindi naghahanap ang Diyos ng impressive works—hinahanap Niya ay mga pusong tapat na nakikinig at sumusunod.

Nawa hindi natin ulitin ang pagkakamali ni Saul, kundi piliin nating makinig, magpasakop, at sumunod sa Panginoon nang buo.

17/03/2026

Choose Life

Text: Deuteronomy 30:19–20 (NKJV)

19 I call heaven and earth as witnesses today against you, that I have set before you life and death, blessing and cursing; therefore choose life, that both you and your descendants may live; 20 that you may love the Lord your God, that you may obey His voice, and that you may cling to Him, for He is your life and the length of your days.

In this passage, Moses gave a powerful and final appeal to the people of Israel. After laying out God’s commands, blessings, and warnings, he presented them with a clear choice—life or death, blessing or curse. This was not just a general statement but a serious call to decision. Their future would depend on how they responded to God.
The command “choose life” shows that following God is not automatic. It requires a deliberate and personal decision. God, in His grace, laid out the right path, but the people had to choose whether they would walk in it. Life is found in loving God, obeying His voice, and remaining faithful to Him.
This passage reminds us that our choices have real consequences. Obedience leads to blessing and life, while disobedience leads to destruction. Sometimes people think their decisions are small or insignificant, but over time, these choices shape the direction of their lives.

Choosing life also means choosing a relationship with God. Moses connected life with loving the Lord, listening to His voice, and holding fast to Him. It is not merely about following rules but about a committed relationship with God that is expressed through obedience.

The mention of future generations also shows that our decisions affect others. The choices we make today can influence our family, our children, and those around us. A life that follows God becomes a testimony that leads others toward Him.

In the New Testament, this call to choose life finds its fulfillment in Jesus Christ. He is the source of true life, and through Him we receive eternal life. To choose life today means to trust in Christ, follow Him, and remain faithful to His Word.

This passage challenges us to examine our daily decisions. Are we choosing what honors God, or are we drifting toward compromise? Choosing life is a daily commitment to love, obey, and cling to the Lord.

God has clearly shown the way. May we respond with faith and obedience, choosing life so that we may truly live in His presence and blessing.

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Las Piñas?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address

Galaxy Street Mapayapa Village Pulang Lupa Uno Las Pinas City
Las Piñas
1742