Project 1UP
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Project 1UP, Mariveles.
15/06/2021
YEAR 1 GRAND RAFFLE
Task 4: Tulungan ang Mag-aaral sa “Pagmamay-ari” ng Kanyang Pagkatuto (June 14-18, 2021)
Sa pahina 5 ng PURSIGE, itala ang mga pagkakataon na humihingi ng tulong ang mag-aaral mula sa tagapagdaloy ng karunungan (learning facilitator) sa mga aralin ngayong linggong ito.
Tandaan: Matapos gawin ang TASK 4 ay icomment sa post na ito ang picture ng output. Sa June 18 lamang maaaring magcomment.
Maraming salamat!
07/06/2021
YEAR 1 GRAND RAFFLE
Task 3: Manatiling Nakikipag-ugnayan sa G**o (June 07-11, 2021)
Sa pahina 4 ng PURSIGE, naipaliwanag ang wastong pakikipag-ugnayan sa g**o gaya ng sumusunod:
1. Magpakilala sa pamamagitan ng pagsasabi ng iyong pangalan, kung taga saan, at relasyon sa mag-aaral.
2. Sabihin o ipaliwanag ang pakay sa g**o.
3. Gumamit ng magagalang at angkop na mga salita.
4. Tiyakin na magpasalamat matapos masagot ang iyong tanong, kahilingin, o ano mang paglilinaw.
Icomment sa post na ito ang isang screen shot ng isa sa inyong mga pag-uusap na nakasunod sa mga pamantayan.
Tandaan: Matapos gawin ang TASK 3 ay icomment sa post na ito ang nasabing picture. Sa June 11 lamang maaaring magcomment.
Maraming salamat!
25/05/2021
YEAR 1 GRAND RAFFLE
Task 1: Itakda ang mga Gawain na Inaasahang Matapos (May 24- 28, 2021)
Sa pahina 2 ng PURSIGE, bumuo ng schedule ng iyong karaniwang pansariling mga gawain sa buong linggo. Tiyakin na maisasama ang oras ng paggabay sa pag-aaral ng mag-aaral.
Tandaan: Matapos gawin ang TASK 1 ay kuhanan ng picture at icomment sa post na ito ang nasabing picture. Sa May 28 lamang maaaring magcomment.
Maraming salamat!
21/05/2021
Abangan ang Year 1 Grand Raffle! Manalo ng CASH PRIZE!!!
22/04/2021
Isang matagumpay na pagpapadaloy ng karunungan kasama ang ating session facilitator Sr. Clariza B. Moren, MPS ukol sa paksang “Pagtatatag ng Quiet Time at Pagmumuni sa Tahanan”. Kita- kita tayo hanggang sa susunod na live session. Abangan din ang ating WINNER para sa ika-apat na session.
Click here to claim your Sponsored Listing.