DevKinetics

DevKinetics

Share

Digital Automation, DevOps, Mobile (iOS / Android), Web Support & Development, Two-Factor Authentication (TFA), and OAUTH 2.0 experts in the Philippines.

04/02/2023

𝗣𝗔𝗔𝗡𝗢 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗣𝗨𝗛𝗨𝗡𝗔𝗡?

𝗔𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 𝗽𝗿𝗼𝘃𝗶𝗱𝗲𝗿 𝗮𝘆 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗱𝘃𝗮𝗻𝘁𝗮𝗴𝗲 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮𝗮𝗻. Bilang indibidwal na may kakayahan, pwede tayong magtayo ng sariling negosyo at palawakin ito sa pamamagitan ng pag-offer ng mga home service.

𝗦𝗮 𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 ₱𝟮,𝟬𝟬𝟬 – ₱𝟱,𝟬𝟬𝟬 pwede ka nang makabili ng complete set ng Nail tools na pwede mong gamitin sa pag offer ng home service manicure at pedicure. Sa kapital na ito, makakabili ka na rin ng Nail Lamp at iba pang kumpletong tools para sa manicure at pedicure.

Ganon din sa pagsisimula ng Haircut business. 𝗦𝗮 𝗸𝗮𝗽𝗶𝘁𝗮𝗹 𝗻𝗮 ₱𝟯,𝟬𝟬𝟬 - ₱𝟱,𝟬𝟬𝟬 ay pwede ka nang bumili ng Hairdressing set Shopee o Lazada, at pwede ka nang mag simula ng Home Service Haircut sa inyong lugar.

𝗪𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝘀𝗮𝗸𝘆𝗮𝗻 𝗽𝗲𝗿𝗼 𝗺𝗮𝘆 𝗹𝗶𝘀𝗲𝗻𝘀𝘆𝗮 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗿𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴 𝗱𝗿𝗶𝘃𝗲? Pwede ka pa rin maging On Call Driver! May mga kliyente rin na naghahanap lang ng driver sa Serbisyo.com para mag maneho ng kanilang mga sasakyan.

Bilang may kakayahan o skills, paglaanan mo ito ng budget para mapalago at mapagkakitaan mo. Imbis na gastusin sa walang kwentang bagay ang extra mong pera sa bulsa, ipunin mo ito dahil pwede ka pa rin magsimula ng iyong negosyo sa maliit na puhunan. Kalaunan, mapapalago mo ito at balang araw, ay baka maging successful ka na dahil sa ₱3,000 na puhunan plus ang iyong skills.

29/01/2023

𝗕𝗔𝗞𝗜𝗧 𝗞𝗔𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗚-𝗜𝗡𝗩𝗘𝗦𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧𝗔𝗡?

Kung nais mong maging On-Call Carwasher, mas mabuti na magkaroon ka ng Portable Pressure Washer na madali mong madadala para sa pag offer mo ng Home Service Carwash. Isa ito sa mga paraan para makapag simula ka ng bagong mapagkakakitaan bilang isang on-call carwasher sa inyong lugar na hindi kinakailangang gumastos ng malaking puhunan. Hindi mo kailangang lumabas para makabili nito dahil may nabibili nito sa mga online shops. Ganon rin sa iba pang mga pang-linis ng sasakyan na mabibili rin online.

Katulad ng ibang negosyo, kailangan mo mag-invest o maglaan ng capital sa iyong mga kagamitan para epektibong mong maibigay ang iyong serbisyo sa iyong kliyente. Kahit isa kang magaling na manggugupit, kung ang iyong gunting ay mapurol, malamang ay hindi magiging maganda ang kalalabasan ng iyong gawa. Dahil dito, maaaring ‘di ka na tangkilikin ng iyong mga customer. Ang pag-invest rin sa kagamitan ay magsisilbing panimula ng iyong pagkakakitaan. Tulad ng pagbili ng Portable Pressure Washer para makapag-offer ka ng Home Service Carwash sa inyong lugar.

Maraming paraan para simulang kumita at magtayo ng sariling negosyo. Sa maliliit na hakbang na ito ay siguradong may makakamit mo ang tagumpay bilang isang service provider at negosyante.

Want your business to be the top-listed Business in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address

Manila