Ian Velasco
𝗹𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼.
𝗹𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗚𝗮𝗿𝗮𝗻𝘁𝗶𝘀𝗮𝗱𝗼.
𝗹𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗻𝘀𝗶 𝗸𝗼.💙❤️🤍
#KonsehalIanVelasco
#TeamVillarica
06/07/2026
Mas matatag na Solo Parent, mas maunlad na Meycauayan! 💙💛❤️
Isang karangalan ang makiisa sa paglulunsad ng Solo Parent Federation Products and Trading (SLPA) isang hakbang tungo sa pagbibigay ng dagdag na kabuhayan, oportunidad, at pag-asa para sa ating mga solo parent.
Sa loob ng isang taon ng aking pagseserbisyo bilang City Councilor, patuloy nating isinusulong ang mga programang nagbibigay-lakas at tunay na suporta sa bawat pamilyang Meycauayanense.
Sama-sama, tulong-tulong.
Solo Parent, isusulong! 💚
29/06/2026
Ngayong Pride Month, ipinagdiriwang natin ang pagmamahal, pagkakapantay-pantay, paggalang, at kalayaan ng bawat isa na maging tunay sa kanilang sarili.
Nawa'y patuloy nating isulong ang isang komunidad na bukas ang isip, may malasakit, at nagbibigay ng pantay na pagkakataon sa lahat anuman ang kasarian, pagkakakilanlan, o pagmamahal na kanilang pinipili.
Sa pagkakaisa at pagrespeto sa isa't isa, mas nagiging matatag at mas makulay ang ating pamayanan.
HAPPY PRIDE MONTH! 🏳️🌈🏳️🌈🏳️🌈
Pagbati mula kay
Konsehal Ian Velasco 💙💛❤️
26/06/2026
HINDI PA NAKAKALIPAS ANG ISANG BUWAN… NAGBABALIK NA AGAD ANG LTO CARAVAN!🔥
Dahil sa napakaraming requests at patuloy na pagtangkilik ng mga Meycauayeños, heto na ang PART 5 ng LTO ON WHEELS CARAVAN! 🚗
LIBRENG 2-Day Theoretical Driving Course (TDC)
📅 July 10–11, 2026 | 8:00am to 5:00pm
📍 Joepris Resort, Brgy. Lawa, Meycauayan
🎟️ 300 SLOTS ONLY!
(First Come, First Served!)
Kung hindi ka nakaabot sa mga naunang caravan, ito na ang pagkakataon mo! Kaya huwag nang magpatumpik-tumpik at siguraduhing makuha ang iyong slot.
📌 Stub Claiming: July 1–2, 2026
🕘 9:00 AM – 4:00 PM
📍 Office of the Sangguniang Panlungsod (2nd Floor), Meycauayan City Hall
Kita-kits sa LTO CARAVAN PART 5! 🚘💙
22/06/2026
Maraming salamat, Meycaueños!!!
Matagumpay na naisagawa ang ating LTO Caravan: 2-Day Free Theoretical Driving Course noong June 19–20, 2026.
Lubos ang pasasalamat ni Konsehal Ian Velasco sa lahat ng participants na nakiisa at naglaan ng oras upang matuto at maging mas responsable at ligtas na motorista.
Sama-sama nating itaguyod ang kaligtasan sa kalsada at patuloy na maghatid ng serbisyong para sa mamamayan.
Website
Opening Hours
| Monday | 09:00 - 17:00 |
| Wednesday | 09:00 - 17:00 |
| Thursday | 09:00 - 05:00 |
| Saturday | 09:00 - 17:00 |