Catholic Defender

Catholic Defender

Share

Pro Deo Et Ecclesia!

28/04/2026

Ligtas Ka Na Ba?

(May “Once Saved, Always Saved” ba sa Biblia?)
May ilan na nagtuturo na kapag tinanggap mo si Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas, tiyak na ang kaligtasan mo habambuhay—anuman ang gawin mo pagkatapos. Ngunit hindi ito ang itinuturo ng Banal na Kasulatan.
1. Hindi sapat ang pagsabi lamang na “Panginoon, Panginoon.”
Mateo 7:21
“Hindi lahat ng nagsasabi sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama.”
Hindi salita lamang, kundi pagsunod sa kalooban ng Diyos.
2. Ang kaligtasan ay may kasamang pagtitiis hanggang wakas.
Mateo 24:13
“Ang magtiis hanggang wakas ang maliligtas.”
Hindi sinabi ni Jesus na “ligtas ka na,” kundi maliligtas—future tense.
3. Maaaring maputol ang tao mula sa biyaya.
Roma 11:22
“Kung hindi ka mananatili sa kabutihan ng Diyos, ikaw man ay mapuputol.”
Kung imposibleng mawala ang kaligtasan, bakit may babalang “mapuputol”?
4. Kahit si San Pablo nag-ingat na huwag mawaglit.
1 Corinto 9:27
“…baka pagkatapos kong mangaral sa iba, ako mismo ay itakwil.”
Kung si Pablo maaaring maitakwil, paano masasabi ng iba na imposibleng mawala ang kaligtasan?
5. Mag-ingat ang nag-aakalang ligtas na siya.
1 Corinto 10:12
“Ang nag-aakalang nakatayo, mag-ingat baka siya’y mabuwal.”
Babala laban sa presumption.
6. Kailangan tuparin ang mga utos.
Mateo 19:17
“Kung ibig mong pumasok sa buhay, tuparin mo ang mga utos.”
Hindi sinabi ni Jesus: “Manampalataya ka lang.”
7. Ang pananampalataya na walang gawa ay patay.
Santiago 2:24
“Ang tao ay inaaring ganap sa pamamagitan ng gawa, at hindi sa pananampalataya lamang.”
8. “Work out” ang kaligtasan.
Filipos 2:12
“Isagawa ninyo ang inyong kaligtasan nang may takot at panginginig.”
Kung tapos na, bakit “isagawa” pa?
9. Maaari mabura sa Aklat ng Buhay.
Exodo 32:33
“Ang nagkasala laban sa akin ay buburahin ko sa aking aklat.”
10. Si Jesus mismo nagsabing huwag nang magkasala.
Juan 8:11
“Humayo ka, at huwag ka nang magkasala.”
Juan 5:14
“Huwag ka nang magkasala, baka may higit pang masamang mangyari sa iyo.”
Hindi namatay si Cristo para payagan tayong magpatuloy sa kasalanan.
Ano ang turo ng Biblia?
Naligtas tayo — Roma 5:1
Nililigtas tayo — 1 Cor 1:18
Maliligtas tayo — Mateo 24:13
Ang kaligtasan ay proseso, hindi one-time guarantee.

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

Manila