TAKDER
TAKDER or Cordillera Youth Movement for Democracy and Prosperity is a national democratic mass organization of Kaigorotan and its advocates based on NCR.
30/04/2026
READ | ππ‘π π©π«ππ² π¨π ππ‘π’π₯π’π©π©π’π§π π«ππ-πππ π π’π§π : π π₯π¨π¨π€ π’π§ππ¨ ππ‘π ππ«π¨π§ππ₯π’π§π ππ§π―π’π«π¨π§π¦ππ§πππ₯ πππππ§πππ«π¬ π¨π ππ‘π ππ¨π«ππ’π₯π₯ππ«ππ¬ ππ§π ππ’π§πππ§ππ¨
This report examines the multifaceted experiences of Indigenous Peoples (IPs) and Indigenous Cultural Communities (ICCs) in the Philippinesβparticularly the Igorot of the Cordillera and the Lumad of Mindanaoβas environmental defenders facing violent state repression. It foregrounds the disproportionate vulnerability of Indigenous Peoples (IPs) and Indigenous Cultural Communities (ICCs) who resist destructive development projects encroaching on their ancestral domains.
Read the summary here: https://www.observatory.ph/2026/04/27/the-prey-of-philippine-red-tagging-a-look-into-the-frontline-environmental-defenders-of-the-cordilleras-and-mindanao/
ππ‘π π©π«ππ² π¨π ππ‘π’π₯π’π©π©π’π§π π«ππ-πππ π π’π§π : π π₯π¨π¨π€ π’π§ππ¨ ππ‘π ππ«π¨π§ππ₯π’π§π ππ§π―π’π«π¨π§π¦ππ§πππ₯ πππππ§πππ«π¬ π¨π ππ‘π ππ¨π«ππ’π₯π₯ππ«ππ¬ ππ§π ππ’π§πππ§ππ¨
This report examines the multifaceted experiences of Indigenous Peoples (IPs) and Indigenous Cultural Communities (ICCs) in the Philippinesβparticularly the Igorot of the Cordillera and the Lumad of Mindanaoβas environmental defenders facing violent state repression. It foregrounds the disproportionate vulnerability of Indigenous Peoples (IPs) and Indigenous Cultural Communities (ICCs) who resist destructive development projects encroaching on their ancestral domains.
Read the summary here: https://www.observatory.ph/2026/04/27/the-prey-of-philippine-red-tagging-a-look-into-the-frontline-environmental-defenders-of-the-cordilleras-and-mindanao/
29/04/2026
Vegetable Rescue Update: 4 tons of vegetables- arrived!
Cabbage - 30.00/kg
Pechay Baguio - 30.00/kg
Sayote - 35.00/kg
Potato - 70.00/kg
Red Onions - 75.00/kg
White Onions - 75.00/kg
Other items available:
Muskovado Sugar - 200.00/kg
Malagkit - 90.00/kg
Honey - 400.00/bottles
Vegetable Noodles - 60.00/pack
Fruit Wines - 200.00-250.00/bottle
Woven Foot rugs - 55.00/pc
All purpose Runner - 350.00/pc
Yema - 300.00/tub
For orders, message us with: Name, contact number, list of order.
27/04/2026
Bukas, Abril 28, gugunitain natin ang tatlong taong nakalipas mula nang sapilitang pagkawala nina Dexter at Bazoo. Sa pag-asang sila ay muling lumitaw nang buhay at ligtas, inaanyayahan ang mga iskolar ng bayan na magsasama-sama sa isang taimtim na paggunita sa ikatlong taon ng kanilang sapilitang pagkwala. Isasagawa ang isang simbolikong pag-iilaw ng mga kandila bukas sa UPB Parking Lot, 6:30 PM.
Sa tatlong taong paghahanap, nananatiling mailap ang hustisya para sa kanila. Sa gitna ng patuloy na represyon ng pasistang estado laban sa mga aktibista, ang kanilang sapilitang pagkawala ay repleksyon ng mas malawak na sistema ng panunupil na hanggang sa kasalukuyan ay nagpapalalim sa krisis ng karapatang pantao sa bansa.
Si Dexter Capuyan ay nagsilbing punong patnugot ng Outcrop, at si Gene Roz Jamil βBazooβ de Jesus na naging tagapangulo ng Alliance of Concerned Students at Council of Leaders ay parehong aktibong tagapamandila ng karapatan ng ating mga katutubo. Sa naudlot nilang buong pusong paglilingkod sa masa, nawaβy gunitain natin ang kanilang pagkawala sa pamamagitan ng pagsasabuhay nito. Habambuhay na pag-asa ang kanilang bitbit.
27/04/2026
LOOK | Daga, biag, kinabaknang, salakniban!
Ngayong Abril, ginugunita ang ika-42 na Cordillera Day bilang pag-alala sa walang humpay na pakikibaka ng mga pambansang minorya para sa lupa, buhay, at karapatan sa sariling pagpapasya. Nakiisa ang KATRIBU PUP sa mga katutubo ng Mountain Province sa pagtitibay ng paninindigan laban sa patuloy na pang-aagaw sa lupang ninuno, militarisasyon, at mapanirang mga proyekto ng estado at malalaking dayuhang korporasyon. Hindi lamang ito simpleng pagdiriwang, kundi isang militanteng pagtitipon ng paglaban upang ipanawagan ang hustisya at ipagtanggol ang kabundukan, kagubatan, at kabuhayang ninuno laban sa pandarambong.
Isinasagawa ang Cordillera Day bilang paggunita sa kabayanihan ni Macli-ing Dulag, lider ng Kalinga na buong tapang na tumindig laban sa Chico River Dam Project noong panahon ng diktadurang Marcos Sr. Ang kanyang pagpaslang noong 1980 ay naging simbolo ng paglaban ng mamamayan ng Cordillera laban sa pang-aapi at panghihimasok sa kanilang lupang ninuno. Hanggang ngayon, nananatiling buhay ang kanyang diwa sa bawat katutubong lumalaban sa mina, dambuhalang dam, geothermal projects, at komersyalisasyon ng lupa na nagtataboy sa kanila mula sa kanilang sariling tahanan.
Sa gitna ng tumitinding pasismo, red-tagging, at pang-aatake ng AFP, NTF-ELCAC, at rehimeng US-Marcos II, higit na kinakailangan ang pagkakaisa ng mamamayan upang labanan ang imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo na siyang ugat ng kahirapan at pang-aapi sa mga pambansang minorya. Ang Cordillera Day ay panawagan ng paglaban, isang matibay na deklarasyon na hindi kailanman magpapasupil ang mamamayan ng Cordillera. Kaya makiisa s alaban ng mga katutubo sa kanayunan.
Hanggaβt may pangangamkam at panunupil, mananatiling buhay ang sigaw ng bayan: lupaing ninuno ipagtanggol, karapatan ng katutubo ipaglaban!
Click here to claim your Sponsored Listing.