JsslAwra Writes
ข้อมูลการติดต่อ, แผนที่และเส้นทาง,แบบฟอร์มการติดต่อ,เวลาเปิดและปิด, การบริการ,การให้คะแนนความพอใจในการบริการ,รูปภาพทั้งหมด,วิดีโอทั้งหมดและข่าวสารจาก JsslAwra Writes, Writer, Bangkok.
23/11/2025
🌈✊🏻✨
𝗭𝗶𝗻𝗲 𝗦𝗽𝗼𝘁𝗹𝗶𝗴𝗵𝘁
𝘈𝘉𝘈𝘒𝘈-𝘋𝘈𝘞Á𝘕𝘐
by JsslAwra
Dalawampung (20) Pangunahing Hakbang sa Pagbasa ng mga Kuwentong LGBTQIA+
Lumaki akong dala ang lumang ABAKADA.
Pero habang lumalawak ang mundo ko, napansin kong may mga salitang hindi tinuro ro’n.
Walang “pag-ibig” sa pagitan ng magkaparehong kasarian.
Walang “tinig” para sa mga pusong takot ipagtanggol ang sarili.
Walang “ako” na katulad ng ako.
Doon ko naisip na marahil, panahon na para gumawa ng bagong ABAKADA.
Isa na hindi lang nagtataglay ng mga titik—kundi mga tinig.
Hindi lang mga salitang binabasa—kundi mga kuwentong nararamdaman.
Kaya isinilang ang ABAKA-DAWÁNI.
Ang Dawáni ay nakuha ko sa salitang Bikol na nangangahulugang bahaghari, dahil ang bahaghari ang paalala na may ganda sa pagkakaiba.
Na matapos ang unos, may liwanag.
Na matapos kang itago, may pagkakataong lumantad.
Kung ang unang ABAKADA ang nagturo sa atin kung paano bumasa,
nawa’y itong ABAKA-DAWÁNI naman ang magturo sa inyo kung paano makinig.
Makinig sa mga pusong matagal nang pinatatahimik,
sa mga kwentong ayaw ipalimbag,
sa mga pangalan na kailangang isulat muli—ng buong buo, ng walang takot.
Para ito sa mga batang natutong magbasa gamit ang luha,
sa mga palad na minsang namula sa patpat ng pagtuturo,
at sa mga pusong natutong magmahal kahit walang pahintulot.
Sapagkat sa bawat titik ay may tinig,
sa bawat tinig ay may laban,
at sa bawat laban—may bahagharing patuloy na bumubuo ng bagong wika ng pag-ibig.
25/10/2025
TRECE 13 by JsslAwra — Pre-Order Form (Limited Slots!) ₱364.65
MabuHEY! I'm JsslAwra!
Secure your copy of TRECE 13 at 45% OFF!
PRE-ORDER PRICE: ₱364.65
Discount amount: 0.45 × 663 = ₱298.35
Regular price after pre-order: ₱663 (exclusive of shipping fee)
IMPORTANT DATES:
Pre-order Period: October 25-31
Deadline of payments for those who chose to pay the reservation fee, kindly settle your balance on or before November 10, 2025.
Book Inclusions:
📖 1 button pin
📮 1 pdf file of my "AbakaDawani: Pangunahing Pagbasa sa mga Kuwentong LGBTQIA+
Reservation Fee: ₱100 (non-refundable, deductible sa total)
OR full payment upon ordering.
Mode of Payment: GCash only
Once paid, check your Order Confirmation & Payment Details Email for instructions.
NOTE: Shipping fee is shouldered by the buyer. We are not liable for any delays, loss, or damage during shipping.
https://forms.gle/k64cv8Vvob6arW99A
https://forms.gle/k64cv8Vvob6arW99A
https://forms.gle/k64cv8Vvob6arW99A
คลิกที่นี่เพื่อเป็นสมาชิก?