Rudeus Ignite

Rudeus Ignite

Share

Rudeus

25/05/2023

π— π—šπ—” π—£π—¨π—Ÿπ—œπ—¦ π— π—”π—šπ—¦π—”π—¦π—”π—‘π—”π—¬ 𝗦𝗔 π—£π—”π—š-π—œπ—œπ— π—•π—œπ—¦π—§π—œπ—šπ—”

Apatnaput siyam (49) na mga pulis at isang Non-uniformed Personnel (NUP) mula sa iba’t ibang himpilan ng Quezon PPO ay sasailalim sa tatlumpo’t limang araw na Criminal Investigation Course (CIC).

Sa opening program na ginanap sa Quezon PPO Conference Room sa Camp BGen Guillermo P Nakar Lucena City noong ika- 22 ng Mayo taong kasalukuyan ay pormal nang sinimulan na sanayin ang mga kalahok ng nasabing Investigation Course.

Ang nasabing programa ay dinaluhan ng Provincial Director ng Quezon PPO na si PCOL LEDON D MONTE bilang panauhing pandangal at tagapagsalita.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni PCOL MONTE ang kahalahagahan ng pag-iimbestiga sa pagpapatupad ng batas. Kanya ring hinimok ang mga kalahok na maging aktibo sa nasabing pagsasanay sapagkat inaasahan na sila ay magiging katulungan upang mas mapaunlad pa ang crime solution efficiency sa lalawigan.

”Nararapat lamang na malaman ng bawat isa ang halaga ng tamang pag- iimbestiga at pagresolba ng isang kaso… [Kaya naman] ang Quezon Police Provincial Office ay patuloy na nasusulong ng mga programa at pagsasanay kagaya ng Criminal Investigation Course (CIC) upang mas malinang ng ating mga imbestigador ang kanilang mga kakayahan,” ayon kay PCOL Monte.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Lucena?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address

Lucena