Reason to SMILE
Little crazy moment in life.
Ang politikong laging pangpamudmud ang ginagawa sa tao, incompetent at corrupt yan.
May reklamo ka pa?umuulan na! 🤣🤣🤣
TIGMAK NG DALITA
by: Tamvuli
Sabik na sabik ang palaka sa pagpatak n'yaring luha
Umaasang mababasa yaring tigang niyang sapa;
Umaasa na aagos,mabubuhay at babaha
Dito sa kanyang kaharian na tigmak na ng dalita.
Luhang kahit sa pighati lamang ito makukuha,
Tanggap na n'yang hindi ulan,na babagsak sa may sapa,
Basta kahit maghapon lang,tiyan ay lumipas ang kalam,
Dahil konting pang-unawa,nagbabadya na ring maparam
Kelan ulan ka dadatal,nang mapawi na ang uhaw,
Nang ang pusod na may anay,anurin na itong bahay
Nang ang galit sa puso ko ay tuluyang ng mahugasan,
At nang muling manumbalik ang awit ng kalikasan.
Ngunit kahit anong sigaw,ubod-todo na panggahaw
Malat na ang lalamunan,tiis kahit hindi nag-almusal
Sanay naman lamang siya,kahit na nga puro sabaw
Sa mundo n'yang nagdarahup,pinamamahayan pa ng anay.
Kelan araw ka dadatal,kahit lukob na sa kanluran
Laan ako na maghintay sa pagsapit ng madaling-araw
Dahil ako'y nananabik makita ang pitong kulay
Na tila ba pinapatid yaring kanyang sobrang uhaw
Dito sa aking abang sapa,kung sakali't magkabuhay.
101819
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
4301