Philippines Watch
I-FOLLOW ang aming OFFICIAL page!
11/07/2026
HABAGAT, SA PANAY ISLAND NAMAN TUMAPAT ⛈️🌀
UPDATE: Matapos bayuhin ng malakas na ulan na may bugso ng hangin ang , , at ng malalakas na ulan at hangin nitong mga nakalipas na oras, bumaba ang makakapal na kaulapan at sa Panay Island naman ito papunta.
Posibleng makaranas ng katamtaman hanggang sa malalakas na ulan na may pabugso-bugsong hangin ang , , , at , ayon sa satellite pictures na nakalap.
📸: HIMAWARI-9 Enhanced IR Image
🐖 NO ANIMALS LEFT BEHIND⚠️
PANOORIN: Pinagtulungan ng isang pamilya na ilikas ang kanilang mga alagang baboy matapos umabot ang matinding baha sa kanilang kulungan sa Brgy. Gui-ob, , Sabado, Hulyo 11, 2026, dulot ng .
Pinaaalalahanan ang mga residente sa mga lugar na apektado ng baha na unahin ang kaligtasan ng kanilang pamilya at, kung maaari, ilikas din ang kanilang mga alagang hayop sa mas mataas at ligtas na lugar.
🎥: Rodel Falculan
PHILIPPINES WATCH | 11, JULY 2026
PAGBAHA SA SITIO WATIA, BARANGAY TICULAB, MAITUM, SARANGANI DULOT NG HABAGAT DALA NI BAGYONG INDAY
Sa video, makikitang malalim at malakas ang agos ng baha habang pilit na tumatawid ang ilang residente upang makarating sa kabilang panig ng kalsada.
Naitala ang pagbaha sa ilang bahagi ng Sitio Watia, Ticulab, Maitum, Sarangani Province bunsod ng malalakas na pag-ulan na dala ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat na pinalalakas ng Bagyong noong Hulyo 10, 2026,.
Samantala, nananatiling umiiral ang epekto ng Habagat sa malaking bahagi ng Mindanao, kung saan inaasahan pa rin ang kalat-kalat hanggang sa paminsan-minsang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.
Dahil dito, nananatili ang banta ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa, partikular sa mga mabababang lugar, tabing-ilog, at mga bulubunduking lugar na madaling maapektuhan ng tuloy-tuloy na pag-ulan.
Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng mga kinauukulang ahensya at lokal na pamahalaan, at agad na lumikas kung kinakailangan upang matiyak ang kaligtasan.
🎥: Aprilyn Eskinan
PHILIPPINE WATCH | Hulyo 11, 2026
Click here to claim your Sponsored Listing.
Telephone
Website
Address
Manila