Emoterang BABOY

Emoterang BABOY

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Emoterang BABOY, Poet, Sto Domingo Albay, Legazpi.

28/11/2022

📕📒📗

RIGHT DECISION

May mga pagkakataon talagang nakapikit naman ang iyong mata ngunit naglalakbay pa rin ang isipan mo sa kung saan..
Animo'y naghahanap ng kasagutan sa gitna ng kawalan..
At sa tagal ng paghahagilap ay hindi pa rin matagpuan..
Mga tanong sa sariling hindi mapunan..
Mga alaalang sa gabi bumibisita nang biglaan..
Mga pangarap na hindi pa rin makamtan..
Ang lahat ay parang walang katiyakan..
Bigla ka na lang talaga magigising nang madaling araw..
Mag-iisip ng kung anu-ano..
Magtatanong kung anong kulang sa'yo..
Pagkatapos, palihim na iiyak sa gitna ng dilim at katahimikan..
Madalas, hindi ka naman talaga nakakatulog nang maayos..
Sadyang nasanay ka na lang sa kung paano ito mairaraos, nang hindi nagsasabi—nang hindi nagbabahagi..

Alam mo ba, that experts say that talking to someone can provide stress relief, and can lighten the load of a concern someone might be having? (narinig ko lang po yan)

Many people longs for conversation and people to talk to..
Ako, personally, I like deep conversations..
Kaya nga isa sa mga payo pag nalulungkot ka or nadedepress ka or inaatake ng anxiety ay makipag-usap..
Sabi, surround yourself with people you want to talk to and will listen to you..

Pero alam mo ba na sa Bible, one of the greatest promise of the Lord is, when we call unto him, HE WILL ANSWER..

Di katulad ng irog mo na hanggang 'Seen' lang ang kayang i-offer..

God said he will answer you..
Ibig sabihin nito, nakikinig din siya sayo, gusto din niya makipag-usap sayo..
So, wag mong limitahan ang sarili mo sa paglapit sa Lord..

Wag ka din papadaya sa sinasabi ng mundo na God only listens to the godly at palasimba..
Naku, hindi yun totoo..

Come as you are co'z he loves you as you are and he is willing to isten to you..
Call upon Him..
Yun talaga ang tamang desisyon..

Pag nai-chat mo ako, ang tawag dun Tamang Desisyon😁..

🐷Margie11

27/09/2022

📕📒📗

TAMANG TAO

Makatatagpo ka rin..
- nang taong pagod na rin sa mga laro at pansamantalang pahinga ng puso..
- nang taong umay na sa mga birong sineryoso at seryosong ginawang biro..
- nang taong sabik din sa kapanatagan, sa hindi lamang pangmatagalan kundi panghabangbuhay..
- nang taong sabik sa presensiya mo at aligaga sa pag-aalala sayo..
- nang taong katulad mo’y handang magbigay nang buo at hindi ipaparamdam sa’yo na ang kulang ay sapat na rin..
- nang taong totoo sa mga panunumpa at tutupad sa mga pangako dahil alam ang pakiramdam ng mabigo..
- nang taong hindi nagpapaalam dahil hindi aalis at hindi lumilisan dahil alam ang pakiramdam ng maiwan..
- nang taong marunong umamin sa mga pagkakamali at bumabawi sa mga pagkukulang..
- nang taong hindi ka paghihintayin bagkus ay handang maghintay..
- nang taong buo ang loob at hindi ka isusuko sa laban sa pagitan mo at ng opinyon ng mundo..
- nang taong hindi ka mamahalin lamang dahil wala ng iba o dahil takot lang siyang mag-isa..
- nang taong handa kang samahan sa ligaya at lumbay at handa hawakan ang yung mga kamay saan man kayo dalhin ng mga alon at ulap..
- nang taong magpaparamdam sa iyo na sa pag-ibig ay hindi palaging talo..

Don't beg for love, if you have Jesus, you are already full of it..
GOD is the main source of every good thing..
Good ang love..
God is love..

Isipin mo na lang na hindi ka mapupuno ng pag-ibig kung hindi ito galing sa Main Source..
You may look and look and look for love, you can even beg people for it but in the end, God is the only one who can fill you up with love..

Hindi natin masasabi kung Saan, Kailan, at Paano pero sigurado ako, matatagpuan ka rin ng tamang tao 😀

🐷Margie11

Photos from Emoterang BABOY's post 27/09/2022

📕📒📗

IBA'T IBANG URI NG Prends natin😁

Saen daw jan su mga tropapits ko??

🐷Margie11

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Legazpi?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address

Sto Domingo Albay
Legazpi