Che-Che 2.0
LIFE IS NOT A PROBLEM TO BE SOLVED, BUT A REALITY TO BE EXPERIENCED. Proud Ilocana-Kapampangan✨🇵🇭🇹🇼 Hongkong
Dati nagtatanong siya.
Dati nakikipag-away pa.
Dati nagrereact sa mga ginagawa mo.
Ngayon?
“Okay lang.”
“Bahala ka.”
“Wala akong pakialam.”
Hindi na siya nag-iimbestiga.
Hindi na nagtatanong.
Hindi na rin nagagalit.
At eto ang totoo —
ang tahimik na babae hindi ibig sabihin okay siya.
Minsan ibig sabihin, pagod na siya.
Pagod na ipaglaban.
Pagod na magpaliwanag.
Pagod na umasa na maririnig mo siya.
Pagod na umasa na magbabago ka pa.
Napansin mo ba?
Kapag ang babae maingay, gusto pa niyang manatili.
Kapag nakikipagtalo, may care pa ‘yan sa’yo.
Pero kapag tumigil na siya…
tinanggap na niya.
At ang acceptance ng babae
mas delikado kaysa galit.
Kaya huwag mong i-celebrate ang katahimikan niya.
Tanungin mo ang sarili mo —
ano ang unti-unti mong pinatay sa kanya
para maging ganyan siya?
Kung mahal mo pa siya,
huwag mong hintayin na ang susunod na katahimikan
ay wala na siya.
Tandaan mo:
ang babaeng tahimik,
madalas tapos na.
At kapag ang babae umayaw nang tahimik, madalas…
hindi na ‘yan babalik.
ctto:
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Macabebe