HUDAW NIN PAGLAWOD

HUDAW NIN PAGLAWOD

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from HUDAW NIN PAGLAWOD, Manila.

14/11/2017

Tuldok-Kuwit

Patunay na may mga bagay na dapat nililimita at binibigyan ng pahinga at pagtigil. Makapagbigay ng isang pangungusap pero may karugtong na pambuong ideya.

Maaaring ikaw ay tuldok at ako ay kuwit.
Oo. Bibihira tayo magkabit.
At magkaiba tayo ng panapos.

Anung pinagkaiba ko sayo?

Ikaw itong nagsasara ng hangganan.
Ako itong di nahinto.
Mananatili akong may karugtong.
Mananatili akong lumalakad.
Hihinto saglit pero magpapatuloy.

Pero mas malakas daw ang buod ko kapag iisa tayo.

Maaari.

Pero wag kang tatambal kung tatapusin mo lang din naman.
Kasi ako, bilang kuwit gusto ko lang magpatuloy...

-aqckental

18/09/2017

Bente singko.

Sang taon na naman pala ang dumaan.
Parehong senaryo na naman ang lumipas.
Sang taon mula ng bahagian ko ng kahilingan ang sarili sa harap ng nanunuod para hipan ko na ang kandila sa taas ng aking tsokolating keyk.
Mataas man ang gusto kong patungohan palagi, tila di pa rin maabot abot ang gusto.
Para akong isang hangal na naghihintay ng masasakyang eroplano sa daungan ng naglalakihang barko.
O isang pasahero sa jeep na nag aantay ng sukli sa otso pesos na ibinayad ko.

Mali.
Di pala totoo na walang nabago sa 'sang taon na lumilipas.
Dahil sa totoo nyan, maaari pala akong makabyahe gamit lang ang barko.
Maari pala akong makarating sa patunguhan ng walang sukling hinihingi sa kundoktor ng buhay ko.
Malimit mang makita ang aking pag angat.
Sa tuktok ng isip at kaloob looban ng puso, naruon pa rin ang tunay na kayamanan.

Sabi sa isang berso sa bibliya,
We are hard pressed on every side, but not crushed; perplexed, but not in despair; persecuted, but not abandoned; struck down, but not destroyed.
(2 Corinthians 4:8-9)

Wala namang binibigay si Lord na di natin kayang mapagtagumpayan. Hakbang lang ulit. Hiling lang nang hiling sa hihipang kandila at keyk habang sinasamahan ng push at gawa. Di man mabilisan atleast nakadiretso lang para sa mga susunod pang mga bente singkong taon. 😊😊😊

-aqckental-

Want your establishment to be the top-listed Arts & Entertainment in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

Manila