Ang Sanrok
Opisyal na Pampaaralang Pahayagan sa Filipino ng Morong National High School
21/03/2024
15/03/2024
PAGBATI AT PAGKILALA!
Mga Bagong Miyembro ng Ang Sanrok!
Mga bagong Manunulat ng Balita
1. Gladys Rein R. Cervantes
2. Alteya Miel A. Garrovillas
3. Rain Shanel O. Balunsay
4. Paul Pierce Estanislao
5.Joana Christine R. Borja
6.Ayesha Pauline Francisco
7. Zyreene A. Serrera
Mga bagong Miyembro ng Radyong Pangsahimpapawid
Female Anchor: Zyrene Serrara
Male Anchor: Brandon Jacob
News Presenter:
1.Audri Joy Fernandez
2.Jhodelyn Campo
Isang maligayang pagbati sa matagumpay na nakapasok sa listahan ng mga nakapasa sa isinagawang screening para sa pagsulat ng balita at radyong panghimpapawid.
12/03/2024
Mapagpalang gabi sa lahat!
Ang opisyal na pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralang Nasyunal ng Morong - Ang Sanrok ay inaanyayahan kayong makilahok sa gaganaping screening, bukas, ika-13 ng Marso. Isasagawa ito sa Social Hall ng MNHS sa ganap na 12:30 hanggang 2:00 ng hapon.
Kami po ay naglalayon na maghanap ng mga bagong miyembro na bubuo sa Radio Broadcasting team ng aming Publikasyon.
📌 Ang mga hinahanap ay ang mga sumusunod:
✨ 2 Anchor na siyang mamamahala sa buong grupo ng Radio Broad.
✨ 2 Reporter na mangunguna sa paglalahad ng mga balita katulad ng balitang sports.
✨ 1 Technical na siyang magsisilbing director at mamamahala sa mga sound effects.
Kung nais sumali, mag-message lamang dito sa page ng Ang Sanrok.
Save the date, mga ka-Sanrok!
07/03/2024
Talbugan sa sayawan, kanilang ipinag-hiyawan!
Tagumpay na isinagawa sa Gusaling Pampalakasan ng Mataas na Paaralang Nasyunal ng Morong ang Cheerdance na matagal nang pinaghahandaan ng mga mag-aaral mula sa ika-10 baitang. Ito'y nag-umpisa sa ganap na 1:00 ng hapon, sa pangunguna ng mga G**o at Opisyales ng MAPEH.
14/02/2024
DIVISION CLINIQUING 2024
Pagyabong ng Kaalaman sa Larangan ng Pamamahayag; Kabataang Manunulat Sumabak sa Unang Araw ng Pagsasanay
Mga Kinatawan ng Rizal sa nalalapit na Regional Press Coference, sinimulan nang isalang sa pagsasanay.
Ngayong araw, ika-14 ng Pebrero ay kasalukuyang idinadaos ang Division Cliniquing sa Gusaling Pampalakasan ng Casimiro A. Ynares Sr. Memorial National High School sa bayan ng Taytay na may layuning paigtingin at linangin ang mga batang kalahok para sa nasabing kumpetisyon.
artikulo ni: Elaine Joy R. San Juan
Larawan ni: Chezka Adarne
Click here to claim your Sponsored Listing.