Random Finds

Random Finds

Share

Do you believe anything online is just random?

03/03/2026

“BRAWNER: UUMPISAHAN NA ANG PAGSASANAY PARA TUMAGAL NG 30 ARAW SA DIGMAAN”

Ibinahagi ni Romeo Brawner Jr., Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na sisimulan na ang pagsasanay ng mga kasundaluhan upang kayaning tumagal sa pakikipagdigma nang hindi bababa sa 20 hanggang 30 araw.

Ayon kay Brawner, ito ay alinsunod sa direktiba ni Ferdinand Marcos Jr.. Layunin umano ng pagsasanay na matiyak na mapapanatili at mapo-protektahan ng bansa ang sarili nitong pwersa habang naghihintay ng posibleng tulong mula sa mga kaalyadong bansa.

“Ang utos ng ating Pangulo, si President Ferdinand Marcos Jr., is that we should be able to fight and preserve our forces for at least 20 hanggang 30 days. Siyempre, tayo muna ang makikipag-gyera, and then we are expecting also reinforcements or help from our ally, and this is under the Mutual Defense Treaty,” pahayag ni Brawner.

Ang tinutukoy na tulong ay nakapaloob sa Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, na nagsasaad ng pagtutulungan sakaling magkaroon ng external armed attack.

Ang pahayag ay unang ibinahagi noong Nobyembre 2025, sa gitna ng patuloy na diskusyon tungkol sa kahandaan ng bansa sa usapin ng pambansang seguridad.

23/02/2026

Part 5: Japanese Village transformation

23/02/2026

Part 2: Japanese Village transformation

Want your business to be the top-listed Advertising & Marketing Company in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


Manila