St. Isidore Labrador Chapel - Barangay Matalaba

St. Isidore Labrador Chapel - Barangay Matalaba

Share

Official page of St. Isidore Labrador Chapel - Barangay Matalaba

Photos from St. Isidore Labrador Chapel - Barangay Matalaba's post 10/05/2026

Mamaya na po ang simula ng ating Nobernaryo para kay San Isidro Labrador!
Kita-kits po tayo!

10/05/2026

Viva La Virgen!

Sa ilalim ng iyong mapagpala at maawaing pagtitig, kami ay mapagkumbabang lumalapit. 🙏✨
Sama-sama nating parangalan ang ating Mapagkalingang Patrona, Ang Mahal na Birhen ng Biglang Awa at magpasalamat sa Diyos sa Kaniyang walang hanggang pag-ibig at kagandahang-loob.

Sa saliw ng “Viva, Viva” at ng tradisyunal na Putong ng Marinduque, nawa ang bawat galaw ng aming katawan sa banal na pagsayaw at bawat tibok ng aming puso sa pananalangin ay maging karapat-dapat na papuri at handog na pumapailanlang sa harapan ng Panginoon tulad ng mabangong insenso. 🌹⛪
Halina at sama-samang magpuri at manalangin.

Mahal na Birhen ng Biglang Awa, ipanalangin mo kami.

09/05/2026

Halina at sama sama tayong magbuklod bilang isang Diyosesis ng Boac at ating ipagdiwang ang Ika-48 Anibersaryo ng pagkakatatag ng ating Diyosesis at ang ika-68 Anibersaryo ng Coronacion Canonical ng ating Mahal na Birhen ng Biglang Awa - Ang Patrona ng ating Diyosesis at Lalawigan.

Ang Misa Concelebrada ay sa ganap na Ika 2:00 ng hapon, na pangungunahan ng Lubhang Kgg. Edwin O. Panergo at susundan ng Maringal na Prusisyon - Sayaw Panalangin sa himig ng Tradisyunal na Putong ng Marinduque. Alay bilang ating Pagpaparangal sa ating Mahal na Ina ng Biglang Awa.

VIVA La Virgen!

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Marinduque?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

Barangay Matalaba, Santa Cruz
Marinduque
4902