All things VA
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from All things VA, Las Piñas.
11/01/2025
2025 na! Kung paulit-ulit mo nang sinasabi sa sarili mo na gusto mong maging Virtual Assistant, ito na talaga ang taon mo. 💪 Hindi mo kailangang maging expert agad—lahat tayo nagsisimula sa zero. Alam mo ba yung pinaka importanteng steps para sa journey na 'to?
Magsimula ka.
Simulan mo na!
Pero paano nga ba magsimula?
1️⃣ Know your Niche- Alamin kung ano ang kaya mong gawin.
- Saan ka ba magaling? Mahilig ka bang mag-organize ng schedules? Creative ka or marunong kang gumawa ng mga graphics? Mag-edit ng videos? O baka mabilis kang mag-type at okay ka sa data entry? Napakarami pang ibang skills isipin mo kung san ka nag eexcel.
- Wag kang kabahan kung feeling mo wala kang alam. Maraming skills na natututunan habang ginagawa mo na! Pero ang mahalaga, mag-focus ka muna sa isang bagay na kaya mong i-offer sa clients.
2️⃣ Mag-invest sa basic tools.
- Huwag ka munang ma-pressure bumili ng mamahaling equipment. Ang kailangan mo lang sa simula ay isang maayos na computer o laptop, stable na internet, at tools tulad ng Google Drive, Gmail, at Zoom.
- Bonus kung may headphones o tahimik na lugar ka sa bahay. Pero tandaan: skills ang benta mo, hindi gadgets! Maraming successful VA ang nagsimula na lumang laptop o computer lang ang ginamit hindi mo kailangan ng magarbong setup para magsimula.
3️⃣ Maghanap ng free resources online.
- Hindi mo kailangang gumastos agad para matuto. Ang daming tutorials sa YouTube, Facebook groups, at TikTok na may step-by-step guides para sa mga aspiring VA.
- Hanapin ang mga topics tulad ng “Basic Admin Tasks,” “How to Use Canva,” o “Tips for New Freelancers.”
- Extra tip: Sumali sa mga VA communities para ma-inspire ka sa journey ng iba at magtanong kung nalilito ka.
4️⃣ Gawa ka ng simple portfolio.
- Hindi kailangang bongga agad. Kahit sample work lang na galing sa practice mo, pwede na. Halimbawa:
- Gumawa ng sample calendar or email template.
- Mag-design ng social media post sa Canva.
-Gumawa ng mga sample Logo
- Mag-layout ng sample data entry file sa Excel.
- Ang mahalaga, may maipakita ka sa potential clients na “eto yung kaya kong gawin.”
5️⃣ Mag-apply, mag-apply, mag-apply!
- Huwag kang matakot ma-reject. Lahat tayo dadaan diyan. Ang mahalaga, patuloy kang magtry!
- Maghanap sa freelancing platforms tulad ng Upwork, OnlineJobs.ph, o Fiverr.
- Pwede rin mag-reach out sa mga kakilala o mag-post sa social media mo para malaman nilang nag-aalok ka na ng VA services.
BONUS TIP:
Alagaan mo ang mindset mo. Hindi madali ang simula, pero lagi mong tandaan: Every expert was once a beginner. Wag mong ikumpara ang sarili mo sa iba. Focus ka lang sa progress mo!
💬 Anong biggest challenge mo sa pag-start bilang VA? Kwento mo sa comments—baka makatulong ako sa susunod na post ko!
😊
Follow this page for more VA tips. Mwah 💋
Click here to claim your Sponsored Listing.